Chapter 21

1.7K 36 6
                                    

Xander pov!

"How is she? Is she awake?" tanong ko sa nurse na nakaaasign sa clinic ng kompanya. Kakalabas lang niya sa room kung saan ko inihatid si Lory ng mahimatay siya kanina.

"Hindi pa po siya nagigising sir Xander. Alis lang po muna ako."

"Okay."

Pumasok na ako sa loob at nadatnan ko na tulog pa rin siya.

"Para siyang mantika kung matulog. Hayyy."

Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Hindi naman siya masamang tingnan pero kapag tulog lang dahil mukha siyang aso na may tuta kapag nilalapitan kapag gising. Napatingin ako sa relo ko. Alas singko trenta na pero tulong pa rin siya. Halos anim na oras na siyang natutulog kaya hindi ako magtataka kung papasok siya bukas na maga na naman ang mga mata niya dahil hindi na siya makakatulog mamaya.

"Teka parang nakita ko na siya dati. Bakit ngayon ko lang napansin na parang familiar sakin? Siguro dahil ngayon ko lang siya nakita na maayos ang itsura. Hindi nakataas ang kilay, hindi rin nakabusangot at hindi rin maga ang mga mata niya. Saan ko nga ba siya nakita? Hindi ko maalala."

Tumunog ang phone ko at sinagot ko kaagad dahil si Robert ang tumatawag na kanina ko pa tinatawagan pero hindi ko macontact.

"Robert kumusta na ang pinapaasikaso ko?"

"Wala pa rin boss."

"Ano? Robert makinig ka ng mabuti. Bilisan mo ang paghahanap na magpapanggap bilang fiance ko cause I don't want to marry Thea and I have another peoblem. Dad thought that Lory is my girlfriend so before the situations get worst humanap ka na ng magpapanggap."

"Boss bakit kaya hindi na lang si Lory ang pagpanggapin mo bilang fiance mo total napagkamalan naman lang din kayo na kayo. Bakit hindi niyo na lang totohanin?"

"Are you kidding me? Nakita mo naman kung paano kami magsagutan noon. Sa tingin mo ba mapapaniwala namin si Dad?"

"Bakit kasi hindi na lang po kayo magkasundo?"

Magsasalita pa sana ako pero biglang gumalaw si Lory at sinapo ang noo.

"Sir nandyan pa po ba kayo?"

"Yeah, yeah. I will call you later."

Pinutol ko na ang tawag dahil umupo na siya sa kama niya.

"Sir Xander?"

"Mabuti naman at naalala mo pang gumising."

"Ha? Bakit ano ba ang nangyari?"

"Naalala mo yung medics na sinasabi mo? Ikaw ang nangailangan ng tulong nila kanina."

Nanlaki ang mga mata niya. Sigurado akong naalala niya ang pagmamayabang niya kanina.

"Gutom na ako."

Pag.iiba niya ng usapan pero mukha naman na nagsasabi siya ng totoo dahil tumunog ang tiyan niya kaya napangiwi na lang siya.

"Bumangon ka na para makakain ka na. Sa susunod kasi huwag masyadong mahangin. Medics pala ha." nginitian ko siya na nang.aasar bako ako tumalikod.
"Bye the way pakatapos mong kumain mag.ayos ka. Aalis na tayo mamaya." naglakad na ako palabas pero pinigilan niya ako.

"Teka lang sir." humarap ako sa kanya. Ang amo ng mukha niyang tingnan. Sana palagi na lang siyang nahihimatay para hindi siya mukhang mangangain ng tao.

"Oh I forgot, nasa fifth floor pala tayo kasi hindi available yung clinic sa ground floor but don't worry itatawag kita ng medics mamaya para may kasama ka mamaya sa elevator baka mahimatay ka na naman. Ang bigat mo pa naman."

"Sinadya mo talaga na dito ako dalhin sa clinic na ito para pahirapan ako ano? Aminin mo!"

"Think whatever you want to think. Una na ako."

Tumalikod na ako at iniwan siya. Bahala na siya kung paano siya makakaakyat sa taas. Wala akong pakialam kung himatayin siya ulit. Problema niya na yun.

**********

Lory pov!

Kinapa ko ang coat ang ko pero hindi ko makuha ang cellphone ko. Kailangan kong mahanap yun para makahingi ng tulong para makuha ang bag ko sa taas at para may kasama na rin ako sa elevator. Sumilip ako sa ilalim ng kama baka nahulog ito sa ilalim.

"Lintik nasaan na ba yun?"

"Mam may hinahanap ka po ba?"

Bogggzzz!

Pakiramdam ko nabali ang mga boto ko sa pagkakahulog sa kama ng may magsalita sa likuran ko. Buti na lang hindi mukha ko ang bumagsak.

"Aray naman." sakit ng siko ko dahil yun ang ginamit ko para hindi tumama ang nguso ko sa sahig.

"Mam ayos lang po kayo."

Kailan pa ba naging ayos ang nahulog? Buti sana kung si Xander ang nahulog.

Tinulungan ako ng nurse na makatayo at pagharap ko mukha ni Xander ang tumambad sakin at mukhang ang saya niya pa na nahulog ako dahil todo ang ngisi niya na palagi kong nakikita sa pagmumukha niya. Ano pa ba ang aasahan ko sa kanya? Yun nga ang kinaliligaya niya, ang masaktan ako. Para siyang si Mike. Bwisit ka talaga Xander naalala ko tuloy si Mike ng dahil sayo.

"Are you looking for your phone?"

"Oo. Anong nginingisi.ngisi mo dyan?" ngumiti ako ng pilit. "Ano pa nga ba ang aasahan ko sa inyong mga lalaki? Parepareho lang kayo ang saya niyo kapag may nasasaktan kayong babae. Akin na nga yan! Sana ikaw na lang ang nahulog para maranasan mo rin kung paano ang mahulog sa taong mahal mo at para malaman mo rin kung gaano kasakit ang masaktan!" hinablot ko ang phone ko mula sa kanya at iniwan siya.

"Siguro pinagtatawanan niya ako ngayon. Aba siya pa ang may ganang ngumisi? Kapal din ng mukha niya! Nahimatay na nga ako dahil sa kagagawan niya at nahulog dahil sa kasalanan niya tapos ang saya niya pa na nangyari sakin yun?"

Pinagtitinginan na ako ng mga nakakasalubong at nadadaanan kung mga empleyado.

"Bakit niyo ako tinitingnan? Ngayon lang ba kayo nakakita na may nagsasalita laban sa presidente niyo?"

Nilampasan ko na lang sila at sa lakas ng bulungan nila dinig na dinig ko ang mga pinagsasabi nila.

"Siya ba yung bagong p.a ni sir Xander?" binagalan ko ang paglalakad ko para marinig ang mga pinagsasabi nila.

"Oo. P.a ba talaga siya ni sir Xander kasi nakita ko siya kanina na buhat buhat siya ni sir. Pero bakit galit na galit?"

"Oo naman noh. Alangan naman na girlfriend siya ni sir. Impossible yatang mangyari yun. Baka siguro nagalit dahil binasted ni sir." tiningnan ko ng masama ang nagsalita at bigla naman silang napaatras.

"Hoy kayong tatlo lilinawin ko lang na hindi ko siya boyfriend dahil ayoko sa mga masasamang elemento at ito ang tatandaan niyo kahit kailan hinding hindi ako mababasted ng dahil sa kanya dahil ako si Lory Briones."

Naglakad ako papunta sa elevator. Bakit hindi bumubukas. Aba ako pa ang pinag.aantay?

"Bumukas ka!" utos ko dito pero hindi pa rin bumukas. "Sabi ng bumukas ka eh!"

"Ano ba ang nangyayari sa kanya?" sabi ng isang empleyado. Pakialam ko sa kanila!

"Hindi yan bubukas kong hindi mo pipindutin ito." may nagsalita sa tabi ko at may pinindot siya sa may elevator saka ito bumukas. Dahan.dahan kong binaling ang tingin sa kanya. "Lory?"

Napangiti na lang ako ng pilit ng makilala ko kung sino ang nasa tabi ko.

"Sir...Mr..." ano nga ulit ang pangalan niya?

*************

Pasensiya na po kung maikli ang chapter na ito. Wala na kasi akong maisip na hugot.

Sino sa tingin niyo ang nakita ni Lory? Any idea? Just keep on reading guys.. Thank you.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon