Chapter 23

1.7K 47 4
                                    

Xander pov!

Hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang pagkakahulog niya sa clinic kanina. Nandito na ako sa office ko pero natatawa pa rin ako kapag naaalala ko yun. Pero hindi ko rin makuha kung ano ang kinalaman ng sinabi niya sakin.

"Oo. Anong nginingisi.ngisi mo dyan? Ano pa nga ba ang aasahan ko sa inyong mga lalaki? Parepareho lang kayo ang saya niyo kapag may nasasaktan kayong babae. Akin na nga yan! Sana ikaw na lang ang nahulog para maranasan mo rin kung paano ang mahulog sa taong mahal mo at para malaman mo rin kung gaano kasakit ang masaktan!"

"Baliw talaga ang babaeng yun. Ano naman ang kinalaman noon sa pagkahulog niya? Hayy naku. Babae nga naman. Nasaan na kaya yun? Matawagan nga."

Kinapa ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko pero ng i-on ko ang screen mukha niya ang nakita ko.

"Ano ba itong nangyayari sakin? Pati wallpaper mukha niya ang nakikita ko."

Clinick ko ang apps button pero mukha niya na naman ang nakita ko.

"Kailangan mo ng magpatingin sa optical clinic Xander."

Pero iba rin ang theme ng phone niya.

"Lintik! Nagkapalit kami ng phone."

Mali ang naibigay ko kanina. Kaya na sa akin ang phone niya kanina dahil nahulog yun sa kama ng ihiga ko siya. Akala ko sakin yun kaya kinuha ko pero nasa bulsa ko pala yung sakin. Pareho kasi ang phone namin kaya napagpalit ko na naman. Lumabas ako ng office.

"Jenny si Lory?"

"Hindi ko po alam. Hindi pa po siya pumasok dito."

Tumango lang ako at lumabas na para magtanong. Baka tumawag  si dad dun pagnagkataon matutuloy na ang pinakamalaki kong problema dahil kapag siya ang nakasagot ng tawag ni dad iba na naman ang iisipin niya and worst baka mapansin niya na hindi sa kanya ang phone baka tingnan niya ang......gallery.

"Shit!"

Baka makita niya ang mga pictures niya na kinunan ko.

"Have you seen Lory?"

"Hindi po sir." sagot ng una kong tinanong.

"How about you?"

"Hindi din po sir."

Nagtanong.tanong pa ako sa mga empleyado dito pero pare.pareho lang ang mga sagot nila. Hindi nila nakita si Lory.

"Shit talaga oh! Naman! Saan kaya nagsuot ang babaeng yun!"
napasabunot na lang ako sa ulo.

"I heard you're looking for Lory. Why?"

Lumingon ako sa tao na pinagngalingan ng boses at nakita ko si Jake na nakangisi kasama si Andrew.

"Huwag kang ngumisi dyan kung ayaw mong tamaan!"

"Okay." tinaas niya ang dalawang kamay niya sa ire bilang pagsurrender. "By the way I have a good news and bad news. Which of the two you want to hear first?"

"Siguraduhin mo na may kabuluhan yan dahil kung hindi tatamaan ka talaga."

"You don't need to do that dahil sigurado ako na gugustuhin mong malaman ang sasabihin ko."

"Sa office mo na lang sabihin."

"Sure."

**************

"Sabihin mo na kung ano ang balita na nasagap mo."
sumandal ako sa single couch habang si Jake at Andrew magkatabi sa mababang sofa.

"Good news or bad news?" tanong niya sakin.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon