Chapter 1

72 3 0
                                    

Chapter 1

Rence's Pov

Hindi ko nalang pinansin ang pag iingay nung babaeng yun. Buti my mga alam itong shortcut na daan at madali kami nakarating, medyo congested ang traffic sa main road eh. "Salamat Brad. ingat KA ha" inemphasize ko talaga ung KA ,ayoko na idamay pa ung bestfriend niya. 

Natawa nalang ito sa ginawa ko, pero bago pa man lang ako maka akyat ng condo ko tumawag na ito sa akin, sadyang malas ata talaga ung babaeng un eh. Tumirik agad ung sasakyan ni Sean hindi pa man lang nakakaalis.

"My baon ka atang kamalasan eh" Biro ko kay Sean, Parinig na din. "Pang asar ka talaga. Favor naman oh" I'm sure manghihiram lang ito ng sasakyan tapos naman na ung window hour ng coding eh.

"Nagmamadali kasi si Aileen eh, baka pwede mo naman ihatid malapit lang naman dito bahay nila." Nagulat ako sa sinabi niya, talagang pinandilatan ko siya ng mata.

"Sige na brad. Hihintayin ko dito ung mekaniko eh." Facepalm nalang. My magagawa pa ba ako. Pumunta ako sa parking lot para kunin ung sasakyan ko.

"Oh sumakay ka na. Bago pa magbago isip ko." Tawag ko dito. Pumasok na din ito, medyo makapal din mukha nito eh hindi na nag dalawang isip. Kala ko tapos na kalbaryo ko dito, pero eto ihahatid ko pa ang bwsit na ito.

"Sa metropolis tayo" Tama ba nadinig ko? Akala ko ba malapit lang bahay nito. Sa pagkaka alam ko malayo un ah. 

"Seryoso ka? Ang layo nun ah. Sabi ni Sean malapit ka lang daw." Baka ibang metropolis naman kasi yun d b?

"Syempre papayag ka ba kung sasabihin niya agad na dun? Duh! Utak naman" Pabalang na sagot nito. Gustong gusto ko na ito ibaba ng sasakyan kung hindi lang kami nasa gitna ng traffic at baka mahuli pa ako ng wala sa oras dahil ditto pag pinababa ko ito.

"Daming baon na kamalasan" Parinig ko dito. Nakakaasar lang kasi, dapat natutulog na ako pero eto nasa gitna ako ng traffic congestion. At mukhang late na ako makakauwi sa lagay na ito.

Hindi na ito sumagot, at nagawa pang umidlip, habang ako eto naghihintay ang pag green ng mga traffic lights at ng pag galaw ng mga sasakyan sa harap ko. Alam mo ung feeling na gusto mo magwala dahil sa mga ganitong pag kakataon.

Pero ok na yung ganito nalang matulog nalang siya. Hindi din naman kami nagkakausap ng maayos eh.

"Hey, andito na tayo" ginising ko ito nung nasa my guard house na kami ng subdivision nila. Sumilip siya sa bintana at napakita sa guard.

Mukhang kilala naman siya at agad kaming pinapasok. "turn left sa unang corner and turn left again after 2 intersection" medyo bossy pa eh. Parang ang sarap ihulog palabas. Kung makautos feeling ata niya taxi nasakyan niya.

Hindi ko na pinatulan, saglit nalang naman pag titiis na gagawin ko eh.

"There" tinuro niya dun sa isang Zen style na bahay. Malaki ung bahay at maganda. Mukhang mayaman ito ah, sabagay taga metropolis nga d b?

Pang-mayaman na subdivision, mga kilalang tao nakatira dito eh, mga artista, pulitiko at negosyante. May bahay dito ung isa kong kaibigan eh. Si Patrick, anak ng may ari ng isang sikat na airlines.

Bumaba na din siya nung nasa tapat na kami ng bahay nila. "Thanks ha" painis kong sigaw dito. Hindi man lang marunong mag pasalamat. Its almost 10 na din eh. sa sobrang traffic at layo nito.

Humarap siya at nagpamaywang pa sa akin. "Kulang pa ung service mo sa paninira ng mga plates ko noh" pagtataray pa niya. Nakakairita talaga itong babaeng ito eh.

Dealing with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon