Chapter 13
*Flashback*
Habang tinatapos ko yung project na binigay sa'kin ni Dad. Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko.
Tinignan ko kung sino, si Manang Lourdes lang pala. "Sir. Darrel may naghahanap po sa'yo sa labas." Napatingin ako sa orasan ko, may naghahanap pa sa'kin ng gantong oras?
"Sino daw po?"
"Lays daw po." Ah, si Lays lang pala. Pero ano naman ang kailangan niya sa'kin? Sana nagtext nalang siya.
"Paki sabi nalang po na pababa na'ko."
Inayos ko muna yung sarili ko, pagkatapos ay bumaba na'ko at nakita ko si Lays dun sa labas ng gate na palakad-lakad. Ewan ko pero parang takot na takot yung mukha niya. Tapos hindi siya mapakali.
"Lays, what brings you here?"
"S-sir. Darrel! Nandyan na ba si Sir. Kieran?" tanong niya.
"Kadadating lang niya, bakit?"
"Sigurado ka bang nandyan na talaga siya?"
"Oo nga! T-teka bakit ba?"
"Kung nakauwi na si Sir. Kieran, dapat nakauwi na din si Kylie?" Bigla akong nabuhayan ng bigla kong marinig yung pangalan ni Kylie.
"What do you mean? Hindi kita maintindihan."
"Sir, pinapunta po kasi ni Sir. Kieran si Kylie sa EU at hindi ko po alam kung bakit. Nagaalala ako sakanya. Anong oras na at hindi pa din siya bumabalik."
What? Pinapunta ng magaling kong kapatid si Kylie sa EU? At bakit naman niya pinapunta si Kylie dun?
Kung magkasama sila kanina, bakit hindi niya kasama pauwi si Kylie? Hindi kaya iniwan niya si Kylie dun? At naaalala ko yung sinabi niya sa'kin, that he will hurt her and no one can stop him.
Fuck! Fuck him!
At dahil sa inis at galit ko, iniwan si Lays dun at agad na pumasok sa loob para puntahan si Kieran.
"OPEN UP!" galit kong kinatok yung pinto niya. Wala akong pakealam kung masira ko 'to! Gago siya!
"WHA-" hindi ko na siya pinatapos pa at agad kong hinila yung collar niya.
"GAGO KA! NASAAN SI KYLIE?!" Puta! Ang yabang ng mukha niya! Nagpipigil lang ako pero gustung-gusto ko na syang banatan!
"PWEDE BANG BITAWAN MO MUNA AKO!" sigaw niya. Pero hindi ko pa din siya binitawan sa halip ay mas lalo ko pang hinigpitan yung hawak ko sa collar niya.
"KIERAN! NASAAN SI KYLIE?! SUMAGOT KA!"
"HINDI KO ALAM!"
"ANONG HINDI MO ALAM?! IKAW ANG KASAMA NIYA KANINA! BAKIT MO BA SIYA PINAPUNTA SA EU?!"
"WALA KA NG PAKEALAM DUN! KAYA BITAWAN MO NA AKO, GUSTO KO NG MAGPAHINGA!"
"MAGPAHINGA? GUSTO MONG MAGPAHINGA SA LAGAY NA YAN? KIERAN! NAWAWALA SI KYLIE!"
"NAWAWALA? NOT MY FAULT. KASALANAN NIYA YUN DAHIL TANGA SIYA!" Kanina pa'ko gigil na gigil sakanya! At dahil sa galit ko sa lalakeng 'to hindi ko na napigilan pa at binigyan siya ng isang malakas na suntok sa mukha!
BINABASA MO ANG
I'm In Love With An Idiot (Major Editing)
JugendliteraturYou're weird, obnoxious, crazy and a complete idiot. but you know what? I still love you. Kieran and Kylie's story. ❤