A/N: Eto na po yung Chapter 8. Tinupad ko po yung sinabi ko na mag UUD ako nang 3 chapters. Comment naman po kayo :3 I love you Readers ko :*
***********************************************************************************************************************************
Chapter 8
"I- Ikaw?!"
What the!!!!
"Did I surprise you?" Siya
Shit! Bakit siya nandito? Di ba pupuntahan niya yung girl? Nagpost pa nga siya diba?
T-Teka? Ako? Psh! Asa naman ako. Yhanie na nga ang tawag sakin eh. Ayan na naman!! Nag-aasume na naman ako. Argh! >_<
"Ano ginagawa mo dito?" Ako
"Grabe ka naman Yhanie, I asked if i surprised you, tapos sasabihin mo sakin kung ano ginagawa ko dito? Magtatampo ako sa'yo nyan" nakapout pa!
Shit!
Ayan na naman ang puso ko parang lalabas sa dibdib ko. Grrrr..
"Sagutin mo nalang ang tanong ko Kuya kung ano ginagawa mo dito unless na lang kung nahihirapan ka sa tanong ko" sabi ko habang tumitingin sa mata niya.
"Ang sungit mo talaga Yhanie kahit kailan" lumapit siya sakin, habang lumalakad siya sumusunod ang spotlight sa kanya.
"Gusto nga kitang makita. Bakit masama ba ha? Namiss kita Yhanie." sabi niya na nakasmile.
Shit ulit!
Ito yun eh. Itong ngiti na 'to ang nag paibig sakin. Waaaaa!!!! Nakakainis!!
>_<
"Oi! Yhanie! Bakit di ka nagsasalita ha? Nakakasilaw ba ang kagwapohan ko?" sabi niya ulit sabay himas nang chin niya at nagpacute.
Shit naman eh!
Wag kang ganyan Kuya, baka di ko mapigilan at halikan ka.
Nakakatempt kaya!
Kissable pa naman ang lips.
"B-bakit k-ka n-nandito?" Argh! Nauutal ako >_<
"Yhanie naman eh, paulit-ulit ka. Nandito nga ako para makita ka. Ano ba yan"
"Eh, paano mo nalaman na nandito ako?"
"Yhanie naman eh!" sabi niya na parang naiinis.
"Ano ba Kuya?! Yhanie ka nang Yhanie, sagutin mo nga yung tanong ko! Nakakainis ka na!"
"Para nga makita kita. Mahirap ba intindihin yun? Syempre, before ako pumunta dito sa place niyo, nakaplano na ang lahat. May tumulong sakin"
"Yan lang yung dahilan mo?! at sino naman ang tumulong sa'yo?" eh ako lang naman ang kakilala niya dito.
"Syempre mga bestfriends mo"
O______O
"What?! Sina Rhann at Chexie?!"
"Yes, who else?"
So, planado ang lahat nang 'to? Kaya pala iniwan nila ako?
Nakakainis sila!!!
Di ba nila alam na sa ginawa nila, lalo akong umasa?!
Nakakapagod umasa lalo na't di ako mahal nang taong mahal ko.
"Eh bakit may picture2 ka pang nalalaman?"
"Para special yung pagkikita natin, ayaw mo ba?" sabi niya na parang nadisappoint.
Syempre gusto ko. Gustong-gusto. Pero di ko sinabi, syempre kapatid lang ang turing niya sakin.
"Ok lang naman Kuya"
"Tara upo tayo. Kwentuhan muna tayo, nakakamiss ka kasi Yhanie eh"
At ayun umupo kami at nagkwento siya.
Actually namiss ko rin naman si Kuya, simula kasi nung nalaman ko na may girlfriend siya, umiwas ako.
Ano ako? Martyr? Di noh. Di naman ako yung tipong ipagpipilitan ang sarili sa lalaki. Hanggang sa,
"Yhanie, ang ganda mo pala sa personal. Pwede bang pahug? Namiss talaga kita"
Opo. Ngayon lang kami nagmeet. Mas gwapo pa pala siya sa personal. At hinug niya ko.
Oh my G! Ang bango ni Kuya! Sana. Sana. Di 'to panaginip.
Ayaw ko nang magising. Sana tumigil ang mundo. Sana ganito na lang kami lagi.
Bakit ba kasi mahal na mahal ko 'tong lalaki na 'to. Kahit nasasaktan ako, kahit umiiwas ako, mahal na mahal ko siya.
Kumalas siya sa paghug sakin at nagkakatitigan kami, yung mga mata namin nangungusap, di ko mabasa ang mga mata niya, parang may sinasabi pero di ko maintindihan.
Papalapit nang papalapit ang mukha niya sakin,
Shit!
Ang lakas ng tibok nang puso ko, ito na ba yung moment na hahalikan ako nang mahal ko?
Pumikit siya at pumikit ako. Hinihintay magkalapit yung mga labi namin,
to be continued .........
*****************************************************************************************************************************
A/N: Bitin ulit noh? Hahahaha. Curious na kayo? Kung sino ba talaga si Kuya? :D Nag UD talaga ako kahit mobile yung gamit ko, love ko kayo eh :*
Note: 2 Chapters Left :*
Next UD: Kung maraming magcocomment :D
GOOD MORNIGHT!
Time Check: 12:42 a.m
------ Putche :)
BINABASA MO ANG
Escalator (Completed)
Teen FictionEscalator is all about a girl who wants to revenge her those damn playboy ex. Pero di niya alam na meron pa palang lalaking magpapatibok ng puso niya :)