“Goodbye,Class! Happy Weekend!” sigaw ng teacher namin sa History.
“GOODBYE, MRS. Castillo!” we bade goodbye.
Kinuha ko ang bag ko,at tumakbo na papunta sa mga kaibigan ko.
“Huy,tara na! Kain tayo sa Main Canteen!” yaya ni Josephine,tapos naglakad na kami papunta sa Building C.
Nung malapit na kami sa bridge papuntang Gym at Main Building,nakita namin si ---
“Arvin! Huy! Hala, snob mo," sigaw ni Daniela , tapos tumakbo sya papunta kay Darwin.
OH MY . Si Arvin Yu ba talaga yun?! OH MY. SERYOSO?!
“Claire, si Arvin oh.“ sabi ni Iyan, tapos siniko nya ‘ko.
Nag-nod ako. “Onga eh. Hala, baka sabihin ni Daniela na crush ko sya!"
“Sus, alam na kaya nya matagal na! Ayaw mo lang maniwala eh.” Singit naman ni Ysabelle.
“Eh kasi naman, di kapani-paniwala." sabi ko.
“Bakit naman?” sigaw ni Gwyneth sa gilid ko.
“Basta! Tsaka nakakahiya ‘no. Ma-friendzoned pa’ko ng wala sa oras.”
Parang masayang masaya si Daniela habang nakikipag-usap sa crush ko. Swerte nya. Mabuti pa sya close sila.
Ako? Ni hindi ko nga alam kung kilala nya ‘ko by name or by face. O baka simpleng stranger lang ako. Ouch.
Humarap si Arvin!
At nung humarap sya, nag-slow motion lahat ng nasa paligid. Mula sa alikabok hanggang sa atoms,particles,at mga insekto na nasa mundo.
Tapos ngumiti sya, "Claire, hiiii."