Kwentong Nagtapos

753 9 2
                                    


Pumilas ako ng kapirasong papel sa aking kwaderno.
Para makapagsulat ng tula at ilahad ang nagtapos nating kwento.

Heto nanaman akong si tanga, babalikan ang nagdaan at pagkatapos ay iiyak nanaman.

Pilit parin akong nakagapos sa kwento nating nagtapos.
Pilit ko paring binabalikan ang masasayang alala.
Mga panahong masaya pa tayong dalawa.
Mga panahong ang kwento palang natin ay nagsisimula.

Sa simula, Isang napakagandang simula.
Mga matatamis na ngiti sa labi at ang tanging dulot ng luha ay saya.
Mga panahong puro pangako at salitang "Mahal kita"  ang madalas pumasok sa aking tenga.
Mga panahong kahit ang kamay ko'y pasmado, pilit mo pa ding hinahawakan ito.
Mga panahong kahit pagod ka, pilit mo pa ding binubuhat ang aking mga daladala.
Mga panahong nag gigitara at kumakanta ka sa harap ko at wala kang pakialam kahit ikaw pa ay sintunado.

Mula sa simula nagtungo na tayo sa gitna.
Lahat ng nangyari sa simula, nagbago na lamang bigla.

Ang matamis na kapeng mainit, biglang nanlamig at pumait.
Ang tuyong daan na ating nilalakaran, biglang nagbaha dahil sa pag ulan.

Napakabilis ng pangyayari.
Parang kahapon lang mahal pa natin ang isa't isa, bakit ngayon mukhang hindi mo na ako kilala.
Ang akala ko'y aabot ang kwento natin sa libro, pero bakit sa kapirasong papel ko na lamang isinusulat ito.

Kung anong bilis ng pagkalas mo, siya namang bagal ng paglimot ko sayo.
Kung pano tayo nagsimula sa mahal kita siya din namang natapos sa salitang paalam na.
Kung pano tayo nagsimula sa matatamis na ngiti, siya din namang natapos ng puro pighati.
Kung pano tayo nagsimulang magkasama, siya din namang tinapos ko ng mag isa.

Ngayon.
Tatanggapin ko nalang na isa na lamang tayong nagtapos na kwento. Na kailangan ng tuldukan, Ikahon at Itago.

- Rconpash ❤❤

~ Vote. Comment. Share. 😊
Thank you! ❤

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon