Chapter 20
"Anak, may hindi ka ba sinasabi sakin?" Haley's mom asked. It was New Year's Eve. Pero, kung kailan dapat nagsasaya sya saka naman, lumalala yung sakit nya.
"Mom, don't worry about me, I'm fine." Napaubo sya pagkatapos nyang sabihin yon. Nananadya talaga itong lintek na sakit nya, kung kailan nag-iisip sya ng palusot para hindi na mag-alala ang magulang nya lalong lalo na ang Mommy, saka naman ito lumala.
Her mom sighed exasperatedly. "You cannot lie to me, Haley Lorraine Castillo."
Sya naman ang napabuntong hininga. Nakakabilib din ang mga nanay sa mundo. They knew so much about their children especially when they were lying. Walang ipinagkaiba.
Kahit ayaw nya, alam naman nyang darating ang araw na kailangan nyang sabihin ang lahat, tungkol sa sakit nya.
It's just that it was really hard for her. Kung ang magulang nasasaktan kapag nasasaktan ang anak, ang anak naman nakakakonsensya at masakit din para sakanya kapag alam nyang masasaktan ang magulang nya dahil sakanya mismo.
"Mommy, I'm sorry!" She was in the verge of crying. But she needed to be strong. Hindi pwedeng maging mahina nalang sya buong buhay nya.
Hindi na nya napigilang umiyak ng makita nya ang luhang pumatak sa maamong mukha ni Mommy.
Bakit kaya ganoon, noh? Minsan, nakakaiyak talaga makitang umiiyak ang mga tao lalo na kung mahal sa buhay?
Wala ng mas sasakit pa sa kaalaman na umiiyak ang magulang nya dahil sakanya!
"Tell me about it." Her mom said. Medyo kalmado na ito kaya sinabi na nya.
"I'm dying..."
Napasinghap ito sa sinabi nya. Automatic na tumulo ang luha sa mga mata nito. Mas malala pa sa pag-iyak nito kanina.
"Why?" Hirap na hirap ang pagkakasabi nito sa salitang yon.
Kung kaya nya lang sagutin ang tanong nito, ginawa na nya kung ito lang ang makakaibsan sa sakit na nararamdaman nito.
"M-mom," That's all she said to her mom before she hugged her tight.
Mali na, umiiyak sya ngayon kasi mas lalala ang sitwasyon nya pero hindi nya na kayang pigilan yung hirap, sakit na pinagdadaanan nya sa loob ng dalawang taon.
Ilang minuto din bago natapos ang pag-iyak nito. Pero naiiyak parin ito habang tinatanong ang sakit nya.
She said the term. The complications, all of the things she should've told long time ago.
"We can have a heart transplant, baby. " She suggested but Haley shook her head.
Ilang tao na ba ang nagsabi ng bagay na yon? Pero ilang beses din nyang tinanggihan ang ideya.
Hindi nya kayang mabuhay na ang nasa isip nya, may maapektuhan na ibang tao kasi ibinigay nito ang puso para lang mabuhay sya?
Yeah, she was selfish. Ang selfish nya para mas isipin ang ibang tao kaysa sa magiging buhay ng pamilya pagkatapos nyang mawala sa mundo.
Oo, mahirap, sobrang sakit na simula sa araw na lumabas sya ng hospital, nagbibilang na sya ng araw nya.
Hindi nya tinanong kung ilang araw, buwan o taon na mabubuhay sya sa mundo. Natatakot sya, natatakot sya nab aka pilitin nalang nya ang sarili na patayin, katulad ng palagi nyang ginagawa noon sa tuwing naiisip nya si Gian na hindi na nya ito kasama, na hindi na sya nito mahal.
BINABASA MO ANG
Dream Or Reality [Completed]
General FictionHaley Lorraine Castillo was so in love with Gian Russel Navarro. He made her believe in happy endings and in fairy tales. But he made her realize that happy endings are just for fairy tales. And fairy tales were just written in books. Books are made...