Chapter 21

305 8 0
                                    

Chapter 21

"Kaya pa ba?"

Napapangiti ng mapait si Gian sa tuwing tinatanong sya ng mga magulang nya o kaya ang nag-iisa nyang kapatid na si Nathan sa tuwing lalabas sya ng bahay at pupunta sa hospital, every day.

"Kinakaya nya kaya, sino ba ko para hindi kayanin?" Yan ang paulit ulit nyang sinasagot na memoryado na ng mga ito.

Ella has her own life now. Nagkabalikan na ito saka ang boyfriend nito.

Nagkahiwalay sila ni Haley dahil sa selfishness ni Miko, ang pangalan ng boyfriend nito but it's not his story to tell.

Kung may isa sa magandang naidulot ang pagkakaratay ni Haley sa hospital, yun ang relasyon nya sa pamilya nito.

Two... two years na mula ng ma-ospital ito at simula noon, hindi na ito nagising.

They came up with the heart transplant. Oo, labag sa kalooban ni Haley ang desisyon na ginawa nila para patuloy itong mabuhay.

They are fortunate to have a heart donor. Fortunate enough to not go to abroad for better medications or such.

Maswerte sila kasi high tech na ang mundo.

But then, they are not lucky enough because until now. Haley is still not awake.

"You're here again," Napangiti sya ng makita ang Mommy ni Haley na pumasok sa private room nito. "Hindi ka ba nagsasawa, Gian?"

Umiling sya bilang sagot. "Haley is fighting, Tita. Kaya hindi dapat ako sumuko."

Napailing ito sa sagot nya. "Or maybe, the operator is the only way, Haley is alive." Hindi siguro nito sinasadyang sabihin iyon pero nararamdaman nyang gusto na din nitong sumuko.

"Let's not lose hope, Tita. Kung ang mga aparato ang nagbibigay ng buhay sakanya, dapat grateful tayo. Kasi kung hindi dahil sa mga ito, hindi sana sya humihinga ngayon." Ang hirap sabihin yon. Ramdam nya ang sakit na pinagdadaanan ng mga magulang ng taong mahal nya.

Kung nasasaktan sya, ano pa kaya ang sakit na nararamdaman ng mga ito habang nakikita na ganito ang estado ng anak nila?

Tito Loren stopped going to hospital three months ago. Hindi na daw kasi nito nakakayanang makita ang anak na ganoon ang kalagayan.

Tita Leah was doing her best not to give up, pero alam kong konti nalang, susuko na din ito.

Napatingin sya sa nakapikit na mukha ni Haley.

Ang haba na ng buhok nito, senyales na napakatagal na nitong hindi nagigising. Haley doesn't want her hair longer. Kontento na ito sa lampas balikat.

Tinignan nya ang mga kuko nito sa kamay, it's color violet. Sanhi nang swero na hindi kailanman naalis sakanya sa loob ng dalawang taon.

He hold her right hand. Napaluha sya kasi nanlalamig ito. Parang wala ng dugo na dumadaloy sa ugat nya.

"Alam mo ba kung anong sinabi nya sakin bago nangyari ang lahat ng ito?" Huminga si Tita ng malalim.

"'Mom, if there will something happen to me tonight, please, remember that I will always love you.' That's the exact words she said. Yung parang ipinaparating nya sakin, na alam na nyang mawawala na sya." Pinigilan nito ang humagulgol.

"If you feel like you wanted to give up, please do so. Mas lalo ka lang mahihirapan kung ipagpapatuloy mo pa to." She said before she left Haley's room.

Nang alam nyang wala na talaga ito, saka nya pinakawalan ang luha sa mga mata nya.

Haley, gumising ka na...

Kung gising siguro ito sa mga oras nay un, baka nakatanggap na sya ng singhal galing dito kasi hawak hawak nya ang kamay nito.

'Magiging tayo pa diba? Magpapakasal pa tayo, magkakaanak pa tayo... saka magkakaroon pa tayo ng apo o kahit magalit ka na sakin habang buhay, kahit hindi ko na matupad ang mga pangarap kong pakasalan ka. O makita kang nakagown at sobrang ganda habang naglalakad ka papalapit sakin. Ayos lang, masaya na kong nakikita kitang masaya, hindi yung ganito.'

Nakaramdam sya ng tapik sa balikat nya. Nakaidlip pala sya habang hawak hawak nya ang kamay ni Haley.

Akala nya nagising na ito, pero nagkamali sya. Nakita nya si Ivan na kahit hindi nya tignan sa salamin, parehas sila ng hitsura, miserable at hindi masaya.

"Naunahan mo na naman ako sa pagpunta dito," Mukha itong galit.

Hindi nya alam kung tanga lang ba talaga sila o baliw, ginagawa nilang kompetisyon ang pagdalaw sa babaeng mahal nila.

Even though they knew, they have fallen in love with the same girl. They found a friend with each other.

Hindi nga lang katulad ng iba, naging magkaibigan sila dahil sa isang rason. Ang mahalin si Haley.

"Haley, kailangan ako una mong makikita paggising mo para hindi ka ma-stress kung una mong makikita itong gago mong ex." Kausap ni Ivan kay Haley.

Natawa lang sya sa sinabi nito. Aminado naman sya e, gago sya.

"Wala kang sasabihin sakanya?" Tanong nito sakanya. Ngumiti sya at tinapik ang balikat nito katulad ng palaging pagtapik nila sa isa't isa sa tuwing gusto nilang magpatayan o magbatian.

"Aminado ako pare. Gago ako." Gago parin naman sya hanggang ngayon. Gago parin sya kasi sya ang dahilan kung bakit nandirito si Haley.

Tumingin sya kay Ivan. Malaki ang naging parte nito sa buhay ni Haley. He became Haley's personal hero. "Pare, salamat." He felt like he needed to say thanks to Ivan.

Ngumisi ito ng nakakaloko. "Salamat para saan?"

Ngumisi din sya para patas. "Salamat kasi nandyan ka noong mga panahong nasasaktan si Haley dahil sa kagagaguhan ko."

His grin faded.

"Alam mo ba kung gaano kasakit makita na umiiyak sya palagi o sinisira nya ang buhay nya dahil hindi nya makayanan ang sakit na nararamdaman nya?

"Ang bading pakinggan pero sa tuwing nasasaktan sya... Para akong tinutusok ng napakadaming karayom sa dibdib. Kasi wala akong magawa para patahanin sya. Know what's really hurt the most? It's when the fact that you hurt her but she never stopped loving you."

Gian sighed. "Sorry pare."

"Ulol ka kamo, ang gago mo kasi para pakawalan ang taong walang ibang ginawa kundi mahalin ka. It's like you chose stone over the sparkling diamond." Napasuntok pa ito ng mahina sa balikat nya para ipoint-out kung gaano sya katanga.

"Ulol ka din." Tama naman ito, gago na sya, tanga at ulol pa sya.

s

Dream Or Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon