Chapter 22

278 7 1
                                    


Chapter 22

"Tanga ba talaga ako?" Gian asked when Ella called her the other night. Kagagaling lang nya ng ospital noon.

"Hindi ba obvious, ikaw ang pinakatanga sa lahat ng tanga!" She said, he sensed that she was controlling herself in the verse of laughing.

"Ang sakit no'n ha? Sino kaya ang mas tanga satin?" Ganting tanong nya dito.

Na-i-imagine nya ito na nakanguso dahil sa sinabi nya. "Oo na, ako na din ang pinakatanga sa lahat ng tanga. Mas tanga pa sayo!" But she was laughing when she was saying that.

"Bakit ka nga pala tumawag?" Tanong nya ng maalala nya na ito pala ang tumawag.

"Wala lang naman, ibabalita ko lang naman sayo na magiging Tito ka na ulit!"

"WHAT THE FVCK, ELLA. ARE YOU SERIOUS?" Masasabi nyang ang unang anak nito ang isa sa dahilan kung bakit pinili nyang hiwalayan si Haley.

Half to it, that he was regretting it. But half of it that he was happy that even though he sacrificed his love for Ella, it's worth the pain.

"Yeah, but I haven't yet told him about it." Napamura si Gian sa sinabi nito.

"Eh? Sabihin mo na before it's too late again..."

"Oo naman, kaya lang kinakabahan ako, Gian." Ramdam nga nya ang kaba nito dahil sa boses, more like fear.

"Baka naman, natatakot ka lang na i-reject ka nya ulit." He assumed it that way.

Napahalakhak naman ito sa kabilang linya. "Hindi ako natatakot noh, saka subukan nya lang na iwan ako. Hindi na nya makikita ni anino ng mga anak nya."

Sya naman ang napahalakhak sa lintanya nito. "That's the spirit, Cariella Isabella" Narinig nya ang pag-ingos nito dahil sa tinawag nya ito sa buong pangalan. Ayaw na ayaw nito na natatawag sa buong pangalan nito. Ambantot daw pakinggan.

Natatawa syang nagpaalam dito.

Humugot sya ng malalim na hininga, ang hirap talaga pag nag-iisa. He was back to his old boring self.

He was a freelance engineer. Hawak nya ang oras nya pero malaki ang kinikita nya sa trabaho. He was only accepting bigger offer than any engineer accepting.

He has perfect career, perfect house, a perfect family. But he can never be completed again unless he saw Haley waking up, breathing. Alive and kicking.

Pakiramdam nya, ipinagkait nya lahat ng pwede nitong matamasa ngayon. She should be anything she wanted. Madami itong pangarap sa buhay, she wanted to be a teacher that's why she took up Education yet she did not finish it because of her condition, she could be a writer too. But then she left her stories unfinished because of her condition too.

Why can't she have a normal life like any normal girl wants. Naalalala nya dati, gustong gusto nitong makipag-argumento sakanya ng mga bagay bagay. Mga bagay na isa sa namimiss nya dito.

Namimiss nya din yung maya-maya ay tatawag ito sakanya, magsasabi ng I love you Gian ng tatlong beses at hindi sya pagsasalitain man lang dahil agad-agad nitong ibababa ang cellphone.

He missed her talking about the stories she read, how she likes happy endings and how she hated tragic ending. Inaaway pa sya nito kapag nakakabasa ito ng librong hindi nagkatuluyan ang main characters and she would always told him before, "I want us to be lasted forever, give me a happy ending."

And he would answer her, "Of course, you deserve a happy ending with me."

But then he hated himself for promising her. Ayaw nyang magkaroon sila ng ending, kasi wala namang masaya na ending. Kaya nga sinabi na ending kasi tapos na. He doesn't want them to end. He doesn't want to have forever with her. He should love her until eternity.

He sighed.

Bakit ba hinayaan nyang maging ganito ang lahat? Bakit ba nya ito pinaasa na hindi nya ito iiwan kahit kailan kasi naniniwala syang hindi nya ito maaatim na gawin pero nagawa parin nya.

Yeah, the purpose why he ended things with Haley is good. Pero bakit pinili nyang tulungan ang ibang tao kesa sa hinayaan nya ito na masaktan when he should have just love her with all his heart?

Naghihinayang sya sa oras na nasayang na hindi nya ito nakasama. Nagsisisi sya sa mga oras na pinili nya itong saktan para sa kapakanan ng ibang tao.

Paano nya nagawang sikmurain mabuhay na wala ito noon kung nararamdaman nya ngayon na ayaw nya itong mawala ito sakanya ng tuluyan?

He did what he always does when he missed her.

He went up on the hospital again.

'Hey, I missed calling you panget. Nakakamiss yung pakiramdam na sobra akong nagagandahan sayo pero ang kaya ko lang sabihin na ang panget mo.'

Gian smiled at the thought. Ang in denial nya noon, yung salungat sa nararamdaman nya ang sinasabi nya dito?

'I missed pinching your nose. Yung kapag pipisilin ko yung ilong mo kasi ang liit liit at sobrang nacute-an ako, pipisilin mo din ang ilong ko.'

Gian always does pinched Haley's nose after they kissed. Pero kapag gaganti ito, nagagalit sya.

'I missed kissing you. I remember the time I kissed you for the first time, you did not even know how to kiss pero it made me happy because I was your first kiss.'

Yung napangiti sya noon kasi hindi nito alam rumespond. He get addicted to her lips after that.

'I missed the reaction of your face when I cooked for you and you always look satisfied about the taste.'

Masarap syang magluto pero iba parin talaga kapag nakikita nya kung gaano ito nasasarapan sa tuwing ipagluluto nya ito.

Yung lahat ng memories nya kasama nito, naaalala nya na parang kahapon lang ito nangyari.

"Panget, gumising ka na. Gagawa pa tayo ng memories na bago diba? Gusto kong kapag maaalala mo ko, wala na yung araw na masakit alalahanin kasi sinaktan kita ng paulit ulit..."

--

A/N: Ang lame grabe. Pero hwag ka, hugot lahat yan. Haha. Parang ayoko ng gisingin si Haley para maging miserable man lang sya kahit na sa istorya ko lang. Haha. Ang bitter ko talaga, pero joke lang. Masaya ako na kasama nya ang bago nya kahit na unti-unti akong pinapatay sa sakit dahil hindi na ko ang nagpapasaya sakanya. –Never mind the note. ^-^

Dream Or Reality [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon