Chapter 23
"Mommy..." Haley woke up feeling better. Though nananakit ang likod nya sa sobrang tagal nyang nakahiga.
Tinawag nya ang Mommy nya pero wala ito kaya pinilit nyang tumayo sa pagkakahiga nya.
Grabe, hindi na ba sya nagsasawa sa kapapahinga. Two years na syang nakahiga. Two years na syang walang ibang katabi kundi ang aparato na bumuhay sakanya.
Akala nya ng magpaalam sya sa Mommy nya, noong New Year's Eve. Katapusan na talaga nya.
But then she woke up, believing that she was in heaven. Kasi puro puti lahat ng nakikita nya and people have the notion of heaven is all white in color.
Ang una nyang naramdaman noon ay ang puso nya, she felt like something changed about her. Wala na yung usual na pananakit o paninikip ng dibdib, she felt like she was born again. Yung pakiramdam na wala syang ibang maramdaman kundi saya at walang sakit sa dibdib.
Pero she freaked-out when she realized, she had undergone a heart transplant. Ang una nyang inisip ay yung pamilya ng taong nagdonate sakanya ng puso.
Pero she felt relieved and she was selfish for feeling that because she was glad she was alive and kicking.
Ang gulo ng rationality nya, nung bago sya natulog ng sobrang tagal, pakiramdam nya, gusto na nyang mamatay. But then she woke up, feeling gad that she was alive.
Napabuntong hininga sya, nagtaka sya noon at nagalit kung bakit paggising nya si Gian ang nabungaran nya.
He looked restless and afraid of something. Naalala nya yung mukha nitong parang nakakakita ng multo ng makita sya.
--
"Bakit ang unfair, Tita. We did everything pero heto, wala na sya sa buhay natin. Iniwan na nya tayo." Iyak ng iyak si Gian, paano kasi umuwi lang sya saglit sa bahay niya para maligo at magpahinga ng konti pero pagbalik nya, wala na si Haley.
"It's not unfair, Gian. Oo, ginawa natin ang lahat para mabuhay ang anak ko pero kailangan na natin syang pakawalan, wala na sya, hijo!"
Nagwala sya. Kumawala sya sa pagkakayakap nito. Nagtataka sya kung bakit wala man lang bakas na luha na galing sa mga mata nito.
Haley is gone but it looked like she was not affected of it.
"Bakit pakiramdam ko, wala kayong pakialam na nawala na si Haley? Akala ko ba mahal nyo sya? Pero sa nakikita ko ngayon, wala kayong pagmamahal sakanya."
He never saw grief on her eyes. It's like it was just normal, and it felt like Haley did not die at all because of her expression on her eyes.
"Kailangan na nating mag-move on, Gian. We need to accept that we don't hold Haley's life. Decision ito ng Nasa Itaas."
Napabuga sya ng hangin. "Desisyon Nya din bang saktan ako? Saktan ako ng paulit-ulit."
She shook her head. "Darating din ang araw na makaka-move on ka sa sakit, Gian."
Napailing sya ng ilang beses. "Ayokong mag-move on, Tita. Mahal na mahal ko sya. If ending my life is the way I can be with her, I'm willing to do it."
Determinado sya. Sawa na sya sa sakit, ayaw na nyang maramdaman pa ang paulit ulit na pangungulila sa dibdib nya kapag nasa isip nya na hindi na nya makakasama si Haley kahit kailan.
Pero bago pa man nya nagawa ang nasa isip nya narinig nya ang boses ni Haley.
Gulat na gulat sya. Akala ba nya iniwan na sya ni Haley, bakit naririnig nya ang boses nito?
"What are you doing here?" Napamaang sya ng marinig nya ang usual na pagsasalita nito. Haley wasn't a conyo. She was just used on using English as her second language.
"Haley, nasaan ka?" Hindi nya ito makita, madilim ang nasa paligid nya.
"Tangek, nasa harapan mo ko. Paano mo ko makikita kung nakapikit ka?" Pasinghal nitong sabi kaya nagmulat sya ng mata.
Nasa harapan nga nya si Haley, humihinga at buhay. "Akala ko nawala ka na sakin." He said. He didn't care if she would be angry about him later, he hugged her tight.
Ayaw na nyang maramdaman yun. Akala nya totoo ang lahat, panaginip lang pala ang lahat.
"Bakit ka umiiyak? Nagising tuloy ako." Reklamo nito sakanya. He wanted to laugh at her because if he would know that his cry would wake her up, matagal na sana syang ngumawa sa harapan nito.
He sighed. "Akala ko kasi mawawala ka na..."
Umilap ang tingin nito sakanya. "Nawala na ko sa buhay mo, Gian."
"Will you be part of my life again?" Nagsusumamong tanong nya.
"Manigas ka." She said with a beam on her face.
That made him smile.
She woke up already, that's enough reason to smile and be happy.
"I love you, Haley."
"Ulol!" Umiwas ito ng tingin pero hindi maalis ang ngiti sa labi nito.
Gusto nya itong halikan dahil sa ngiti nito. Kaya ginawa nya pero binatukan lang sya nito.
"Bakit ka nanhahalik ha? Manyak ka na ba ngayon?" Inis nitong sabi sakanya na ikinangiti nya.
"Namiss lang kita. Hindi mo lang alam kung gaano kita namiss, I would like to kiss you forever but it would make you breatheless so I stopped and I'll just stare you forever so that you I can never let you again."
She uttered Huh? "Are you on drugs? Bakit nagiging makata ka?"
Ngumiti lang sya saka niyakap ito ng mahigpit. Hinayaan naman sya nito ng ilang minuto pero kumawala din. "Kanina ka pa huh? Inuuto mo ba ko?"
Ngumiti lang ulit sya saka hinalikan ito sa noo. 'Are you real, Haley?"
Umiling ito ng ilang beses. "Hindi noh, multo ako, Gian. Matakot ka sakin." Sarcastic nitong sabi na ikinangiti nya ulit.
"Para kang tanga na ngingiti ngiti dyan. Saka bakit umaakto ka na parang tayo na ulit?"
"Nakakatanga palang maging baliw sa pag-ibig, Haley. Umaakto ako na ganito kasi gusto ko ulit maging tayo."
Napailing ito sakanya. "Paano si Ella?" may hinanakit sa boses nito. He felt guilty again.
"We became together, but we don't love each other, Haley. It's just that I need to save her from craziness."
Napa-huh ulit ito. "Hindi kita maintindihan."
"Ipapaintindi ko sayo, kapag magaling ka na... Kailangan mo munang magpahinga."
Napanguso ito. Hindi nya napigilang halikan ito. Namula ito ang mukha nito.
Ngumiti ulit sya. "Naging abnormal na yata ako, Haley. Matatanggap mo parin ba ko kahit baliw na ko?"
"Belat. Mandyak ammu kanyam."
"Ayayatin ka, Haley."
--
A/N: Translation:
Ilocano To Filipino/Tagalog
Mandyak ammu Kanyam – Ewan ko sayo/Hindi ko alam sayo
Ayayatin ka, Haley- Mahal na mahal kita, Haley.
--
BINABASA MO ANG
Dream Or Reality [Completed]
General FictionHaley Lorraine Castillo was so in love with Gian Russel Navarro. He made her believe in happy endings and in fairy tales. But he made her realize that happy endings are just for fairy tales. And fairy tales were just written in books. Books are made...