"Hyung meron akong nadiscover na app, parang The Voice pero walang judge. Mafe-feel mo talagang singer ka dito!" Halos isubsob ni Dino ang cellphone niya sa mukha ni Hansol dahilan nang kamuntikan nitong pagkahulog sa sofa nila.
"Ouch Channie, ano ba 'to?" Dahan-dahan niyang inayos ang upo sa sahig at tumabi naman si Dino sa kanya.
Ngiting ngiti ang maknae nang sumagot. "Everysing, hyung." Buong umaga kasi ay eto lang ang inatupag niya dahilan para masigawan siya at mapaalis sa kwarto ni Jihoon, kaya naman gusto niya agad itong ibahagi sa hyung na pinaka-malapit sa edad niya, para manlang may karamay siya.
Inusisa naman ni Hansol ang app, at maya-maya'y tinaasan ng kilay ang maknae. "Are you sure you want me to use this app? Nandyan naman sila Seokmi---"
"Promise hyung, mag-eenjoy ka! Sige byebye muna parang tinatawag ako ni Jeonghan hyung. Hehehe." Agad iniwan ni Dino si Hansol na takang-taka paring nakaupo sa sahig. Nagpabalik-balik siya ng tingin sa kwarto nila at sa phone.
"Well, wala naman sigurong mawawala kung ita-try ko 'to..."
-------
"Channie, bakit kay Hansol mo binigay yung app. Sabi ko ibigay mo dun sa ibang member ng vocal team. Maya maya may lilipad na na gitara papunta dyan pag 'di mo yan pinigilan.""Tulog sila Joshua-hyung tapos nasa CR nanan si Seungkwan-hyung."
"Eh si Jeonghan hyung?"
"Magluluto daw kami ng fudz eh?" Inosenteng sagot ni Dino.
Sinamaan ng tingin ni Jihoon si Dino habang pinapanood nila si Hansol na naka-earphones at kasalukuyang kinakanta ang Cheer Up pero kung fan ka talaga nila, madi-disappoint ka talaga.
Pumasok din sina Seokmin at Soonyoung sa kusina at uminom ng tubig. Pare-pareho silang nakatitig lamang kay Hansol at napapa-iling nalang si Seokmin samantalang bumubungisngis naman si Soonyoung at Dino.
'Nang matapos naman siyang kumanta ay sabik na sabik siyang pumili muli ng kanta. Kinalikot niya uli ng kaunti ang phone niya at maya-maya'y narinig na nila ang intro ng kanta nilang "Pretty U".
"Jusko, ewan ko ba kung sinong hambog ang kakantahin sarili nilang kanta sa isang singing app..." Nagulat sila nang biglang sumulpot si Wonwoo na may hawak na libro.
Sinimulan nang kantahin ni Hansol ang part ni Joshua at Seokmin at bilang isang expert sa music, kinikilabutan na si Jihoon habang ito namang si Hansol ay "Singing-his- heart, lungs, balun-balunbalunan, bituka, atay, atbp.-out"
Kumalma naman ang dugo ng mga audience ni Hansol nang magrap ito, syempre perfect na perfect niyang inexcecute yung rap niya.
"Oh~ urin seororeul seontaekhaetgo
nano danwiro jibjungh---""Punyeta Hansol, hindi mo nga kaya yung part ko, wag mo na ipilit! Kaya ka ginawang rapper, kasi dapat nagra-rap ka lang. Please stahp, me ears is blooding!"
"Ayan na si Seungkwan." -Wonu
"Bes tara na." - Seokmin
"Bes Kalma." -Dino
"Sa wakas." -Jihoon
Humagikgik lalo si Soonyoung, "This is Spartaaaa!"
Tinitigan naman ni Hansol si Seungkwan at tila nagtataka sa sinabi nito.
"Why are you shouting?! Kita mong nagrerecord ako eh."
"'Wag kang magpalinlang sa autotune at effects niyang app na yan Hansol! Sa panahon ngayon, ang dali dali nang mapaniwala ng mga tao."
"Hah! Inggit ka lang kasi mas maganda yung pagkakakanta ko sa part mo!" inirapan ni Hansol si Seungkwan at ewan ko ba hindi ko rin ito lubos maimagine pero---
"Are you kidding me?!"
"Nope! I'm dead serious! Kaya 'wag ka muna manggulo Kwannie please, busy ako," inayos muli ni Hansol ang earphones nito at ni-restart ang kanta.
"Putangina Hansol, nahihibang ka na!"
"Seungkwan!" at uli, nagulat silang lahat nang biglang sumulpot si Jeonghan na may dala-dala pang labada. "Hayaan mo nalang si Hansol, nage-enjoy naman siya. Di mo kailangang maging mean."
Umiling-iling si Sengkwan, "Ikakamatay ko atang marinig ang pagkanta ni Hansol, hyung."
"Hey Seungkwan! You're getting overboard! Alam ko namag mas maganda boses mo pero hindi mo naman ako kailangang ganyanin." Nag-pout si Hansol dahilan naman para lalong maurat si Seungkwan.
"Kingina mo tatapyasin ko yang labi mo. Muka kang bibe!"
"Bibe mo." malakas na bulong ni Seokmin. Kaya naman lalong napahagikgik ang mga kapwa niyang audience na nasa may kusina parin.
"Tangina ha. Si Vernon ang dapat na kinukutya dito hindi ako!"
"Fine. Let's make a deal then. Mag-record tayo individually ng solo cover natin sa Pretty U."
Ano bang nakain ni Hansol at overflowing with confidence siya ngayon?
"Gago ka ba, mamili ka naman ng ibang kanta!"
"Bakit may mali ba sa kanta natin?" Unti-unti nang lumapit si Jihoon at hinaplos ang gitarang nasa may gilid ng sofa nila.
Agad namang napailing si Seungkwan at napangisi si Jihoon. "Sige magcover kayong dalawa, ako magja-judge."
"Wow, seryoso kayo?" Nilibot ni Seungkwan ang mga mata niya sa lahat ng nasa salas ngayon. At mukha ngang seryoso sila lahat, except kay Soonyoung at Seokmin na namimilipit parin sa pagtawa ngayon.
"Yup, I'm dead serious Seungkwannie." Ngumiti nang malawak si Hansol.
"Tangina mo talaga, Chwe Hansol."
--------
Bigla nalang pumasok sa isip ko yung plot and poof ewan ko pa poof poof. Huhu solidong Verkwan shipper ako ipaglalaban ko ito hehehe. Search niyo yung part switch ng Verkwan ewan ko kung matutuwa kayo or what--- hehe jk mahal ko si bebe Hansol muwa.
Otw na yung Part 2 mga bEbZ! tHIs iS SpArta,,,!!!
-cheska
BINABASA MO ANG
Everysing • Verkwan TwoShot
Fanfiction"Punyeta Hansol hindi mo nga kaya yung part ko, wag mo na ipilit!" Verkwan|| •two-shot story Cover cr. to: greyhansol