Third

14 0 2
                                    

TRY THIS ONE TATAL! HIHIHI Dinedicate ko to para sayo @missweet20

-

Back to PIA'S POV 

Pagkamulat ko ng mata ko nakaramdam ako ng ginhawa, ininat ko ang mga braso ko at nagtanggal ng muta tsaka bumangon mula sa kama. Pinindot ko naman sa pader yung ring bell para ayusin nila ang kwarto ko. Maya maya pa ay nandito na sila. Pumasok sila sa kwarto at nagsimulang maglinis. 

Umalis naman ako sa kwarto ko para makapagalmusal na, pagbaba ko sa last step ng hagdan nakita kong naghahanda si Ate ng almusal. 

"Hey Pia, tara na dito pinaghanda na kita ng agahan mo. Mukhang pagod na pagod ka kahapon eh" pagaaya niya at naglagay pa ng kung ano ano sa ibabaw ng lamesa. Ang dami niyang hinanda, magpipyesta? ganern? 

"Sino ba namang di mapapagod kakahintay sayo diba? Kamusta naman yang stomach cramps mo okay na ba yan?" pagtatanong ko at umupo sa dining chair at nagsimulang kumain. 

"Pagkatapos mo dyan, magshower ka agad. Maaga tayo sa opisina ngayon" umupo siya at kumain na rin. Napahinto ako sa pag-nguya ng sandwich ko. Anong TAYO este KAMI na maaga? Sinong nagsabi sa kanyang sasamahan ko siya? May exams kami ngayon sa school at bawal umabsent. 

"What are you talking about?" kunot noo kong tanong sa kagat sa sandwich. "Don't say na nakalimutan mo na agad" sagot niya. 

"Wala akong nakalimutan. Hindi ko alam yang mga pinagsasabi mo, Ate" kinuha ko yung glass of milk at uminom. Ano kayang nasinghot ng ate ko ngayon? Kung ano anong lumalabas sa bibig. KALOKA!

"Diba sabi mo kahapon na tutulungan mo ko sa office ngayon at take note ikaw pa ang nagpresinta" paliwanag niya sakin, muntik ko ng madura yung gatas na iniinom ko. Agad akong kumuha ng tissue at pinunasan yung kaunting tumulo sa labi ko. AKO ANG NAGPRESINTA? I don't remember anything. 

"What? Ako ang nagpresinta? Alam mo ate kulang kalang siguro sa tulog kagabi kaya mo yan nasasabi or gusto mo lang akong makasama sa trabaho mo. Kung alam mo lang na may exams kami ngayon" sabi ko sabay tayo sa upuan "Maliligo na ko, may pasok pa ko" 

"But..." nilingon ko siya at nakita kong lumungkot yung itsura niya. Nakokonsensya ko mygad, sa lahat ng ayaw ko nabibigo ko si Ate. Pero kasi may exams kami ngayon, kung wala lang talaga kong exams sasamahan ko talaga siya. Nilapitan ko siya at niyakap patalikod.

"Ate, don't be sad. Pagtapos ng exam ko tutulungan kita promise, tsaka wala talaga kong maalalang sinabi ko yun eh" hinalikan ko yung ulo niya, nilingon naman niya yung ulo niya sakin "I understand you, Pia" mahina niyang sagot. Lumipat naman sa gilid niya tsaka siya tumingin sakin. "I'm sorry Ate, sana hindi ka galit" hinimas himas ko yung kamay niya. Nginitian niya nalang ako. 

Tuluyan na kong tumayo at umakyat sa kwarto ko para maligo, may banyo sa kwarto! WAG KANG ANO. 

-

Pagkatapos kong maligo, syempre nagbihis na ko at nagayos. Agad akong bumaba para pumunta sa garage. Nakasalubong ko si Ate sa Garage. "Hey hey" sabi ko at huminto sa harap niya. "Hey, sabay na tayo. Papasok na rin ako eh" pagaaya niya tsaka sumakay sa driver seat. "Sige ba" sagot ko at sumakay sa backseat. 

Nagsimula ng magdrive si Ate, pero nagsimula na rin ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Nakakapanibago lang kasi ang daldal ng Ate kong to eh. Siya lagi yung unang nagsasalita samin kapag medyo tahimik, pero ngayon mukhang wala siyang balak na magsalita o makipagusap sakin. Dahil siguro kanina, nadisappoint ko siguro siya. Hindi ko naman ginusto yun wala lang talaga kong naalala. Kaya ako nalang yung gumawa ng first move.

"Ate, are you sure that you're okay?" pauna kong tanong. "Oo naman" maikli niyang sagot. Ano pa bang pwedeng sabihin? Mygad ngayon lang ako nawalan ng topic or sasabihin, dahil nasanay akong hindi ako ang laging nagoopen ng topic kundi si Ate. "Sorry ulit about kanina ate" yan nalang nasabi ko nakakaiyak wala kong masabing iba. 

"Huh? until now. Gaya ng sabi ko kanina okay lang yun naiintindihan naman kita eh, tsaka importante din yang exams mo para sa pag aaral mo" mahinahon niyang paliwanag sakin. "Pero Ate kasi feeling ko nadisappoint kita kanina" napayuko ako. "Hahaha hindi no! Ano ka ba tsaka keep smile. Ang pangit mo pag nakasimangot ka, NGITI!" sabi niya mula sa rear view mirror. Napangiti naman ako ng wala sa oras, ang sweet kasi ng kapatid ko eh. Sa wakas nagkapalagayan na ulit kami ng loob ng Ate ko <3 

Maya maya nandito na kami sa labas ng campus. Nagpaalam muna ako kay Ate at taas noo akong bumaba sa kotse, as usual marami nanamang nakatitig na mga estudyante, professors at kung sino sino pa. May FANSCLUB ako sa school eh. May kanya kanya silang hawak, Picture of MINE, Banner of my name, at yung iba ay nagpapa-autograph pa. 

"Ang hirap talaga maging maganda" i flipped my hair, at taas noong naglakad. Habang naglalakad ako syempre ngiting ngiti ako sa mga tao. Pero may isang taong nakatayo sa harap ko at parang walang pake sa ganda kong taglay. 


Isang tao lang naman ang may ganitong ugali na ang turing sa akin ay isang ordinaryong estudyante lang dito. Kahit alam niyang pagmamay-ari namin tong school, kahit supermodel ako, kahit we owned a company ay hindi dahilan yun para ituring niya kong sikat o ibang iba kesa sa kanila. Samantalang scholar lang naman siya dito. 


"Welcome Back Pia" masaya niyang bati sakin, See walang galang talaga tong taong to eh. "It should be welcome back MISS PIA OCAMPO" diniinan ko yung pagsasalita ko nung binanggit ko ang pangalan ko. "Pareho lang yun pero mas gusto ko kung first name mo lang" sabi niya "Leche ka talaga Oliver!" nilagpasan ko na siya dahil wala akong oras para makipagtalo sa kanya. DUH mas uunahin ko pa ba siya kesa sa exams ko? Hell no. 


[]

OOPPS HANTARAY SA WAKAS, NANDITO NA RIN SI OLIVER. Ano kayang sunod na mangyayari sa kanila? Habang buhay na bang imbyerna tong si Pia? MALALAMAN NATIN YAN SA NEXT CHAPTER.

HIHIHIHIHIHIHI MWA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Should Be Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon