Mahirap pumasok sa isang relasyon. Mas lalo na kung hindi ka handa. Hindi ka handang masaktan.Dahil ang salitang PAG-IBIG ay kakambal ng salitang SAKIT.
Isa ako sa mga hindi pa handang masaktan. Medyo hindi pa ako ready para sa mga ganyan. Madami kasi akong nakikita na mga kapwa ko babae na umiiyak sa gabi, yung nga dati nilang nagagawa noong single sila ngayon may limitasyon na. Ayoko ng ganun. Sabi nga nila "enjoy your single life"
Pero paano kung may isang asungot na ubod ng yabang ang darating nalang bigla bigla upang sirain ang araw mo. Ganda lang itapon sa pluto hindi ba? Pero sabi nga nila hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa future. EXPECT THE UNEXPECTED TALAGA.