School CR (One Shot Story)

402 8 1
                                    

Ang kwentong ito ay kathang isip lamang ng manunulat. Ang anumang tao o lugar na binanggit sa kwento at walang kinalaman s nilalaman ng istorya.

Salamat.

>>>> LET'S START<<<<

Hi! Ako nga pala si Nicole, Grade 8 Student sa isang public school. Ike-kwento ko ang nakapangingilabot na nangyari sa akin sa school. Alam kong marami na kayong narinig at napanood na ganto pero sana basahin niyo pa rin :)

6:00 PM na pero nasa school pa ako kasi may ginagawa kaming project. Friday naman kaya pwede naman akong umuwi ng late. Kasama ko ang mga classmate ko na sina Jane at Andrew.

Habang nasa kalagitnaan kami ng paggawa ng project, bigla kong naramdaman na tinatawag ako ng kalikasan.

"Jane, samahan mo naman ako sa CR, naiihi na ako eh." sabi ko kay Jane.

"Okay,wait lang Andrew ah", sabi niya.

Bumaba kami para mag-CR.Nasa third floor kasi kami at nasa first floor ang CR.

"Nicole, wait lang ah babalik lang ako ng room, naiwan ko kasi yung tissue", sabi niya.

"Ah okay, mauna na ko", sabi ko

Nauna na akong mag-CR. Pagpasok ko dito, naramdaman ko ang malamig na hangin na umiihip.Hindi ko iyon pinansin kasi ber months na at siguradong malamig. Pagpasok ko sa isang cubicle ng CR, narinig ko na parang may nag-flush ng toilet sa kabilang cubicle. Pinilit kong maging matapang at hindi iyon pinansin.

Lumabas na ako ng cubicle para pumunta sa may lababo para maghugas ng kamay. Bubuksan ko pa lang ang gripo pero bgla na itong bumukas. Kinilabutan na naman ako. Gusto kong tumakbo palabas pero di ako makagalaw.

Kinuha ko ang pulbo sa bag ko pero nalaglag ito. Pagkababa ko para pulutin ito, nabigla ako nang hindi gumalaw ang reflection ko sa salamin at nung sumilip ako, ang sama ng tingin nito.

Tumayo ulet ako at bumalik na sa dati ng reflection ko pero laking gulat ko ng bigla akong nakakita ng babae sa corner ng CR. Naka-uniform sya at duguan. Tawa siya ng tawa parng nababaliw.Bigla syang gumapang sa sahig papalapit sa akin.

"Huwag!Huwag kang lalapit!HUWAG!",sabi ko

"HAHAHAHAHAHA", yun lamang ang tangi nyang sinabi

Sigaw ako ng sigaw hanggang sa mapaupo ako. Pumikit ako ng limang segundo at pagkamulat ko, nakita ko na napapalibutan na ng dugo ang buong CR at nasa harap ko na ang babae. Nakangiti sya sa akin. Pagkatingala ko, nakita ko ang sarili kong nakabigti, nakalabas ang dila at duguan.

"AHHHHHH!!!TAMA NA!",sigaw ko.

Ang naaalala ko lang nawalan ako ng malay at nagising sa bahay.

"Anak!Saan ka ba galing, alalang-alala ako sa'yo!", sabi ni Mama

"Sa school lang ako galin ma!", sabi ko

"Oo nga, sa school ka galing pero dalawang araw ka ng nawawala!",sabi ni Mama

Laking pagtataka ko dahil halos 20 minuto lamang iyon pero dalawang araw na sa totoong panahon.

Matapos iyon, hindi na ako pumunta sa CR o sa anumang part ng school na hindi nagpapasama.

~END~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

School CR (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon