Hapon yon.
Naglalakad ako sa ulan.
Habang umiiyak.
Senti ba?
Binreak ba naman ako ng girlfriend ko dahil sa ibang lalaki.
Sino ba naman hindi masasaktan don?
Heto ako oh
Basang-basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan
Napatitig ako sa dumaang jeep.
Pakshet lang. Pati ba naman yon nakikisama?
Tumingala ako sa langit.
"Bakit ba ako pinarurusahan ng ganito? Nasobrahan ba ko sa kagwapuhan kaya ako nasasaktan nang ganito? Pakshet!"
Kapag talaga broken ka kung anu-anong kadramahan ang lumalabas sa bibig mo.
Nagpatuloy ulit ako sa paglalakad.
Medyo natatalapid na din ako kasi lumalabo na yung paningin ko.
Pano ba naman, di tumitigil yung luha sa mata ko. Idagdag mo pa yung tubig ulan.
Pero di ko to inaalis.
Broken ako kaya pwedeng magdrama.
Yaan nyo na. Minsan lang to.
Nakatingin lang ako sa daan nang maramdaman kong wala nang pumapatak na ulan sa kin.
Napatigil ako sa paglalakad at tumingin sa taong nasa harap ko.
"Sinasayang mo luha mo dahil sa babaeng di ka deserve? Such a stupid thing to do."
Nakatitig lang ako sa babaeng nasa harap ko na nagsukob sa kin ng payong.
Di ko maaninag yung mukha niya dahil sa malabo yung paningin ko.
Pero mahaba yung buhok niya tapos parang kulot.
Hinubad niya yung pulang jacket na suot niya at ipinatong sa ulo ko yung hood na siyang ikinagulat ko.
Pero mas nagulat ako sunod na ginawa niya.
O_O
Hinalikan niya ako.
Sa labi.
BINABASA MO ANG
B.H. (OneShot)
Novela JuvenilThis is about finding someone who truly deserves you. :> Basahin nang malaman ang nilalaman. HAHAHA <3