CHAPTER 2: He's The Rider

31 1 0
                                    

CHAPTER 2: He’s the Rider

            Pagdating niya roo’y kasalukuyang may hinihila ang isang pixer na teenager. Ginamit niya ang mga baril niya sa pagpatay sa mga ito. Madali namang nakaiwas ang mga pixers sa mga ginagawa niyang pagbaril. Biglang hinila ng isang pixer ang kanyang paa sanhi ng kanyang pagbagsak sa lupa.

‘‘Fvck.’’ Pagmumura pa niya

Hindi niya magamit ang buong lakas niya dahil wala sa tabi niya ang rider. Pero dahil sa bwisit niya ay wala na siyang pakialam. Nilabas niya ang mala’Wolverine niyang armas at tumakbo patungo sa direksiyon ng mga pixers. Lahat ng madadaanan niya’y sinaksak niya gamit ang kanyang Wolverine at binabagsak sa lupa. Kusa namang nagvavanish ang mga napatay niya. Pero sa kalagitnaan ng kanyang pag-atake ay hinila siya ng isang pixer at ibinato sa sementadong parte ng stadium. Napahiyaw naman siya sa sakit.

‘‘Tang ina mo!’’ sigaw niya sa pixer na gumawa sa kanya noon. Para siyang tanga dahil alam niyang hindi naman siya sasagutin ng mga ito at kinausap niya pa rin.

At tumayo siya. Mabilis naman niyang napatay ang natitirang dalawang pixers. At ang hinuli niya ang naghagis sa kanya sa sementadong parte ng stadium.

‘‘You’re an asshole Abraham! I’ll make you regret for doing this!’’ at pinugutan niya ng ulo ang pixer.

Bigla na lang siyang natumba pagkatapos ng eksenang iyon.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

‘‘Aray....’’ at minulat niya ang kanyang mga mata.

‘‘Miss, wag ka munang masiyadong gumalaw. Marami ka pang sugat sa katawan mo.’’ Tanong niya sa isang lalaking nasa harapan niya ngayon na hindi pamilyar ang mukha.

‘‘Sino ka?’’ tanong niya sa binata.

‘‘Ako si Gio miss. Napanood ko kung paano ka lumaban dun sa mga pangit na nilalang na un. Ng nawalan ka ng malay, hindi ako nagdalawang isip na dalhin ka dito sa bahay.’’ Pagpapakilala niya.

‘‘Ganun ba? Salamat.’’

‘‘Salamat din miss.’’ At nginitian siya nito.

‘‘Wala un.’’ Napansin niyang gwapo ito. Matangkad, chinito, maputi at matangos ang ilong. May mga dimples din ito kapag ngumingiti. Matipuno ang katawan. Mahahalatang mahilig ito sa sports sa kanyang pangangatawan. In short, hot.

‘‘Ano nga pa lang pangalan mo?’’ bumalik siya sa realidad ng nagtanong ito.

‘‘Audrey.’’ Matipid nitong sagot.

‘‘Dumito ka muna habang nagpapagaling ka.’’

‘‘Hindi na. Uuwi rin ako maya maya.’’

‘‘San ka ba nakatira? Ihahatid na lang kita.’’ Hindi lang pala siya mabait at hot. Gentleman pa. Sabi ni Audrey sa sarili.

‘‘Hindi na. Kaya ko namang umuwi mag-isa.’’ Malamang mabubugbog ka ni Julian kapag hinatid mo ako. Dagdag nito sa isipan.

‘‘Sigurado ka?’’

The Celti and The RiderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon