-Luhan-
“Hyung, okay ka lang?” tanong sa akin ni Tao. Nasa garden kasi ako, nakaupo lang sa damuhan. Nahalata niya siguro na iba mood ko. Sino ba naman kasing hindi malulungkot ‘pag ‘yung taong mahalaga sa’yo eh iba na ang pakikitungo sa’yo? Alam ko naman kasing kasalanan ko ang lahat. Umalis ako nang ‘di nagpapaalam sa kanya tapos hindi ko pa siya kinocontact. Sino ba naman kasing hindi magagalit ‘dun? Gusto ko lang naman kasing umalis sa bahay namin, eh. Doon kasi, pinaramdam ng mga magulang ko sakin na wala akong kwentang anak. Kahit valedictorian ako sa school, hindi pa rin ‘yun sapat sa kanila. Ginawa ko naman kasi ang lahat para kahit minsan, sabihin din nila na “I’m proud of you, son.” Pero ni isang beses, hindi ko sila narinig na sabihan ako niyan. Mabuti pa nga si Dee pati ang parents niya, eh. Always nila akong sinasabihan ng: “Ang galing mo talaga, Luhan!” “We’re proud of you!” o “Grabe ka, Lulu! Hanga na ako sa’yo!”
Sa lahat ng oras, nandiyan si Dee para icomfort ako. Siya ‘yung lagi kong kasama through smooth and rough times. Ni isang beses, hindi ako nakarinig ng reklamo galing sa kanya. Iniintindi niya ako kahit paulit-ulit na lang ‘yung mga sinasabi ko sa kanya, kahit ang daming luha na ang nabuhos ko sa harapan niya. Still, hindi niya ako pinabayaan, hindi siya umalis sa tabi ko kasi alam niya kung ano ‘yung nararamdaman ko noon. Pero ano’ng ginawa ko? Sinayang ko lahat ng ‘yun. Sinabi ko sa kanya na hindi ko siya iiwan, pero ginawa ko pa rin. Naging makasarili kasi ako, eh. Hindi ko inisip ‘yung mararamdaman niya kung aalis ako, basta makaalis lang ako sa puder ng mga magulang ko. Iniisip ko nga, eh. Worth it ba ‘yung pag-alis ko? Naging successful naman ako kasi eto ako ngayon, miyembro ng isa sa pinakasikat na K-Pop group. Maraming nagmamahal sakin, maraming taong nagpapasaya sakin. Pero aanhin ko ang mga ‘yun ‘pag wala naman ‘yung taong alam kong magpapasaya sakin? Kung sino ‘yung taong minahal ako na parang pamilya, ‘yun pa ‘yung taong napili kong iwan at saktan. Gago ka talaga, Luhan. Ang galing mo.
Ngumiti ako kay Tao. “Hindi, eh. Pero pipilitin kong maging okay.”
Halata naman sa boses at mukha ni Tao na sobrang nag-aalala siya. “’Pag kailangan mo ng makakausap, nandito lang ako, hyung.”
“Salamat.” Tumayo ako at tiningnan siya. “Aalis muna ako, ha? Magpapalipas lang ako ng oras.”
“Sige, hyung. Ingat ka.”
oOo
Nagtaxi ako papunta sa mall since wala naman akong ibang maisip na puntahan. Hindi na ako sumama sa iba kasi gusto kong mapag-isa. Nakabonnet at specs ako para hindi ako masyadong mamukhaan pero may iba pa rin na napatitig sakin at siguro, nakilala nila ako. Okay lang naman na kuhanan nila ako ng mga pictures pero ‘wag lang sana sa punto na ang lapit lapit na nila.
Pumasok ako sa Starbucks para bumili ng frappe nang may makita akong babae na tumayo at pumagitna sa kanya ang dalawang lalaki. Nakatalikod sila sa akin kaya ‘di nila ako nakita pero alam kong si Andie ang babaeng ‘yon Pupunta na sana ako sa counter para mag-order kasi alam kong kahit lalapitan ko pa si Andie pagkatapos nilang magpapicture, useless din naman kasi ‘di niya pa rin ako kakausapin, pero nakita ko ‘yung kamay ng isang lalaki na nasa puwet na ni Andie. Agad nanlaki ang mga mata ko at without second thoughts, tumakbo ako sa kanila at sinuntok ‘yung lalaki sa mukha. Napaupo siya sa lakas ng impact at may nakita akong dugo pero wala na akong pakialam sa putanginang ‘yun.