KIANNA
"Ano ba! Ang kulit mo ah" bulyaw ko sa kanya, kasi naman kanina pa sunod ng sunod. Hindi ba toh mapirmi sa pwesto niya o kahit san man?
"Sige na po ate, subukan niyo lang po na mag try out samin" pilit nitong bata na schoolmate ko
"Ganto ah girl ah, hindi ako marunong niyan mag volleyball" sabi ko sakanya, actually marunong naman talaga ako kasi nahawa lang ako sa mga kaibigan ko na marunong rin mag volleyball, kaso hindi ko feel ang feel ko na sport is yung track and field talaga
"Awww, sayang po kasi ang height niyo tsaka yung reach ng kamay niyo napakahaba. Magiging magandang addition siya sa team talaga namin. Pero ate, pag – isipan mo tsaka if ever interesado ka na tawagin mo lang po ako. Makikita niyo po ako lagi sa school, kalat naman ako lagi dito eh" ay nako baby girl, bawal magkalat niyo mapapagalitan ka ng principal, charot.
"Oo sige, tatawagin kita kapag interesado ako. Pero please lang, wag mo ako kulitin yun lang talaga hiling ko sayo ah"
"Hehe, sige po ate. Sorry po ah" paumanhin niya sakin
"Oo na sige. Bye" at naglakad na ako palayo sakanya. Hindi ba nauubusan ng energy yung bata na yun, ako yung napagod sa kanya eh.
"BYE PO, ATE PAG – ISIPAN MO AH!!!" sigaw niya habang naglalakad ako, napailing nalang ako sa kanya.
Bumalik na ako sa classroom namin, at naupo at binaba ko muna ang ulo ko para man lang makatulog ako bago magsimula ang klase ko. Nakatungo lang ako nang may narinig akong may nagsalita sa tabi ko.
"Girl, cancel daw training mamaya" sabi ni Arianne at umupo sa tabi ko
Napatingin naman ako sakanya habang nakatungo "cancel nanaman ang training? Bakit naman daw nacancel?"
"Baliw ka ba? Nakita mo ba labas? Yan oh naulan, malamang basa nanaman ang field nito" tiningnan ko naman ang labas, oo nga noh naulan. Parang kanina ang araw araw lang eh. Hayyy grabe ka naman day parang kang tao napakamoody mo.
"Oh ano? Ngayon mo lang napansin noh?" tanong niya sakin
"Oo eh, eh kasi naman hindi ko rin gaano narinig eh"
"Ano ba kasi yang naiisip mo? At hindi mo napansin na umuulan. Nako, wag mo na siya isipin kung sino man yan" Binatukan ko nga "aray naman! Sakin nun ah!"
"Napachismosa mo kasi, di porket hindi ko napansin na hindi umuulan may iniisip akong tao. Umalis ka na nga dito" tiningnan ko ang relo ko "Ay nako naman, 10 minutes nalang oh magstastart na ang. Gusto ko pa man din matulog. Panira ka talaga ng tulog Arianne"
"Sorry na Kianna, at ito na aalis na oh" Umalis na si Arianne, at ako naman inantay ko nalang na matapos ang lunch break at nakinig na rin sa klase hanggang matapos na ito.
Dismissal na! Sa wakas, akala ko mag iiba ang ihip ng hangin at tumila ang ulan at umaraw ng sobra kaso hindi eh, so ngayon malamang magsasarili nanaman ako mag training lalo na tatakbo nanaman ako sa subdivision nito. Ganito naman lagi eh, bakit naman kasi kailangan matapat sa rainy season ang mga trainings na kung saan kailangan na ipractice ang mga dapat gawin para manalo sa competitions eh. So hard naman this, andyan na ang driver at kasama ko na yung iba kong kapatid. Naupo na ako sa harapan at nakinig nalang ng mga music. Pagkauwi, pumasok na kami ng bahay at nandun si mom sa sala nakatambay pumunta ako sakanya at nagbeso.
"Hi mom" bumeso ako sakanya pati na rin ang iba kong kapatid
"Hello, kamusta school? Osya I baked some cookies, go there and eat. I know pagod kayo sa school" sabi ni mom at dumiretso naman kami sa kitchen at kumuha ng cookies
Pagkatapos ko kumuha ng cookies at nilagay ko toh sa pinggan dumiretso ako sa sala at tumabi kay mom
"Oh Kianna, how was your day?" tanong ni mom
"It was fine mom"
"Are you sure? Mukhang hindi eh, what's with sad face Kim"
"Nothing, track and field stuff lang"
"What about it?"
"Its just that, coach cancelled our training again. So, I need to do it on my own again"
"I think wala naman mali dun right?"
"Yeah, there's nothing wrong naman mom. I can't blame this freaking weather pero siyempre when I train I want my coach to be there and ofcourse to guide me"
"Just talk to him about it, tell him if you can do an overload or you can do something else" my mom suggested
"Ano naming something else yan mom?"
"Well, if you really want a sport which is not hard to cancel. What if, you change the sport that you're playing right now"
"Ay alam mo ba mom, there's this little girl sa school. She was asking na if I could join the volleyball team of our school because of my height that. It would be a great advantage daw for me"
"Then, what are you thinking?"
"I don't know mom, I love track and field Pagiisipan ko muna, doesn't mean na nagtatampo ako sa sport ko ngayon it means na I'll stop" I said to her, si mom naman tumango nalang
"Think about it dear, go to your room and rest I know you're tired from school and all your issues"
"Yup, thanks mom"
Bago ako pumunta sa kwarto ko, I went to the kitchen and nilagay ang plato ko sa lababo and I went up to my room at humiga sa kama ko. Ito yung ayoko eh, may mga tanong sa utak ko na nastustuck at hindi ko alam kung ano gagawin para sagutin ang mga ito. Yung pipiliin ko naman hindi ko mareresearch sa internet para yun ang piliin ko o kaya hahanapin ko libro. I don't know, I'm not like any other girl who would have problems with their boyfriends, friends or even which dress they would wear and I'm here thinking of what sport should I try or even join. Kasi naman ang daming instances na our trainings na nacacancel and even during competitions cancelled din, its like almost lahat ng efforts ko nasasayang not only mine but with the other players of the track and field sport and also sa family namin who would go to our competitions and support us na all out talaga. Nako kung mayaman lang ako pinacovered ko na ang lahat ng field dito sa Pilipinas. Argh, after all ng lahat ng thoughts wala pa rin akong desisyon ay bahala na kung ano mangyari. Idedepende ko nalang toh sa mga mangyayari sakin.
So this is my first writing a story, comments are highly appreciated para na rin for my growth. This is the first chapter of my book, and I hope na isupport niyo toh
Follow @kkdangels sa twitter for more updates about this story
BINABASA MO ANG
Just Believe
FanficJudgments are really hard to avoid but I know I am stronger than them. So many thoughts in my mind but I don't know which is the right one or what it really means. I've always loved one sport but there was a sudden change which led me to different i...