Chapter 22

117 6 2
                                    

[73]

"Coleen." Muli kong tawag sa pangalan niya. Hindi siya sa mukha ko nakatingin kung hindi sa librong hawak ko. "I remember themall?"

"Ku—"

"Huwag mo 'kong tawaging Kuya!" sumigaw akong bigla kahit na nararamdaman ko na ang panghihina muli ng katawan ko. Parang ilang saglit na lang ay babagsak ako ngunit kinaya ko sa harap niya...hindi ko alam kung papaano ko nagagawa pang tumayo at tumitig sa kanya pero pinagmukha kong kaya ko pa. "Is that—" napasinghap ako. "You're trying to say?!"

Dahan dahan siyang bumaba ng hagdan upang makalapit sakin Ngunit paatras lang ako ng paatras. Iling lang siya ng iling at nakikita ko ng bumubuhos ang mga luha niya sa mata.

Naglakas loob akong ipamukha sa kanya ang librong hawak ko kaya naman napatigil siya sa paglapit sakin.

"I!" sigaw na basa ko sa unang pahina ng libro kung saan may nakalagay na sticky note. Dahan dahan at nanginginig ko pang inilipat ang pahina. "REMEMBER!" sigaw ko pang muli at nagpatuloy na nilipat ang pahina. "THEM!" ngunit tila hindi nakikisama ang panahon sakin dahil nagsimulang dumilim ang paligid at tumulo ang maliliit na patak na ulan, dahilan upang mabasa ang libro at di ko na itinuloy pa ang paglilipat ng pahina. Nasambit ko na lamang sa mga bibig ko ang salitang "All..."

"Kuya ano ba!" sigaw niya sakin. "Anong gusto mong mangyari sayo?! May sakit ka! Magkakasakit ka pa lalo!" nanginginig ang boses niya at parang nagdadalawang isip pa na lapitan ako. Hinawakan niya ko sa kamay ko at nagsimulang hilahin ako. Patuloy ang pagbuhos ng ulan dahilan upang di namin mapansin ang isa't-isa, sa parehong luhang dumadaloy saming mga mata.

Inihagis ko ang kamay niya ng malapit na kami sa hagdan.

"You remember them all?!"

"I don't know what you are saying Kuya! That's just a book!"

"Stop lying Coleen! I'm so tired!"

"Then please stop this!" natigilan akong bigla. Tila ay malungkot na musika na bumalot saming dalawa. "I'm also tired seeing you like this! Lahat ng ginawa ko, ay para sa'yo. Lahat ng sakripisyo ko ay para maging normal yung pamumuhay natin pero anong ginagawa mo?! Sinayang mong lahat! I feel so sorry for El—"

Bigla rin siyang natigilan at tumingin sakin.

"Elmo? Anong ibig mong sabihin?!"

"Nothing! It's nothing..." nanghina ang boses niya.

"You used him?"

"No—"

"Ginamit mo siya! May hindi pa ba ko alam?!" sigaw kong muli. Nag-aagaw ang boses ko at ingay ng ulan na patuloy na pumapatak sa rooftop. "Baka ginamit mo rin si Julie—"

"There's noth—"

"You used her?!"

"Stop your nonsense Oli!"

"Finally!" napaluhod ako at mabilis naman siyang lumuhod upang saluhin ako. Ang sakit ng ulo ko...ngunit mas masakit ang puso ko. "Brain Cancer ang sakit ko...pero bakit dito—" sinuntok suntok ko ang dibdib ko. "...ang sakit sakit..ang sakit sakit Coleen."

Humagulgol siya sa pag-iyak at yinakap ako.

Nagdalawang isip pa akong bumawi ng yakap sa kanya...ngunit parang may nagtutulak sakin na yakapin siya.

"I'm s-so so-sorry..." rinig kong bulong niya. "Oli, this happens because of me."

Ngunit hindi ako makasagot.

She's my Step-SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon