6 - Unexpected

213 4 0
                                    

Miss M:

Hello guys! Kamusta naman yun?! Chapter 6 na ako! Ahahahaha! Nagustuhan nyo ba yung last na update ko? Hehehehehe. Dito naman sa chapter na ito. Ahm, expect nalang ng mga nakaka-expect Hehehehehe. Sana magustuhan nyo tong chapter na ito! 

---->

Kurt's POV:

 So ayun nga nangyari kanina. Nakahanap ako ng katapat. At si Wind yun. Lokong babaeng yun, for the first time in my life ngayon lang ako napahiya ng ganun sa mga banat ko. Letchugas na yun! Argh! Mukhang pasaway nga yun. At mukhang challeging nga tong pinasukan kong deal. Ampotek na yan!

By the way, pauwe na kami ngayon kasama ko yung tatlong ugok. "Tol, punta tayo sa bar ko. Nag-invite ako ng maraming chicks ngayon dun, well, nagpapromo kasi ako ahahaha. Alam nyo na, para di ako maubusan ng babae. Ahahahaha" Pag-aaya nitong si Black. May resto-bar kasi sya. Well, regalo ng Dad nya. Alam nyo naman, like father like son. Psh. "Sige sama ako, pero dun lang ako sa VIP room ha? Gusto ko lang talagang uminom. Mambabae kayo hangga't gusto nyo basta wag nyo ko guguluhin." Serious na sagot ni Blue. Wow. Himala at pumayag sya tapos iinom pa sya???? Once in a blue moon lang kasi sumama sa amin si Blue kapag nag-aaya ng ganito sila Black. At mukhang nagulat din yung dalawang ugok. Napanganga pa. Ahahahaha.

"Psh." Yun lang reaksyon ko sa sinabi nila. Ibig sabihin nun sasama ako sa kanila. Alam na nila yun hahahahaha. "Ge, sama din ako, well wala naman akong gagawin ngayon sa bahay e. Wala sila Mom and Dad. At mukhang my lakad ang lil sis ko e. Wala akong ma-aasar dun kaya boring. Black siguraduhin mo lang na magaganda yung mga plano mo maya dun at siguraduhin mong mag-eenjoy ako. Ahahahaa." Sagot ni Grey. So alam nyo  na siguro plano g upng dalawa, ano?! Kundi gumawa ng kalokohan. Hay nako.

"San naman kaya lakad nung babaeng pasaway na yun?" Bulong ko sa sarili ko, di naman nila narinig yun e. kasi nauna na silang maglakad patungo sa parking lot e. Naiiwan ako kasi bumagal ako mag-lakad at may iniisip kasi ako e. Teka si Wind yun ah? Bakit sya nakaupo dun sa bench mag-isa? diba sabi ni Grey my lakad sya? Bakit wala syang kasama? Napahinto naman ako dahil napatitig ako sa kanya. Ang ganda nya talaga. Mukha syang angel pero pasaway na angel. Hay naku.

Habang papalapit ako sa kanya. Di ko maiwasang mangiti. Ang ganda nya. Nakaupo kasi sya magisa sa bench. Nasandal, tapos yung ulo nya nakapatong sa sandalan ng upuan. Nakapikit sya at mukhang natutulog? Eh? Bakit ganun? Parang umiiyak sya? Kasi may luhang nabubuo sa pinakagilid ng mata nya. "Hi miss. Eto oh, panyo. Nakikita ko kasi yung mala-dyamante mong luha e. I'm sure napaka-precious nyan para sayangin mo." Sabi ko sabay abot ko ng panyo ko.

Nagulat naman sya sabay ayos ng upo nya. Di nya sigurong inakala na may makakakita sa kanya dito. Halos wala na kasing estudyante dito sa school e. "Ay, ikaw pala yan Jared. Pasensya na. Nakita mo pa ako sa ganung ayos. Napagod kasi ako sa araw na ito e. Hehehehe." Sagot nya at tumawa't ningitian pa nya ako. Pero nahalata ko naman sa kanya na, di yun totoo e. Psh. Why do girls like to hide their true feelings? Psh. This is so annoying.

Pinunasan ko yung luha nyang namuo sa gilid ng mata nya. Nagulat naman sya bigla sa ginawa ko sabay yuko nya. "Wind, my problema ba? Why are you crying?" Tanung ko sa kanya. Pero di parin sya kumikibo, nakayuko pa din sya. Nakapatong yung dalawa nyang kamay sa hita nya. At nakita ko itong tumiklop kaya parang nalulukot na yung palda nya. "Pwede ba kitang pagkatiwalaan Jared? Sniff." Sabi nya. Mahahalata sa kanya na nagpipigil syang umiyak siguro dahil nandito ako.

"Ou naman, tutal we're friends right? Sige makikinig ako sa problema mo. Don't worry di ko pagsasabi yang mga sasabihin mo." Sagot ko naman para i-cheer up man lang sya. Coz I really hate seeing a girl crying infront of me. Huminga sya ng malalim bago magsalita. "Kasi Jared, simula nung inanounce kanina ni Kuya na kapatid nya ko, madami nang babae ang nagalit sa akin. Yung iba ipinahiya ako sa room namin, yung iba kinompronta ako sa loob ng girl's cr. Then yung iba habang naglalakad ako sa hallway kanina. Yung iba naman, sinaktan ako, tulad nito." Saka nya pinakita sa akin yung mga bruises na nasa mga braso nya. Di ko nakita agad ito kasi nakasuot sya ng cardigan. Pag-kakita ko, nagulat ako. Ang dami at halatang halata na sariwa pa talaga yung mga pasa. Ngayon ko lang din napagtanto na putok yung labi ng pasaway nato.

ITHRFMASGLU (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon