chapter 13

208 1 10
                                    

Nakapikit si Bad Boy! Si sleeping Mr. Wrong! Natutulog? Sana patay na! Papasok ba ako ng canteen? Baka magising siya? Awkward moment na naman 'yon. Lalabas na lang ako para hindi na kami magka-enkuwentro?
Krug krug krug kruuuuug!
Tiyan ko yon. Mas malakas na ngayon
mag paramdam. A, bahala na nga basta ako, kakain. Bibili lang ako ng biscuit, tapos lalabas na agad ako. Sana lang talaga, huwag siyang magising.
Pumasok ako ng canteen dahan-dahan, pati pag sara para huwag siyang magising. Pero biglang pumasok si Manang Bising ang isa sa tindera ng canteen, at muntik niya akong mabungo at ang pinto ay tumama sa dingding. Malakas, maingay. At si sleeping Bad Boy, napadilat. Nagising,
Napatingin sa akin.
"Hindi ako 'yun, siya!" Napaka defensive kong sagot sabay turo kay Manang Bising, tumingin lang sa akin at kay Bad Boy saka dumiretso sa counter. Deadma. Hindi sumagot si Bad Boy, nakatingin lang sa akin. Awkward! Pero bakit ba? Ano ba ang dapat kong ika-awkward? I'm a student of this school at siya, hindi. Bakit ba ako nagpapaapekto sa kanya?
Diretso na ako sa counter, namili ng bibilhin kong pagkain. Pero feeling ko, nakatingin pa rin sa akin si Bad Boy nararamdaman ko 'yon sa batok ko. Parang tumatayo ang mga balahibo ko.
"Manang Bising, isa ngang banana cue" ang mabilis kong nasabi. Banana cue? Bakit banana cue? Wa poise! Pero teka, bakit naman kailangang may poise? Sino ba ang pinagpapa-impress-an ko? Si Mr. Bad Boy? No way! Eh, sa gusto ko ng banana cue, eh! Ibinigay na sa akin ang banana cue. Bayad na ako. Sabay talikod para lumabas ng door... POG!
Nabunggo ako. Ni Mr. Bad Boy na nasa likod ko na pala! Bakit ang bilis niya? Bakit hindi ko naramdamang tumayo siya at lumapit at nasa likod ko na pala siya? At ang banana cue, humampas sa polo niya. At ang asu-asukal ay dumikit sa damit niya. With matching oiliness!
"Tsk" ang sagot niyang napapalatak lang.
"Sorry" sabi ko.
"Watch kasi where you're going" dagdag niya na may pagkairita. Siyempre nairita na rin ako. "Nag sorry na, di ba? Bakit kasi bigla-bigla ka na lang sumusulpot sa likod ko?" Nataray kong sagot. Pero napailing lang siya. Sabay ngisi, with that lopsided smile of his. "Sinadya mo 'yon, ano?"
"What?"
"Sinadya mong banggain ako."
"Ang kapal ng mukha mo! Bakit ko naman gagawin yon?"
Pero naka smile lang siya sa akin. 'Yung smile nakakaloko. 'Yung smile na nagsasabing: alam ko kung bakit mo ako binangga! Dahil gusto mong magbanggaan ang mga katawan natin. Dahil type mo ako. 'Yung gano'ng smile
Ang kapal!!! Gusto kong ihampas sa kanya ang banana cue! Pero sayang no? Nagugutom ako, eh. Tinalikuran ko na lang siya. Inis na inis.
"Hey! Won't you even clean your mess?" Pahabol ni Bad Boy. Napalingon ako itninuro niya ang asu-asukal sa polo niya. Dumampot ako ng tissue at inis akong lumapit pagpagin iyon. "Happy now?" Sarkastiko kong tanong. Ngisi lang siya ulit. That nakakainis na ngisi of his. At kahit nakatalikod ako, ramdam ko na sinusundan niya ako ng tingin, nakangisi pa rin sigurado ako ro'n. Kaya lumingon ako para pandilatan siya para belatan siya. Eh, ano kung childish? Gusto ko lang gumanti, bakit ba?
Pero hindi pala siya nakatingin sa akin. Bumibili siya ng bottled water. Presumida lang ang peg ko 'no? At ang masakit, dahil nakalingon ako, hindi ko nakita na may papasok sa canteen. Tinamaan ako sa mukha kasama ang hawak kong banana cue, at noon napatingin si Edge.
Kung kailan nakatalpak sa mukha ko ang banana cue at napangisi nanaman siya na may halong pagtawa. Nakakainis!
Galit ba sa akin ang Diyos ngayong araw na ito at sunud-sunod ang embarrassing moments? May camera bang nakatutok at biglang sasabihing nasa Wow Mali ako? Gusto kong maiyak out of frustration pero siyempre, talo ako pag ginawa ko 'yon. Kaya taas noo pa rin akong lumabas ng canteen. Noong nasa labas na ako, saka ko nilantakan ang banana cue. At least 'yung natira mula sa pagkakatalpak sa mukha ko. Tom Jones, eh!

SIYEMPRE, naghilamos muna ako sa washroom bago ako bumalik sa classroom, kung saan naroon na ang teacher namin sa El Fili, si Miss Mata.
"Saan ka galing, Welcome?" Tanong niya sa akin. "Ma'am nag-c.r lang po." Sabay upo na sa seat. May pagka-terror itong si Miss Mata, eh. All throughout our Filipino class, hindi ako makapag concentrate. Pumapasok sa isip ko si Edge. Mula noong halikan ko siya, hanggang sa ibuking niya ako kay Ward, hanggang sa eksena namin sa canteen. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Hanggang sa sikuhin ako ni Ward. "Bakit?" Takang tanong ko. "Tawag ka ni Miss Mata" bulong na sagot ni Ward. Napatingin ako sa harap. Masama na ang tingin sa akin ni Miss Mata. Kanina pa pala siya may tinatanong sa akin tungkol sa El Filibusterismo. Siyempre, wala akong nasagot. Si Miss Mata, kapag merong hindi nakakasagot sa tanong niya, lalo na 'yung sa tulad kong hindi nakikinig, ipipihit niya ang upuan mo at papaharapin ka sa class. So the remainder of the class, nakaharap ako sa mga kaklase ko. Nakakahiya. At siyempre, ang sinisi ko, si Edge. Kung hindi dahil sa kanya, nakakapag-concentrate ako sa class.

THE bell rang. Uwian na, nagmamadali ako. Gusto ko nang umuwi para matapos na ang araw na ito na puno yata ng kamalasan. "Bye" sabi ko kina Karen, Ramil, at Ward. "Wait, nagyayaya si Ward na lumabas," pigil sa akin ni Karen. Ayoko! Ayoko nang madagdagan ang mga bad vibes today. "Marami pa akong gagawin sa bahay" paliwanag ko.
"Sige na girl. Gusto raw ipakilala sa atin ni Ward ang twin niya" may halong pakiusap ni Karen. Nyek! Lalong ayoko no?
"Hinihintay na ako ni nanay. Gagawa kami ng tosino, maraming order." Nalungkot si Ward pero pilit pa ring ngumiti.
"Gano'n ba? Sige, some other time na lang." Pero si Karen ang ayaw sumuko. Hinila niya ako sa isang sulok. "Welcome, wala kang pakisama" bulong sa akin ni Karen na may halong panunumbat. "Alam mo namang type ko si Edge. Chance ko na ito para magkasama kami. Saka, hindi ba crush mo rin si Ward? Bakit ka nagpapa-girl d'yan?" Paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi naman si Ward ang iniiwasan ko, kundi ang kakambal niyang demonyo? Na in just half a day, nagkaroon na kami ng history ni Edge. Bad history. Pero malaki na rin ang history namin ni Karen, history of friendship ng tawanan, ng tulungan, ng pagpapahira niya sa akin ng mga damit niya sa akin, ng mga damit niya at sapatos. Kung minsan, pinapautang din niya ako kapag kulang ang pambayad ko ng tuition. So, paano ko siya matatanggihan. "Sige na nga. Pero sandali, ha? Kain lang talaga tapos uwi na."  "Yehey! Pumayag na si Welcome!" Sigaw ni Karen sabay hila sa akin pabalik kina Ward at Ramil. Paglabas namin ng gate, naghihintay sa CRV ni Ward ang kakambal niyang si Edge. Nakatalikod ito sa amin. Dahan-dahan siyang nilapitan ni Karen at ginulat. "Bulaga!" Sigaw ni Karen.
Gulat na gulat kami ni Ramil. Bakit ginawa iyon no Karen? Lumingon lang si Edge. Tiningnan siya. At si Karen, parang may hinihintay. Naalala ko 'yung sinabi ni Ward na si Edge, kapag ginulat ay nanghahalik. Ah, kaya pala ginawa ni Karen 'yun. Gustong mahalikan, gustong magpa-cute. Pero ayun nga, tiningnan lang siya ni Edge. Usually, kapag ganito, matatawa na lang kami ni Ramil dahil epic fail nga. Pero nu'ng moment na 'yon, nadagdagan lang ang inis ko sa Edge na ito. Sinalo ni Ward ang embarrassing moment by introducing us to Edge. "That's Karen, cute talaga 'yan." At nagpapa-cute pa si Karen na tumingin kay Edge, deadma si Bad Boy. Ipinakilala rin ni Ward si Ramil na nagpapakalalaki. At siyempre ako, pahabol. Tango lang ang sagot ni Edge. Buwisit, 'di ba?
"Let's eat muna, Edge. I want you to know my friends" sabi ni Ward. Bumuntunghininga si Edge. Parang gustong iparamdam sa amin na ayaw niya, na napipilitan lang siya. Neknek niya! Lalo naman ako, no? "I wanna go home na. I want to rest, I'm really tired " sagot ni Edge. Ang bastos talaga, 'di ba?
"Di umuwi ka" napatingin sa akin ang lahat. Gulat, nagulat din ako. Akala ko bulong lang, napakalakas pala. Minsan ang thought bubble ko, lumalakas talaga. At si Bad Boy, nagpaka-bad boy talaga.
"What's your problem? Bakit kanina ka pa nega? Dahil hindi kita hinalikan when you kissed me?"
Bam! Kaboom! Kablag!
Windang sina Karen at Ramil. Halos lumuwa ang mga mata. "Is this what you really want?" Lumapit sa akin si Edge, hinawakan ako sa magkabilang balikat and he kissed me right in front of Ward and my friends.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wrong Mr. Right Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon