Mr. Destiny and his ways

3 0 2
                                    

Ang hirap.

Ang sakit.

Lahat na mga importanteng tao sa buhay ko iniwan ako. Ano bang kasalanan ko at ganito kasakit ang mararamdaman ko.

Lagi nalang ako may iniiyakan.. Ayokong umiyak pero kusang tumutulo ang mga luha ko.

Ang saklap naman nito.

Ang saya ng buhay ko noon wala na akong mahihiling pa na makasama iyong first love ko, ang buhay ko, si tatay.

Pero lahat ng iyon naglaho nung nalaman kong naaksidente siya, iniwan ako ng buhay ko.

Grabe ang sakit lang, parang nawalan ako ng rason para mabuhay.

Pero nagbago ang lahat nung dumating si Gio sa buhay ko.

Si Gio na minahal ako higit pa sa hinihingi ko.

Si Gio na minahal ako sa pinakapangit na anyo ko.

Si Gio na pinuno ang nawalang saysay para mabuhay ulit ako.

Gio.Gio.Gio

Dalawang taon kaming masaya...

Dalawang taon lang. .



Kasi iniwan niya rin ako para sa ibang babae.

Ang saklap nga ng buhay ko.

Sabi nila pag may aalis, may papalit. May pumalit nga, umalis rin. Nakakatawa.

Waaahhhh!! T-T

Umiiyak na naman ako, nanlalabo na ang mata ko. Hindi ko na alam kung nasaan ako, ang pupuntahan ko. May pupuntahan ba talaga ako kasi palaging wala. Naglalakad lang ako, kung saan man ako dalhin ng paa ko.
......................

Hanggang lumiwanag ang paningin ko.

.............................

"Hi!"

'Sino ka?' may nakita akong cute na bata, may dalawang dimples sa mukha. Nyaaahhh! Ang cute nya!!

"Ako po pala si Charles. Dali! Sama po kaayo sa akin, may ipapakita ako. Huwag kanang umiyak ate."

'Teka, san mo ako dadalhin?'

Ngayon ko lang napansin, wala na ako sa daan , nasa isang puting kwarto ako. Lumabas kami sa kwarto, ang aliwalas naman rito. Nakatulog yata ako parang umaga na kasi.

'San ba tayo Charles, nasaan yung mama mo?' napansin ko kasing nag-iisa ang bata.

"Si Papa lang po iyong kasama ko lagi. Halika po, tingnan niyo po iyong tatlong kwarto na iyan." tinuro niya ang magkasunod na pintuan sa may hallway.

'Ano bang meron dyan. Kailangan ko nang umuwi, may klase pa ako. Hatid na kita sa Papa mo.' baka mapagkamalan pa akong kidnapper nito eh.

"Tingnan niyo lang po ate. Titingnan mo lang naman eh, hindi naman aabot ng isang araw. Hindi ka absent, Linggo naman ngayon. Walang pasok, ting-simba po ngayon." pilosopo tong batang to. Oo nga, linggo na pala. Sabado kahapon eh. Ay tanga.

'Sige na nga, ihahatid kita sa Papa mo pagkatapos ha?' ngumiti lang siya sa akin.

Binuksan ko ang unang pintuan..

Kwarto ko to ah? Sa gilid nakita ko ang sarili kong umiiyak. Ito iyong nangyari siguro 2 months ago ah. Iyong iniwan ako ni Gio. Oo 2 months na, masakit pa rin.

'Hoy Charles, niloloko mo ba ako? Ano ito?' , paglingon ko wala na siya. Nanlamig ako, ano bang nangyayari bat nakikita ko sarili ko rito. Pero kahit anong tangka kong pagpasok bumabalik ako sa labas.

Tiningnan ko ulit iyong dalawang pinto, may nanghihila sa akin na buksan iyon.

'Bahala na si Batman' binuksan ko ang ikalawang pinto. Nakita ko ang sarili kong

buntis??? O-O

Ginu-goodtime talaga ako noh?

Binuksan ko ang ikatlong pinto. Nakita ko ang dalawang matanda, naglalambingan. Pinapatulog ni Lolo si Lola gamit ang gitara niya. Parang hinaplos ang puso ko, nakakainggit. :'(

Kasi iyan ang pinangarap ko. Ang mamahalin ako hanggang kamatayan. Sabi ni Charles hindi na ako iiyak pag binuksan ko lahat. Ano ba yang batang yun. Umiiyak na naman ako eh.

"Ate, huwag ka na umiyak. Nakita mo naman lahat diba?" nakita ko siya at inabutan ako ng panyo. Magsasalita na sana ako pero naunahan ako.

"Nakita mo sarili mo noon na umiyak sa unang pinto. Sa sakit na binigay niya hiniling mo na sana di mo nalang siya nakilala. Pero kung hindi dahil po sa kanya, may nakalilala ka sanang iba. At iyong iba na iyon ay siyang lalaki na nagpabuntis sayo na nakita mo sa ikalawang pinto. Iniwan kayong mag-ina sa ere at mas masakit iyon kung iyon ang nangyari po ngayon, triple pa sa sakit na maramdaman mo. At habambuhay mong maramdaman iyon. Dahil habambuhay iyon ipaalala sa'yo ng anak mo ang sakit na binigay ng ama niya sayo. Pero po dahil nakilala mo si Gio, nakita mo ang sarili mo sa ikatlong pinto na kinakantahan ng lalaking buong buhay kang minahal at mamahalin. Imulat mo lang mga mata mo ate"

Tumingala ako mula sa pagkatungo sa pag-upo ko nung umiyak ako. Hindi ko na nakita si Charles. Pero may nakita akong nakatayo sa dulo ng hallway.

Si Tatay...

Nakangiti sa akin.......

Hindi ako makagalaw....

Hanggang sa maramdaman ko na lang ang sunod2x na mahinang sampal sa pisngi ko..

"Huy misss, gising please. Okay ka lang? Sorry talaga, bigla ka kasing tumawid muntik na kitang masagasaan. Miss, gising!"

Nakita ko ang isang lalaki, naaninag ko ang mukha niya pero hindi iyan ang nakakuha ng atensyon ko bago nawalan ako uli ng malay..

Kundi ang gitarang nakasukbit sa likod niya.

The End..... <3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Gitara'Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon