Irish's Point of View
Naguguluhan. Nakatulala. Nag-alala. Hindi ko alam ano 'tong nararamdaman ko. Naguguluhan ako sa sinabi ni Prince sa akin kanina. Hila-hila ako ni Kurt palayo kay Prince. Habang hila-hila niya ako, nakaramdam ako ng sakit sa aking braso at sa aking kamay.
"Kurt, dahan-dahan lang", sambit ko sa kanya dahil sa sakit ng pagkahawak niya sa aking kamay. Idagdag mo pa yung namamaga kong mga paa. Bigla siyang tumigil sa paglalakad at napakalma siya dahil sa sinabi ko.
Halos lumabas na yung puso ko nung bigla niya akong niyakap. Hindi ako makapali nung niyakap niya ako. Nararamdaman ko lang na parang ligtas ako sa mga bisig niya. "Kurt"
"W-Wag mo akong iiwan", naguguluhan ako sa sinabi niya. Anong iiwan? Kelan ko ba siya iniwan? Eh wala naman diba. Niluwagan niya yung espasyo namin sa isa't isa habang nakatitig kami sa aming mga reflection sa aming mga mata.
"Kurt, ano bang pinagsasabi mo? This is our first day. First day na naging tayo. Malamang, hindi kita iiwan.", sabi ko naman sa kanya habang haplos-haplos ko yung pisngi niya. Nakita ko siyang ngumiti ng matamis sa akin.
"Oo nga. Bakit pa kasi ako nag-alala? Hindi ko kasi mapigilang magselos eh", mahina niyang sabi malapit sa hulihan ng kanyang sinabi. Napatawa nalang ako ng mahina at kinurot yung pisngi niya.
"OA naman ni boyfriend", sabi ko sabay tawa. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha habang hindi mabura yung ngiti ng aking labi. ANg kyut niya pagmagselos.
"Eh kasi, kanina ka lang nakadikit sa kanya. Sino bang boyfriend ang hindi magseselos dun aber? Haha..wa.. kan ka.. argh!", masungit niyang sabi sa akin. Kurt is a tsundere type. Hahaha! Ang kyut niya. Napatawa nalang ako ng mahina habang pinagmamasdan yung mapula niyang mukha.
"Basta wag ka ng lumapit dun.", dagdag niya pa habang nakapout. Napasapak ko nalang siya sa kanyang balikat habang I rolled my eyes on him.
Bigla niyang hinawakan yung balikat na hinampasan ko at tumingin sa akin ng masungit. "Hoy! Bakit mo ako---", bigla ko siyang hinalikan sa pisngi at nagwink. Aasarin ko to. Hahaha!
Tumalikod ako at hahumming pa. "si..na..pak..", narinig ko yung maliit niyang boses hangang sa dulo ng sinabi niya. Muli akong lumingon sa direksyon niya at nakakunot noong nakatingin sa kanya.
"Hoy lalake! Magpapaiwan ka ba?! Bahala ka!",masusungit kong akto sa kanya. Bigla naman siya nakarecover sa kanyang pagkatulala sa sinabi ko at tumakbo patungo sa akin. Bigla niyang hinawakan yung kamay ko at nagsimula na kami sa paglalakad,
"You really love to tease me, don't you?", nakalolokang niyang sabi sa akin. Napagrin na lang ako sa tanong niya at nagsmirk.
"And I know that you know you love me so much", sabi ko naman sa kanya habang suot ko pa rin yung famous kong widest grin ever!
-----
"A-Aray! Masakit! Sabi dahan-dahan lang eh! Ahhhh! Ahh!"
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Novela Juvenil(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...