Dadating Din

504 4 0
                                    

Sa madilim kong mundo, may ililiwanag pa ba?
Sa tahimik kong puso, may magbibigay boses ba?
Sa makipot kong dinadaanan, may paroroonan pa ba?
Sa pagmamahal na ibinibigay ko, may isusukli pa ba?
At sa puso kong mahapdi, may isasakit paba?

Bakit ako nahulog sa isang tao na hinawakan lang ako sandali pero binitawan ako agad.
Bakit ko minahal ang isang tao na di naman nasuklian ang pagibig kong tapat.
Bakit ko hinawakan ang kanyang kamay na sobrang gaspang ng balat.
Bakit nga ba.

Sa haba ng panahon na ginugol ko sa walang kwentang pagibig na naranasan ko puro pag papakamanhid at pagpapakatanga lang ang ginawa ko.
Naging tapat ako pero sakit ang natamo ko.
Nagseryoso pero binalewala lang ako.
Nagtiis kahit sugat na sugat na ako.
Kumapit kahit paputol na ang lubid na inalay mo. At nagmahal ngunit iniwan bandang dulo.

Napakadaya ng mundo.
Bakit hinayaan mokong makatagpo ng maling tao.
Bakit hinayaan mo akong mahulog sa isang tao na hinawakan lang ako ng bahagya.
Bakit hinayaan mo kong lumuha.
Bakit hinayaan mokong masaktan.
Napakadaya mo. Pero siguro para matuto na din ako. Para makaramdam nadin ang manhid kong puso. Para magkaboses na ang tahimik kong mundo. At para matutong kumilala ng taong hihigitan ang pagmamahal na ibibigay ko.
Alam ko dadating din.
Ang huling taong mamahalin ko.
Ang huling taong iiyakan ko.
Ang huling taong mamahalin ako ng totoo.
At ang huling taong yayakapin ko bago dumating ang oras na tumigil ang tibok ng aking puso.

- Rconpash ❤❤

Vote. Comment. Share. Thanks! 😘😘

Spoken WordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon