Chapter 7: In the dark

844 18 2
                                    

“Lean tara na?” tawag sakin ni Vivi.

“Ay mauna na kayo. May gagawin lang ako.”

“Sige”

Nagpaalam na sila at kumaway-kaway at umalis na rin.

Hindi muna ako umuwi. Bakit?

Syempre naiwan ni Winnie yung baunan niya. Ibabalik ko lang kasi baka pag nauwi ko, hindi ko na mabalik to. Napansin ko na may mga class A na lumabas na ng room nila at nakita ko na rin si Winnie…

At kasama niya ang gwapong hot na… este… ehem… si Darren.

Ang gwapo talaga ni Darren. Teka – baka mahalata akong nakatitig sa kanya. -///-

“Si Darren at Winnie oh…”

“Ang gwapo’t maganda. Engaged na daw sila?”

“Ang gwapo talaga ni papa Darren! Eek!”

“Tol si Winnie. Lovestruck ka nanaman?”

“Tss, saying taken na si Winnie.”

Kung ano anong mga bulungan at chikahan ang naririnig ko sa paligid na puro tungkol sa kanila. Ganyan talaga pag sikat eh, class A ba naman.

Ehem, ang class A kasi per year ang may pinakamataas na ranking sa lahat. By ranking kasi ang pag section namen. Never ko silang naging kaklase at never akong napunta sa class A. Yung class nila, bawal ang below 85 na grade sa card dahil pag meron ka – you’ll be evicted. Haha! Chos.

Buti medyo maaga silang pinalabas kundi maghihintay pa ko. 5 kasi labasan nila lagi, buti ngayon 4:30 since wala naman masyadong gagawin.

“Hi Lean!”

“A-ah. Hi Winnie…”

“May hinihintay ka ba Lean?” tanong ni Darren.

Parehas silang nakatitig saken pero mas nakatitig ako kay Darren.

Ugh, nakatingin ang mga mata ni Darren sakin. Nakakatunaw ang pagtitig niya sakin. Kung ice cream ka Darren, tunaw ka na dahil sa titig ko.

“Lean?” nagising ako sa katotohanan ng may kumakaway na kamay sa harap ng mata ko.

“H-ha? Ay! Winnie, baunan mo pala naiwan mo kanina.” sabay abot sa kanya ng baunan niya.

"Ay salamat. Nag abala ka pa."

"S-sige, aalis na ko huh?"

Nauna na ko sa kanila, pero nung medyo nakalayo na ko, nakita ko si Darren nakatitig pa rin saken. Tumitig rin ako sa kanya habang dahan dahang lumalayo sa kanilang dalawa. Wooo Dar, wag ka nang manadya please? Baka hindi ko mapigilan...

Hayy, andito nanaman ako sa impyerno - este room NAMEN ng demonyo kong roommate.

Pasok pasok... lakad lakad... at nakita ko ang demonyong naka-rest sa bar table habang nakatingin sakin.

"Hoy..."

"Oh..." sabi ko. Tss, etong Kevin nanaman. Kung makahoy!

"Panget..." ahh ganon pala huh...

"Ulupong..."

"Gorilya..."

"Shokoy..."

"Baboy..." WHAT?! Iniinis ba talaga ako neto? Gusto niya pala ng asaran huh.

"Bakla..."

Tumahimik siya. Hoho, kala niya magpapatalo ako? DI NOH! *u*

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo.

Thinking of You ♥ ~ Chapter 21 (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon