Alamat ng Ulan

277 1 1
                                    

Kapag umuulan, para sa'yo, anong ibig sabihin doon? Anong mararamdaman mo? Masaya o malungkot? Hindi gusto ng ibang tao ang ulan, marahil kung titignan ay parang nalulungkot at umiiyak ang langit. Sa iba naman ay gustong-gusto ito, marahil rin ay nakasanayan na nila ito habang tumatagal ang panahon. Alam mo ba kung saan nagmula ang panahong ito?

Ayon sa mga kwentong-bayan, ay noong unang panahon, sa isang napakalayong lugar, sa bayan ng Alegria, kung saan tag-init lang ang panahong naroon, ay may isang napakagandang dalaga, siya ay si Alanya. Siya ang nakatira sa isang napakalaking mansyon, kasama ang kanyang tiyahin. Ngunit siya ay isang ulila na, dahil sa murang edad ay binawian na ng buhay ang kanyang mga magulang, at pinamana sa kanya ang kanilang mga ari-arian. Ang kanyang tiyahin, na si Aling Tessa, ang kakambal ng kanyang ina, na tumatandang dalaga, ay ang humahawak ng mga ito.

Ang alam ng iba ay isang napakabait na tiyahin ito sa kanyang pamangkin, pero ang totoo ay inaabuso at sinasaktan lang pala niya si Alanya. Nagseselos at nagagalit ito, dahil bakit sa kanyang pamangkin ipinamana ang lahat ng kanilang ari-arian, habang siya ay wala. Kaya tinatrato si Alanya na parang katulong at pinapagawa ang mga dapat gawin ng mga kasambahay. Halos araw-araw siyang nagdudurusa dahil sa pang-aabuso at pagka-ulila niya sa kanyang mga magulang, ngunit lagi pa rin siyang nakangiti kahit nasasaktan na siya, at kinakaya niya ang lahat ng iyon dahil hindi niya gustong magtanim ng sama ng loob sa kanyang tiyahin o kahit na sino, at halos gabi-gabi rin siyang umiiyak dahil sa kanyang nararamdaman. Kaya kinabukasan ay mugtong-mugto na ang kanyang mga mata, ngunit ay binalewala lang niya ito, dahil kailangan niyang gawin ang kanyang mga gawain, dahil kung hindi ay mapapagalitan na naman siya nito.

Sa isang araw ay inuutusan siya ni Aling Tessa upang bumili ng pabango doon sa bayan. Kaya hindi na siya nagdadalawang-isip na sumunod dito dahil gustong-gusto niya kapag inuutusan siya ng kanyang tiyahin na lumabas dahil may ipapabili ito sa kanya, at dahil rin ay nagkakaroon siya ng panahon upang magliwaliw sa kanilang bayan kahit saglit lang, ngunit nang nalaman ni Aling Tessa ang kanyang ginagawa ay kinulong siya nito sa pinakataas na kwarto sa kanilang mansyon upang hindi na siya makakalabas kahit kailan. Nagiging malungkot si Alanya dahil sa ginawa ng kanyang tiyahin sa kanya. Ngunit ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na makakalaya siya mula sa kwarto, at hindi rin siya tumitigil sa pagdasal na sana ay magbago na ang pakikitungo ng kanyang tiyahin sa kanya.

Isang gabi, ay hindi na kinaya ni Alanya ang kanyang pagkadesperada upang makalaya at makaalis na sa bahay na kanyang kinalakihan. Kahit masakit ay kailangan niyang gawin ito, dahil para na rin ito sa kanyang sariling kapakanan. Kaya ng sumapit ang gabi ay hinalungkat niya ang kanyang mga kabinet upang maghanap ng gamit na pwedeng makabukas ng kanyang pintuan. Habang naghahalungkat siya ay mayroon siyang nakapitan at bigla itong bumukas, at naging isang lagusan. Kaya hindi na siya nagdadalawang-isip na pasukin ang lagusan. Nang nakalabas na siya sa lagusan ay napunta siya sa tabing-dagat, nang nakakita siya ng isang bangka ay sumakay siya doon. Ayos lang sa kanya kung saan man siya mapadpad, huwag lang siya ulit sasaktan ng kanyang tiyahin, dahil natatakot na siya sa mga maaaring gagawin nito sa kanya. Pagkatapos ng ilang oras ay nakakaramdam siya ng panghihina at napansin niya na para siyang napapalibutan ng makapal na usok, at hindi niya alam kung saan ito nanggaling. Bago pa mangdilim ang kanyang paningin ay napansin niyang mayroong isang patak ng luha ang umaagos sa kanyang pisngi. Binulong niya sa kanyang sariling isipan na, pinapatawad na niya si Aling Tessa, dahil alam niya na hindi niya kaya na magtanim ng sama ng loob sa kanyang tiyahin. Habang si Alanya ay naglayag ay hinahanap naman siya ng kanyang tiyahin, dahil nang pumasok ito sa kanyang silid, ay hindi siya nakita nito. Kaya naman ay, na alarma naman ito, na baka ay tumakas siya upang maging malaya, palayo sa kanya. Pinapatawag nito ang lahat ng kamilang mga katulong upang magpapatulong sa paghahanap sa kanya. Tinitignan nila ang lahat ng mga pwedeng paglabasan niya. Mayroon silang nahanap na isang lagusan, kung saan pumasok si Alanya. Natatandaan ni Aling Tessa na hindi niya ito nasirado noong huli niyang pagbabalik sa kwartong iyon dahil nagmamadali siya, kaya siguro nakapasok si Alanya doon. Pinasok nila ito at nakita na patungo pala ito sa tabing-dagat. Nalulungkot ang matanda at nagsisisi na ito sa kanyang mga pinanggagawa sa kanya. Kaya hindi na ito nagdadalawang-isip na ipahanap siya doon at kahit saan man. Dumaan ang ilang buwan at hindi pa rin nila nahahanap si Alanya. Kahit yung bangka na sinasakyan ni Alanya ay hindi na rin nila mahagilap. Pero hindi pa rin sila sumusuko sa paghahanap sa kanya.

Hanggang sa isang araw, ay mayroon silang naramdaman na tubig galing sa langit. Hindi nila alam kung ano ang klase na panahon iyon kaya pinangalanan nila itong "Alan", dahil doon nila naisip na baka iyon na si Alanya dahil sa palaging pag-iyak niya dahil sa kanyang walang awa na tiyahin. Laging ipinagdadasal ni Aling Tessa sa Panginoon na sana ay mapapatawad na siya ni Alanya, at sa lahat ng kanyang nagawa sa kanya. Kahit na huli na siya sa paghingi ng tawad sa kanyang pinakamamahal na pamangkin, ay alam naman niya na pwede pa naman niya itong ipanalangin sa Panginoon. Lahat ng mga gamit ni Alanya ay inilagay niya sa silid niya, at pinapahalagahan niya ng mga ito, dahil pinapaalala ng mga ito ang presensya ni Alanya. Alam niyang ginagabayan siya ni Alanya dahil kahit napakasama ng pakikitungo niya dito, ay hindi pa rin ito nagtatanim ng sama ng loob sa kanya.

Dumaan ang panahon at ang "Alan", ay naging "Ulan" na ang tawag ng ibang tao nito. At kapag umuulan ay maaalala nila si Alanya, na nakangiti, kahit na lagi na siyang nasasaktan at lumuluha. Hinahangaan siya ng kanilang mga kababayan dahil sa pagiging matatag, at mabait nito sa kanyang kapwa tao. Kaya naging isa na sa mga panahon ngayon ang "Tag-ulan", dahil kay Alanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alamat ng Tag-ulanWhere stories live. Discover now