Losing Him

21 0 0
                                    

Ano nga bang pakiramdam ng maiwan?

Sabi ng kaibigan ko hihintayin daw nya na dumating yung araw na ako naman yung

magmamakaawang huwag iwan.

Parang naging hobby ko na daw kasi iyon.

Ang mang-iwan.

Gaano nga ba talaga kasakit? Sobrang sakit ba talaga?

Well sino nga bang niloloko ko? Eh kaya nga ako na ang nang-iiwan kasi takot akong

maramdaman

ULIT ang maiwanan.

-------

Ganito kasi yun, nakilala ko sya sa isang bar.

Yep. Sa isang bar.

Tapos yun pala school mates kami dati.

Di ko sya kilala pero ako daw kilala nya ko.

We had a few drinks tapos sumayaw sa dance ng saglit then nag-aya na akong umuwi.

Well hindi naman kasi talaga ako party girl, I'm more of a work-home-sleep girl. Mga ganun.

Inooffer nya na ihatid ako, syempre pumayag ako, nakakatakot kaya magtaxi mag-isa.

Kinabukasan pumunta sya bahay na may dala dalang kung ano ano.

Yun pala ipagluluto nya ko, well hinayaan ko lang sya minsan lang kasi ako makatikim ng maayos na luto.

Tuloy tuloy na yun, everyday sya pumupunta after work nya tapos ipagluluto ako.

Syempre naging super close kami, nagkwento sya about sa work nya, sa family nya, sa dreams nya.

Tatlo silang magkakapatid, bunso sya.

He's a nutritionist, nung una nga napanganga ko kasi hello?! Nutritionist?! Hindi naman sa hinuhusgahan ko yung mga nutritionist dyan pero di lang talaga bagay sakanya.

No wonder magaling syang magluto.

Nalaman ko na his mother died when he was 18.

Breast cancer.

Nung napunta na sa topic na yun eh hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi hindi ako marunong magcomfort.

Kaya nagkwento na lang din ako, i told him about my parents, na I never met them and I grew up with my Lolo who passed away last year, na mag-isa na lang ako ngayon.

He  asked me if I was okay.

I was alright, I told him.

Our routine continued for six months.

One night, bigla syang dumating with a bunch of flowers in his hand and a huge teddy bear on the other.

His smile was creepy and halatang kinakabahan.

Natawa ako sa itsura nya, and I felt this overwhelming feeling.

Tinuloy nya yung panliligaw nya.

Super effort nga eh, kasi naman pupunta sya dito, ihahatid nya ko sa office tapos pupunta sya sa office nya.

Pinupuntahan nya din ako pag lunch time, pinagdadalhan ako ng food, tapos babalik sya sa office nya,

Kapag uwian na pupuntahan nya ulit ako sa office tapos ihahatid sa bahay, ipagluluto ako tapos tsaka pa lang sya uuwi.

Ang effort di'ba?

And it's not like ang lapit ng bahay nya sa bahay ko, ang bahay ko sa office ko, at nang office ko sa office nya.

Losing HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon