Chapter 3

60 2 0
                                    

Chapter 3

Dahil pinagttripan ako ni Gwen, makaganti man lang sa kanya, sa mamahaling resto ko sila dinala. Wala naman siyang reaction patuloy pa din ang kwentuhan nila.

"Rence, ikaw na mag order" Utos naman nito. Ayaw atang maputol kwentuhan nila.

Nag order nalang ako ng seafoods and steak, makabawi man lang pero mukhang hindi effective dahil dinagdagan pa nito ang order. Asa pa naman kasi, yaman yaman nun eh.

"So, hindi kayo close ni Rence? eh d b kaibigan nga siya nung bestfriend mo?" Pag usisa ni Gwendy dito, kahit alam naman niya ang totoo.

"Lately lang kami nagkakilala kaya HINDI" Inemphasize pa niya yung hindi asa naman gusto ko siya makaclose. Tumawa naman itong si Gwen.

"Stop it Gwen." kalmado kong saway dito.

"Bakit? My masama ba sa tanong ko?" Talagang inaasar lang ako nito. Kunwari pang walang alam eh.

"Ayaw mo lang malaman niya kasalanan mo." Pabulong bulong pa ni Aileen. Ngumisi naman itong si Gwen.

"Anong kasalanan niyan sayo?" Bumaling na ulit siya kay Aileen. At yung babaeng yun kwenento ung mga nangyari pero syempre bias sa kanya, patango tango pa itong Gwendy na ito.

Daming alam, eh tatanga tanga lang talaga siya, nag uulan na nakaharang sa daan at parang naglalakad sa buwan eh. Nagpaawa pa siya, kesyo pinagpuyatan niya daw yun at malaking part daw yun ng grades.

Alam kong may kasalanan ako pero alam niya din dapat na may pagkukulang siya sa nangyari. Hindi man lang nag-ingat at dapat nilagay man lang niya sa safe na lalagyan.

Kahit naman anong gawin niya, wala na yung plates niya at hindi ko siya matutulungan dun kasi wala akong alam dun.

Buti dumating na din yung pagkain namin, nagkkwentuhan pa din sila. Mga babae nga naman, hindi matigil kahit kumakain saka close na close na agad may papicture picture pa, pati ako dinadamay at minsan iniistorbo to take their picture.

Tumagal tuloy kami kumain. "Waiter, Bill out" Buti naman naisip ni Gwen na magbill out na, kala ko magtatagal pa kami dito eh.

Dumating ang waiter at inabot kay Gwen yung bill. Tiningnan naman ako nito si Aileen. Problema nitong babaeng ito.

"Share ko nga pala" Inabot niya kay Gwen ang 1000 peso bill. Tiningnan ito ni Gwen saka tumawa.

"Wag na. Treat ko ito noh"

"Eh, nakakahiya naman" Pagpupumilit pa din niya. Sabay titingin sa akin. Siguro iniisip nito kung bakit hindi man lang ako nag offer mag bayad.

Patuloy pa din ang kulitan nung dalawa, magbabayad lang eh pinapatagal pa. Iniwan na nga kami ng waiter eh, babalikan nalang daw niya.

"Tss. Kukulit niyo. Akin na nga" Hinablot ko ung bill at tinawag na yung waiter, inabot ko din yung credit card ko. Nakakaasar kasi ang pilitan nung dalawa eh, nakakairita lang.

After ko iabot yung card sa waiter eh napansin kong laglag panga nakatingin sa akin yung dalawa.

"Problema niyo?" Nakatanga pa din ang mga ito habang my mga hawak na cash. Mukhang mga baliw talaga.

Dumating na ang waiter at binalik na yung card at pinapirma ako sa mga receipt. Hindi pa din kumikibo yung dalawa. "Oh tara na" Saka ako tumayo.

Sumunod din naman sila sa akin. Hinabol pa ako nitong si Gwen. "Wait up Rence." Nilingon ko naman siya.

"Yep?"

Dealing with my EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon