Nang ma-inlove ang diwata

90 0 0
                                    

There was this young boy who kissed a beautiful young woman and promised to marry her someday. The circumstances? The woman fell inlove and promised herself that she will get him someday. Bakit? Dahil ang bata lang namang iyon ang kanyang first kiss at first love.

Lesson to be learned? Never kiss a girl just because she's beautiful. And don't make a promise to an enchanting fairy. The consequences? Your life. Or your lovelife.

PROLOGUE

“Bakit ka umiiyak?”

Napatigil siya sa pag-iyak nang matunghayan ang babaeng nakatayo sa harapan niya. Mabilis niyang pinahid ang mga nag-uunahang luha sa kanyang pisngi at matamang tiningnan ang babae. Mas matangkad ito sa kanya, maganda, at may bulaklak sa isang tainga.

            “Bakit ka umiiyak?” tanong ulit nito, sinulyapan ang patay na ibon sa harap ng batang lalaki.

            “Kasi kawawa naman siya,” tukoy niya sa ibon. “Baka hinahanap na s’ya ng mommy n’ya.”

            Kumunot ang noo nito. “Mommy?”

            “Sabi ni lola kapag daw umaalis ako ng bahay, hahanapin daw ako ni mommy. E sya hindi na sya makakabalik sa bahay nila. Hahanapin din sya ng mommy nya. Kawawa naman sila.”

            Humakbang ito papalapit sa kanya, umupo na nakapatong ang magka-ekis na braso sa mga tuhod at ngumiti sa kanya. “Ano’ng pangalan mo?”

            Tiningnan niya ito. Ang ganda-ganda talaga nito. Mas maganda pa sa crush niya sa school.

            “Louie.”

            Ngumiti ito sa kanya. “Louie?” anitong nililinaw ang kanyang pangalan. Tumango siya. “Wag ka nang malungkot, Louie.” Marahan nitong pinalis ang mga luha sa kanyang pisngi.

            Tiningnan niya ang mukha nito. “Ano’ng pangalan mo?”

            Hindi ito sumagot, ngumiti lang, kinuha ang bulaklak na nakasipit sa tainga nito at iniabot iyon sa kanya. “Heto.”

            Walang dalawang-isip na tinanggap niya iyon at tiningnan. Kamukha iyon ng mga bulaklak na dinidiligan araw-araw ng lola niya. Minsan pinagpipitas niya ang mga iyon kaya napagalitan siya.

            “Para sa’yo ‘yan. Para ‘wag ka ng malungkot.”

            “Baka mapagalitan ka din kasi pinitas mo ‘to.”

            Tumawa ito. Mas maganda talaga ito sa crush nya. Simula ngayon, ito na ang crush niya.

“Sino ang magagalit?”

“ ‘Yung lola mo.”

“Lola?” Bakit ba palagi na lang nitong inuulit ang mga sinasabi niya?

“ Yung nagtanim nito,” paliwanag niya. “Kasi noong pinitas ko dati ang mga ganito ni lola, nagalit siya. Kaya baka mapagalitan ka din.”

“Hindi siya magagalit.”

Ibinalik niya ang bulaklak dito. “Ayaw ko nito.”

“Hindi mo ba gusto? Marami pa ko niyan.”

Umiling siya at tiningnan ito. “Mas maganda ka kapag may ganito ka.”

Muli itong ngumiti. “Totoo?”

Nahihiya man, tumango siya at ibinalik ang bulaklak sa tainga nito. “Ang ganda-ganda mo.”

Tumawa ito habang inaayos ang pagkakasipit ng bulaklak. “Maganda ako?”

Tumango ulit siya. “Magandang-maganda. Ikaw na ang crush ko.”

“Crush?” tanong nito na parang hindi na naman siya naintindihan.

“Paglaki ko, pakakasalan kita.”

“Kung ganon gusto mo bang sumama sa akin?”

Saglit siyang natigilan. “Saan?”

“Sa magandang lugar na tiyak na magiging masaya ka.”

“Talaga?” tanong niya, nagniningning ang mga mata. Mabilis na tumango ang magandang babae. Bigla siyang napaisip. “Sabi kasi ni mommy ‘wag daw akong sumama sa hindi ko kilala. Sabi pati ni lola wag daw ako lumayo.”

“Malapit lang ang lugar na sinasabi ko. Siguradong magugustuhan mo doon.” Pangungumbinsi pa nito sa kanya.

“Gusto ko sana kaya lang hahanapin ako nina mommy.”

Napatingin ito sa nakahandusay na hayop. “Tulad niya?”

Sinundan niya ang mga mata nito at tumango.

“Ngunit sinabi mong pakakasalan mo ‘ko?”

“Oo nga. Paglaki ko”, sabi niyang proud pa. “Pakakasalan kita pag malaki na ko. Malaking-malaki.”

Minasdan nitong mabuti ang kanyang mukha at hinawakan ang isang kamay. “Kung ganon, hihintayin kita.”

Nang ma-inlove ang diwataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon