Chapter 5: Friends???

62 4 0
                                    

Isabelle POV

Nandito ako ngayon sa kusina namin. Hindi ko pa rin matanggap na hindi pa rin namin natalo si sunshine, patricia, at christina. Kahit mabait ako basta pagdating sa gusto ko ay dapat masusunod kahit gumawa pa ako ng masama o masaktan ang kapwa ko, wala akong pakialam, basta ang gusto ko sa susunod na laban namin ay kami na ang panalo. I have a plan, kakaibiganin namin sila sunshine at kukunin ang loob nila, tapos hihilingin namin na panalunin nalang kami.

Sasabihin ko ito kay Ash mamaya, pupunta kasi sya dito. Mamayang hapon ay pupunta naman kami sa mansion nila christina. Next next week na ang laban namin sa iba't ibang school.

Ding, dong,

tunog ng door bell yan

"Manang yung gate po" sabi ko.

Baka si ashley na yon.

Maya-maya ay may pumasok at si ashley nga iyon.

"Belle, bakit mo nga pala ako pinapunta dito ng ganito kaaga?" tanong ni ash. 6:00 in the morning ko talaga sya pinapunta dito, para dito na rin sya magbreakfast. '

"Dito ka nalang magbreakfast, umupo ka muna. After nating kumain, may sasabihin ako sa'yo." sabi ko.

"Okay" sabi nya saka umupo.

__________

Nandito na kami ngayon ni ash sa living room. Nanonood kami ng movie. Tapos na rin kaming kumain.

"Ah belle, ano nga pala yung sasabihin mo sa akin?" tanong ni ash.

"Yun ba? Kasi... ano.. ah" hindi ko masabi ang sasabihin ko, nakakahiya, sana hindi sya magalit.

"Ano kasi, pwede ba tayong makipagka--"

Kring......kring.....

Ano ba yan, pinutol pa ang sasabihin ko.

"Manang, yung telepono po" sigaw ko.

"Manang" ulit ko.

Pero wala pa ring sumasagot kaya tumayo na ako at kinuha yung telepono.

"Hello?"

"Si isabelle ba ito?" tanong sa kabilang linya.

"Ah, ako nga po, sino po sila?" tanong ko.

"Si teacher arra ito, pumunta muna kayo dito sa school" sabi ni ma'am arra.

"ah okay po, kami po ni ashley?" tanong ko.

"Oo kayong dalawa, may sasabihin lang kami.

"ah okay po papunta napo kami." sabi ko.

"Okay" sabi nya sabay baba ng phone.

"Sino yun?" tanong ni ash.

"Si ma'am arra, punta daw tayong school, may sasabihin sa atin" sabi ko.

"Okay, let's go" sabi nya, tumango naman ako.

________

Christina POV

Kakatapos lang namin kumain ni shine at ni pat. Naiinis nga ako kay pat, akala mong aagawan ng pagkain pero sya naman ang nang-agaw. Hindi nga kami nabusog.

"Ah tina, pupunta ba sila ashley dito? tanong ni shine.

"Ah oo" sagot ko.

"Mabait kaya sila?" tanong naman ni pat.

"Ang alam ko mabait sila" sagot ko.

"Nagbibigay kaya sila ng pagka-- Aww" binatukan sya ni shine. Minsan lang yan mangbatok, pero kapag binatukan ka nyan masakit. Haha.

The BestfriendsWhere stories live. Discover now