Lumipas pa ang ilang buwan, at dumating na nga ang pinakahihintay ni Eliza na araw--ang graduation niya sa college.
"Ms Elizabeth Fang, the Summa cum laude!"
Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha habang naglalakad papunta sa stage nang tawagin ang pangalan niya. Mangiyak-ngiyak pa siya nang iabot ang parangal sa kanya at ang pakipagkamay sa panauhing pagdangal ng araw na iyon, si Charles Buenviaje na malapad ang pagkakangiti sakanya.
Totoo ngang sa lahat ng paghihirap ay darating ang magandang resulta. Hindi biro ang paglalaros sakanya ng tadhana sa nakalipas na buwan. Nagkaroon ng kaguluhan sa fast food na pinagtatrabahuan niya dati. Nagsialisan ang ilang sa mga manager at kasamahan niya dahil sa pagbabago ng management. Napag-initan ang mga kasama niya pati siya, ginawan sila ng issue at binigyan ng dalawang option, magreresign o tatanggalin. That was the tough decision she ever made dahil nakasalalay doon ang pag-aaral niya. But she chose to resign, dahil sa natitirang pride niya. Ginawa na niya kasi ang lahat, kinausap niya na ang manager about sa pag-aaral niya pero tila bingi ito at hindi man lang siya pinakinggan.
She cried all her heart that night, at kinaumagahan nang magising siya ay may kumatok sa tirahan nila at hinahanap siya, It was a mailman at may inabot na envelope sakanya na padala para sakanya. Agad niya itong binuksan due to curiousity at ganon na lamang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang isang passbook at check book, mas nagulat pa siya dahil sakanya iyon nakapangalan. She called the courier that day dahil baka nagkamali lang pero sakanya raw talaga. She thanked God for that, dahil sobra-sobra ang laman ng passbook para sa balance niya sa school. Answered prayer kumbaga kaya tinanggap na lamang niya iyon.
Matapos ang ilang oras ay natapos na ang graduation ceremony. Agad silang umalis ng mga magulang niya at kumain sa Paelzas isang fine dining filipino cuisine restaurant, sa isang mall. Masayang-masaya siya ng araw na iyon, at hindi niya napapansin na nakatitig sakanya ang mga magulang na may malungkot na mga mata.
Kinabukasan ay maaga siyang nagising, balak niya kasing mag-apply agad ng trabaho para makaipon kaagad. Naabutan niya ang mga magulang na nasa kusina at seryosong nag-uusap, hindi na niya sana papansin iyon at didiretso sana ng banyo nang marinig niya ang pangalan niya.
"Matanda na tayo, dapat nang malaman ni Eliza ang lahat. Limang taon na rin." Wika ng nanay niya. Bigla siyang nakaramdam ng kaba dahil parang may nililihim ang mga ito.
"Paano ang señor at señora? Nangako tayong hindi ipagtatapat sakanya at itatago lamang siya sa abot ng ating makakaya!" Giit naman ng kanyang Tatay.
"Hindi ko na kaya! Nakita mo naman siguro si Sir Buenviaje? Ang mga tingin niya sa atin? Alam kong alam na niya ang tungkol kay señorita Eliza!"
Maraming katanungan ang namuo sa isipan niya. Gusto niya mang komprontahin ang mga ito ay hindi niya magawa, tila ba napako ang mga paa niya sa kanyang kinatatayuan. Ngunit isa ang mas nagpagulo sa isipan niya, bakit kilala ng mga ito si Sir Charles? Ang pagkakaalaala niya ay naging guest niya ito sa fast food na pinagtrabahuan niya. Ilang beses niya lang din ito nameet. Kaya bakit?
"Wala na akong pakialam! Sasabihin ko sa señorita ang totoo kahit pa magalit ang señora! May karapatang mabuhay si señorita Eliza, buhay niya iyon!" Iyan lang ang huli niyang narinig dahil bumalik na siya sa kanyang kwarto.
Naisip niya ding hindi na muna maghahanap ng trabaho at manatili na lamang sa bahay nila. Maghapon siyang nagkulong sa kwarto niya at lumabas lamang kung maliligo, kakain o tatawagin ng Nanay niya para magpatulong sa mga gawaing bahay. Hindi niya rin binanggit sa mga ito dahil natatakot siya sa maaaring malaman. Para bang hindi pa handa ang kalooban niya? O di kaya ay may mapait na katotohan siyang matuklasan.
Pasado alas tres na nang madaling araw nang magising siya dahil sa naramdamang uhaw. Dahan-dahan siyang naglakad at pumunta sa pintuan sa takot na makagawa ng ingay dahil baka magising ang kanyang Ama na sa sala natutulog. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto, ngunit natigilan siya nang makita sa tapat ng kwarto niya ang ilang armadong lalaki na nakatayo, bahagya siyang napatago nang may magsalita mula sa sala.
"Pinapainom niyo ba ang gamot sa anak ko?" Anito. Bahagyang binuksan ni Eliza nang kaunti ang pinto niya at lumuhod para hindi siya makita. Sumilip siya at nakita niya ang sopistikadang babae na naka-maroon na dress at wedge sandals na color gold. Puno ito ng palamuti sa katawan at may parang maliit na sumbrero sa ulo.
Bahagya pa siyang nagtakha dahil ano nga ba ang ginagawa ng mga estranghero sa bahay nila ng madaling araw.
"Opo señora." Dinig niyang boses ng kanyang Ina. Lalo siyang naguluhan, ito kaya ang señora na pinag-uusapan ng mga magulang kanina? At sino ang tinutukoy na anak nito?
"Mabuti kung ganon. Bantayan niyo maigi si Eliza at huwag hayaan na makalapit ang Charles na iyon. Hindi ako makapapayag na muli niyang gamitin ang anak ko para makuha ang aming kompanya." Dinig niyang sabi ng babae.
Information overload! Bakit parang malakas ang pakiramdam niya na may ugnayan sila ni Sir Charles? Bakit mukhang may tinatago talaga ang mga magulang niya o magulang nga niya ba talaga? At malakas din ang pakiramdam niya na ina niya ang estrangherong babae na bisita nila. Bakit ang gulo? Bakit ngayon niya lang nalaman ang lahat ng ito kung kailan kaka-graduate niya lang? Coincidence ba ang lahat o hindi?
Sa sobrang lalim ng iniisip niya ay hindi niya namalayan na wala na palang tao sa sala nila. Lumabas na siya ng kwarto at kumuha ng tubig. Hindi na siya nakatulog pagkatapos niyon kaya naisipan na lang niyang buksan ang laptop niya at i-search si Charles Buenviaje dahil talagang bumabagabag ito sa isipan niya.
Maraming lumabas sa ni-research niya sa google ngunit isang pangalan ang nakakuha ng atensyon niya kaya ito ang pinindot niya.
Charles Frederick Perez Buenviaje
Charles or Rick, born on August 10, 1988 at Melbourne, Australia. Residing in Sena, Metro City.
In year 2011, Buenviaje was got married to unknown woman, the day of their honeymoon happened a car accident that 'cause his wife her death. On the same year, he build his company and named after his late wife, the Paelzas, a filipino restaurant and because of his hard work and success, it was now Paelzas Foods Corporation that has many branches and different cuisines all over the country and in the world.
Natigil siya sa pagbabasa at hinilot ang batok niya. Ki-n-close niya ang window ng wikipedia at pinatay ang laptop. Hindi siya kuntento sa mga nabasa dahil more on success ang nandoon at walang about sa biography ni Charles.
She want to know the truth sa lahat ng mga narinig at nalaman niya.
She want to find it herself, at alam niyang si Charles ang susi non, dahil kapag nagtanong siya sa mga Magulang ay baka magsinungaling ang mga ito, ayaw din niyang kausapin ang babae kanina dahil parang mabigat ang loob niya doon. Kaya si Charles nalang.
Nakaisip siya agad ng plano, doon siya sa kompanya nito mag-aapply, kapag agad siyang tinanggap bukod sa pagiging summa cum laude niya, dahil iba ang field ng natapos niya ay ibig sabihin lang non ay may ugnayan talaga sila dati.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)
Kısa Hikaye"I knew I loved you since the day I was born, before the day I met you, 'til, the end of my life." I Knew I Loved You Before I Met You written by Heyembee All Rights Reserved ©heyembeestories, 2016