Monologo ng Isang Nunal

3.9K 146 94
                                    

 Ito ang huling habilin ng isang nunal na sa kasamaang palad ay wala na sa mundong ito

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 

Mona kung nababasa mo ito nais kong malaman mo, I understand.

My size could’ve been acceptable kung hindi nga lang ako tumubo a few millimeters below the left opening of your nose. Kay malas at namahay ako sa di tamang lugar. Ngayon, idedemolish na ang aking tahanan. Naalala ko tuloy nung tayo’y bata pa, ipinagtatanggol mo ako sa mga batang dumuduro-duro sa akin at tinatawag akong “langaw”. Lumipas ang panahon, nagbago ang lahat. Kasabay ng iyong pagdadalaga ay ang aking paglaki; Sixteen ka pa lang ay halos takpan ko na ang cute na butas ng iyong ilong. Worse, tinubuan ako ng balahibo.

Nang dahil sa akin, ang maganda mong mukha ay naging malungkutin. Dati may crush ka na napapansin ka lang ‘pag pinagkakatuwaan nila ako. Sanay ka na naman nun pero tao ka lang at may hangganan ang iyong pagtitiis. You felt you’re ugly. So when I heard of my upcoming banishment, inintindi kita, because being ugly is not being physically undesirable, rather, it is losing the ability to appreciate beauty due to low self-esteem. You must’ve been feeling so bad about yourself.

I’m sorry if I caused you so much pain and heartache. Eh kasi naman, mga mata lang ng Diyos ang walang diskriminasyon, ang mapanghusgang lipunang ito? Haay, umasa ka pa!

Pagkatapos ng operasyon mo at ako’y wala na, maari bang ugali mo naman ang iyong baguhin? At nang hindi ka na nila tawaging “inggeterang matsing na kung makapagsuplada ay akala mo kung sinong  maganda”. ‘Wag ka na rin masyadong feeling mayaman at mapangutya para magkaro’n ka naman ng kaibigan.

Hanggang dito na lang, this is your raisin/voodoo-bangaw/star-kulangot, now signing off. :C

Monologo ng Isang NunalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon