Ruined

29 1 2
                                    

[CHOI JI WOO]

10:30 na. Siguradong masesermonan ako nina Kuya.

Mas binilisan ko ang paglalakad. Tanaw na tanaw ko na yung gate ng village namin. Mas humigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko.

Sa totoo lang kasi, kanina pa ako nag-aalangang umuwi. Dapat kasi dun na lang ako sa Cafe namin natulog eh.

Kinakabahan ako sa sobrang dilim. Bakit ngayon pa walang ilaw dito sa labas?!

Ang lamig ng hangin atsaka sobrang tahimik at dilim din. Tanging ang ilaw lang ng poste ng gate ng village ang pinagmumulan ng konting liwanag. At ang masaklap dun, malayo-layo pa ang lalakarin ko.

Feeling ko may sumusunod sakin. Kaya lumingon ako sa likod ko.

Walang tao.

Feeling ko lang pala yun. Akala ko may sumusunod na sakin.

"Wag kang gagalaw." Napatigil ako sa paglalakad. At dahan-dahang nilingon kung saan ng galing yung boses.

"A-Anong kailangan mo?!" Takot na takot na tanong ko. Tae!!! May lalaking nakaitim at may balot yung mukha niya!

"Bigay mo sakin ang bag, wallet at cellphone mo!" Galit na sabi niya sabay tutok ng kutsilyo sa gilid ko. Nanghina ako ng marealize na matulis yung kutsilyo at kung di ko ibibigay ang kailangan niya, sasaksakin niya ako.

"Teka lang, Manong.. Wa-Wala akong cellphone.. Yung-Yung w-wallet ko.. Wa-walang laman.. Yung bag ko din.." Nauutal na pakiusap ko.

"Ibigay mo na sabi eh!" Atsaka pa niya binaon ng konti ang kutsilyo. Napa-aray ako at pakiramdam ko dumudugo na yung tagiliran ko ngayon.

"E-Eto na po.." Umiiyak na ako. Baka kasi patayin pa rin niya ako kung makita nyang walang laman yung wallet ko. Wala din kasi yung cellphone ko at naiwan ko pa dun sa Cafe.

"Ano to?! Puro pagkain to eh!!" Galit na sigaw niya sakin sabay hagis ng bag ko sa gilid. Galit na galit niya akong hinawakan sa braso ko atsaka ako kinaladkad papunta kung saan.

"Saan mo ko dadalhin?!" Nanginginig na tanong ko pero di niya ako sinagot kaya nagsimula na akong magpanic at sumigaw ng sumigaw.

"Tulong!!! Tulungan nyo ko!!" Sigaw ko, hinihiling na sana naririnig ako nung guard.

"Manahimik ka!" Atsaka niya ako sinampal ng malakas na dahilan kaya napasigaw ako. Feeling ko, tumagilid yung mukha ko. Atsaka may nalalasahan na din akong dugo kaya baka dumudugo na yung labi ko.

Tulong. Tulungan nyo ko, please.

"Tama na." Sabi ng isang misteryosong boses.

Nawala na ako sa katinuan nung mga oras na yun. Nakaupo na lang ako sa lapag habang nanghihinang pinipigilan ang pag-agos ng dugo sa gilid ko.

Ang alam ko lang, may nagliligtas sakin. Di ko alam kung sino. Pero, nagpapasalamat akong dumating sya.

Nakita ko na lang na bumagsak yung lalaki sa lupa atsaka ito mabilis na tumakbo palayo. Nilapitan naman ako nung nagligtas sakin atsaka ako marahan pero nanginginig na hinawakan sa mukha.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon