HCHM 65

3.9K 62 1
                                    

2 years after. 

Twinkle's. 

SECOND YEAR COLLEGE. Yes, second year college na kami. And guess what? Magkakasama kami sa iisang school. Kaming pito. Ang saya diba? Wala namang pinagbago, e. Ganun pa din kaming lahat. Yun nga lang, mas lalo kaming naging close sa isa't-isa. 

Sobrang saya namin nung nag-graduate kami two years ago. Hindi ko nga akalain na nag-graduate yung tatlong siraulo, e. Joke lang! Si Justine, sa ibang bansa sana mag-aaral kaso pinigilan ko siya. Mamimiss ko kasi siya. Isa din yun sa pinag-awayan namin ni Red! Yung pag-pigil ko kay Justine. Magkakasama kasi kami nung tatlo sa canteen. 

"Oy, Twinky. Sa America na ako magka-college. Iiwan na kita dito," nakangiting sabi sa akin ni Justine habang nakain siya. 

Napatingin ako sa kanya. "H-ha?" 

"Sa ibang bansa na ako papasok." Sabi niya. 

Nasa tabi ko si Red habang nakain. Nakatingin lang siya sa amin ni Justine habang nag-uusap kami. "B-bakit? Wag na, Singkit! Mamimiss kita e!" 

Yun lang ang sinabi ko! Nagulat na lang ako noon nang biglang tumayo si Red at bigla siyang umalis. Hindi ko sana siya hahabulin noon kasi pinagtulakan naman ako ni Justine. Kaya ayun, sinuyo ko na naman! 

Pero, habang patagal ng patagal, pa-sweet siya ng pa-sweet lalo. One year and three months na kami. O diba? Tagal na! Mas mahal na mahal ko siya ngayon. 

Hindi na ako sa kanila nakatira. Nag-rent na ako ng apartment ko pero sa village din na tinitirhan nina Red. Malayo-layo din sa bahay nila. Lagi din naman akong nasa kanila kaya walang kuwenta din ang bahay ko. Pero, dun naman ako natutulog sa bahay ko. 

Si Shine naman, okay lang siya. Baliw pa din. Nakakapagtaka nga, e. Lagi siyang nakadikit kay Harold, pero si Harold naman hindi pinapansin si Shine. Hindi ko alam kung bakit, e maganda naman ang kaibigan ko. Nung first year college ko napansin na laging nakadikit si Shine kay Harold. Eh nung highschool naman kami, minsan lang sila magpansinan. Nakita ko lang silang nag-uusap ay yung sa hagdan ng building namin. Ugh, basta ewan ko. Love story ko 'to. 

Masaya talaga kami. As in! Lagi kaming may pupuntahan, tapos lagi din kaming magkakasama kapag may party. Wala namang bago, e. Mas lalo lang talagang tumatag ang pagsasama naming magkakaibigan. 

BSBA ang course ko. Parehas pa din kami ni Shine. What's new? Lol. Yung lima naman, pare-parehas din ng course. Engineering ang course nong tatlo. Tapos si Justine at Red naman ay Architect. Marunong pala mag-drawing ang boyfriend kong yun. Idinrawing nga niya noon yung pangalan ko, e. Pero, doodle lang. At least! 

Nandito ako sa canteen ngayon at hinihintay ko si Red. Kanina pa kasi e! Isang linggo na ang nakalipas nang magsimula ang school. Anderson College University kami napasok. Kanina ko pa siya tini-text pero hindi siya nareply. Nasaan naman kaya yun? 

"Hi, Twinkle! Sinong hinihintay mo?" Biglang sulpot ni Zach sa harapan ko. 

His Crazy Hired MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon