"Lyssa! May assignment tayo ah? Bat di kayo gumagawa?" Sabi ko agkapasok na pagkapasok ko sa classroom habang hingal na hingal pa ako.
Tinitigan lang ako ni Lyssa. "Ako? Gagawa ng assignment? Di na dun, dude." Tas tinawanan lang nila ako.
Angagaling naman ng mga kaibigan ko. Jusme. Nagkakabagsak bagsak na sila, I DON'T CARE EH EH EH CARE ampeg.
"Chill lang, Keiantots! Trigo lang yan." Sabi ni Sharon na nagtetext. Psh. Si Jack lang naman kausap nun. Yung boypren nyang nasa sister school namin.
"Lakas nyong maka-lang ha. Ah bahala kayo. Magsasagot ako." Aba, kahit kaibigan ko sila, di ako gagaya sa mga gawain nila nu. :3 Ayokong bumagsak.
Umupo ako sa harap kasi mahirap yung susunod naming subject. Trigonometry. Gusto ko syang subject kaso nakakabweset yung prof namin. Napakabilis nyang magturo! Akala mo hinahabol lagi ng kabayo.
"Oy, Jessa! Paturo naman oh! Lesheng Trigo kasi to!" Sabi ko kay Jessa na katabi ko sa harapan. Nangangalahati na yung yellow paper nila sa sagot. Ako naman tong naintimidate, labas din ng yellow paper.
Takte, 15 mins before time! Gonna write fast!
"Oh eto oh! Dalian mo! Manghihiram din sila Angela sa likod." Tas binigay sakin ni Jessa yung scratch nya.
Harujusko! Pano ko mababasa to?! Puro bura, puro ekis. Anak ng kamote!
Must suffer, Keian. Dat kasi di ka nagpuyat sa kakaWattpad mo kagabi. Ayan. Wala kang HW ngayong umaga.
Kinalabit ko uli si Jessa at pinakita sa kanya yung magulo nyang scratch. "Pano ko to mababasa?! Anak ng! Puro itim nakikita ko eh-"
"Pwede ba? Ang ingay namane!"
Ay kalabaw. Nagulat naman ako. May biglang sumigaw.
Tumingin ako sa kaliwa kong katabi.
Si LuHan pala. Yung lalaking palaging tulog tas laging hawak yung Rubik's cube nya.
Kahit ganyan yan, sya top 1 ng buong college department. Ewan ko kung bat nya nagagawa yun. Gusto ko ng ganung talent. Kahit di magaral, okay lang. :D
"Sorry naman po. Nakakaistorbo ako."Medyo mataray kong sabi.
Kesa naman mapagalitan ulit ako ng masungit pero SOBRANG GWAPONG lalaking ito, pinilit ko na lang titigan ng mabuti yung sulat at ekis sa papel na binigay ni Jessa sakin.
Ansakit sa mata. Nakakabweset talaga! 10 mins nalang...
"Aish." Nadinig kong sabi ni LuHan. Inangat nya yung ulo nya mula sa lamesa. Naginat muna sya tas may kinuha sya sa bag nya. "Oyan. Nang dna duguin mata mo sa kakabasa ng ganyang scratch." Binigay nya sakin yung papel nya.
O___________O
Hala? Anong kalokohan to? Tinitigan ko lang yung papel na nasa kamay ko ngayon. Bat naman ako papakopyahin neto?
"Sige. Titigan mo lang yang papel. Baka matapos ka. Less than 10mins na lang." Cold nyang sabi habang nagbubuo sya ng Rubik's cube nya.
Sabi ko nga po. Ako ba nanghingi neto? -_- Kasi namane. Binilisan ko na lang pagsusulat ko.
I really can't help but wonder. Lalaki ba talaga tong si LuHan? Anganda ganda ng sulat eh! Kahit titigan mo sya, mukha syang babae. Ayoko na. Hahaha! Peste.
Ayon! Before time natapos ko na sya. Yehey! Magdiwang!
"Eto na oh. Maraming salamat. ^^" Nakangiti kong sabi sa kanya habang inaabot ko skanya yung papel nya.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Rubik's Cube (LuHan One Shot)
RomanceAll it takes is one simple toy. :)