#Fear 27: The Killer Ghost (NEM)
✙ (  ̄ー ̄)φ__ ✙
Gumagawa ng seatwork ang 2FA-Soki. Absent kasi ang ikalawa nilang propesor dahil nagkasakit iyon.
Kanina pa pinipigilan ni Nemsey ang pantog niya. Naiihi na kasi siya pero natatakot siyang pumunta sa CR mag-isa.
"Celine." Kinalabit niya ang kaibigan niyang nasa kabilang tabi ni Ree.
"Oh? Bakit?" Sagot naman nito. Pati si Ree ay nakatingin din sa kanya.
"Samahan mo'kong mag-CR." Anyaya niya sa isa sabay hawak sa pantog niya.
"Sasabog na yan, sasabog na yan." Pakanta pang tukso ni Ree nang nakangisi.
"Mukha mo sasabog dyan." Sinuntok niya ang braso nito tsaka sila tumayo ni Celine at lumabas sa classroom.
Hindi nila sinama si Xenzel dahil mahimbing ang tulog nito sa sariling armchair.
Nasa kalagitnaan na sila ng hallway nang biglang may mga yabag na tila tumatakbo palapit sa kanila.
"Oh Ree?" Tawag ni Celine sa lalaki.
"Samahan ko na kayo." Nakangiti itong pumagitna at umakbay sa kanilang dalawa.
"Seryoso ka?" Natatawang singit ni Nem.
"Ay hindi, nagju-joke lang ako. Funny diba?" Pamimilosopo nito.
Hinampas niya ito sa tiyan at tinawanan. Para kasi itong pinakain ng lemon dahil sa naging reaksiyon nito.
"Ang cute mo." Bigla niyang sabi dito.
"Alam ko, matagal na. Tsss." Kumindat pa ito.
"Ew. Yuck."
"Hahahaha!" –Celine "Tara pasok na tayo."
Syempre, nagpaiwan si Ree sa labas ng Ladies' CR. Sumama lang naman siya sa kanila para siguraduhing ligtas silang makakabalik sa classroom nila. Mabuti nang sigurado.
Naunang pumasok sa pinakaunang stall si Celine. Mayroon kasing limang toilet stalls sa CR na 'yon.
Tinignan ni Nem ang stall na katabi ni Celine pero occupied iyon. Yung sunod na dalawang stalls naman ay under maintenance. Pumunta siya sa panghuli at nakita niyang clogged ang inodoro doon.
"Tsk. Anlalamya naman maglinis ng janitors dito." Reklamo niya at saktong lumabas na din si Celine sa stall na pinasukan nito.
"Oh? Ba't nakatayo ka pa diyan?" Tanong nito sa kanya.
"Walang space eh." Agad siyang pumunta doon sa pinanggalingan ni Celine at dun na niya inilabas ang lahat ng ihing kanina pa niya pinipigilan. "Haay shalamat."
Bigla siyang napahinto nang maramdaman niyang sobrang tahimik bigla ng CR. Kahit tunog ng isang patak ng tubig ay wala talaga.
"Dead...air..."
Nagtaka pa siya lalo nang maalala niyang may tao sa katabi niyang stall.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...