Best Friends

997 19 9
                                    

Someone who understand me and help me inside out,And helps keep me together and believes without a doubt.

---one friend left

"Every now and then we found a special friend,Who never let us down.."hinayaan ko nalang sila Marjerie at Ericka sa pagkanta,Nakakatuwang isipin na almost eight years na kaming mag-kakaibigan.

May Ups and Downs,Matagal na tampuhan,Matagal na tawanan,Pero eto kami may matagal nang samahan.

Nag-videoke kami ngayon dahil broken hearted si Marj,Nakipag-break kasi sa kanya yung Three months niyang naging boyfriend na si Cedrick sa di malamang dahilan.

Actually binigyan naman daw siya nang dahilan,Ang walang kamatayang "I need space" Ang sarap sipain.

Space daw ang hinahanap,Eh iisa lang ang pinagtatrabahuhan naming kumpanya,At nasa isang office lang kami,Goodluck naman sa space nilang dalawa diba.

Sinabi ko nga sa kanya baka may third party,Ganun din daw ang kutob niya.

"Shen! Lapit kana mag Twenty five ah! San tayo?" paalala sa akin ni Ericka.

"Sa dati parin" sabi ko.

Nag-ok siya at bumalik na muli sa pagkanta,Si Marj naman di rin nagpapatinag,Mabuti nalang talaga at dalawa ang mic dito,Kung hindi mag-aagawan yung dalawang yan.

Nagvibrate yung Cellphone ni Ericka kaya't kinuha ko upang tingnan.

Di ko sinasadayang ma-buksan ang message sa kanya.

From: C

I'm on my way,Sana makuha ko na yung oo mo. I love you.

Natawa ako,May love life na pala itong si Ericka. Hindi nagsasabi.

"Ericka nagtex na yung boyfriend mo!" nakangiti kong sinabi.

Agad siyang humarap at inagaw sa akin yung phone niya.

"Hala may love life ka na pala! Di mo shine-share?" dagdag ni Marj.

"Ha? Hindi wala ito" itinago niya na muli yung cellphone niya sa bulsa.

Pagkatapos nang bonding namin,Hindi sumabay sa amin si Ericka pauwi,Iisang way lang kasi kami.

Sabi niya,She have to buy something daw,Ayaw magpasama at pinilit kaming umuwi,Hinatid pa talaga kami sa sakayan.

If i know makikipagkita lang siya dun sa nagtex sa kanya.

Napaka-mahiyain talaga niyan pagdating sa lovelife niya,Hindi siya pala-Kwento at nag-oopen up tungkol dun,Actually kahit sa parents niya di niya sinasabi,Katulad nung past relationship niya,Naging-two years na sila,Bago namin nalaman at katulad ng ibang relasyon natapos din.

Noong-una nagtampo kami,Kalaunan..

Naintindihan narin namin siya kahit ganun lang kasimple at ka-non sense ang dahilan niya,Kasi kaibigan namin siya at yun ang simpleng sagot naman namin.

At tsaka nangako siya na kapag natagpuan niya na yung lalakeng panghabangbuhay,Kami ang unang makakaalam at makakakilala.

Kinabukasan sa office..

"Andyan na yung Ex mo!" bulong ko kay Marj.

"I think NASA could give him more space,He shouldn't be working here" parinig ni Marj.

"Uy tama na!" pagpigil ko "Ano ka ba,Madaming space dito,Space bar" bawi ko rin,Pero mahina lang naman,Di kami pinansin nung lalake,Tuloy tuloy na naglakad sa area niya,Makita kita ko umiiyak na si Marjerie.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Best FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon