#Fear 27-Pt.2: The Killer Ghost (XEN)
✙ Xenzel's POV ✙
Lumabas na kaming mga tapos na sa seatwork na pinagawa ng absent naming prof.
Seatmate ko pa rin si Zypher pero gaya ng inaasahan ko, hindi na niya'ko kinakausap at kinukulit. Yung Tuesday-and-Thursday-Syndrome niya, ganun. Napakatahimik niya at parang mangangain kung kakausapin.
Buti nga para matahimik na rin ako sa wakas.
Naglalakad ako palapit sa elevator. Hahanapin ko sina Nem. Nakatulog kasi ako kanina at hindi ko napansing umalis pala sila. Hindi ko naman matanong si Zypher kasi FO na kami. Friendship Over.
"Haay uso kaya magreply noh." Sabi ko sa phone ko na parang tanga. Hindi kasi nagrereply sina Nem at Celine eh.
My phone suddely rang. Dad's calling.
"Hello, dad?" Nakangiti kong sagot. Na-miss ko na rin itong daddy ko.
["Xenzel, hija. Kumusta ka diyan?"] Mahinahon lang ang boses niya.
"Okay naman po ako, wag kayong mag-alala."
["Mabuti naman. Oo nga pala, nahatid na daw ni kuya Johnny sa Zenith Dormitory yung laptop mo."]
"Yeeeyyy! Thanks dad!" Nakabungisngis kong tili sabay bahagyang talun-talon.
Nagrequest kasi ako sa kanyang bilhan niya'ko ng laptop na gagamitin ko sa paggawa ng homeworks at projects. Tsaka para na rin maaliw ako sa dorm. Mag-isa lang kasi ako sa kwarto ko since pinili ko ang room na para lang sa isang tao. Ayoko nang magkaroon ulit ng roommate. Mamaya multo na naman yun—or worse, rapist o killer pa.
["You're welcome, hija. Mag-ingat ka diyan, okay? Pakabait ka. Nangako ka sa'min ng mama mo."] Paalala niya.
"Opo naman. Hindi ko yun kinakalimutan."
["Mabuti kung ganun. Sige hija, ingat. Bye."]
"Okay dad! Kayo din, ingat! Bye po!"
Nakangiti kong ibinaba yung phone ko at biglang—
"WAAAAHHHHH!!!" Ptangina nadulas ako! "Aray—shit!" Mura ko matapos kong bumagsak sa sahig!
Yung pwet ko! Leche! Flat na nga dinagdagan pa!
Nakangiwi at dahan-dahan akong tumayo.
"Oh fck!" Umusog ako nang umusog hanggang sa napadikit na yung likod ko sa pader!
May dugo sa sahig! Dun ako nadulas!
Takot kong sinundan ng tingin ang trail ng dugong nakakalat sa sahig. Mahaba iyon...
Papunta iyon sa...isang classroom.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romantizm"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...