Noong bata pa lamang ako magkasundong magkasundo tayo, bihira mo ko pagalitan. Daddy's girl pa nga ako noon eh. Ikaw kasi yung nag aalaga sakin noong bata pa lamang ako dahil si Mommy ang nagtatrabaho. Palagi tayong tatlo ng kapatid ko ang magkakasama, sa pagpasyal, pagnuod ng mga palabas at sa pagkain.
Hindi mo pinaparamdam samin ng kapatid ko na mayroon kang paborito saming dalawa. Lahat ng gusto ko ibinibigay mo, laruan man yan o damit. Sabi ko pa nga dati ikaw yung best Daddy ever.
Dahil sa taghirap tayo noon kinailangan mong magtrabaho sa ibang bansa bilang chef sa barko. Nagresign na din si Mommy sa trabaho nya dahil walang mag aalaga samin ng kapatid ko. Iyak ako ng iyak ng umalis ka kasi malalayo kana samin ng kapatid ko. Pero sabi mo sakin para naman yun samin ng kapatid ko para sa pag aaral namin. Nagpromise ka sakin na sa private school ako mag aaral ng Junior High.
Lumipas ang dalawang taon ay naging close kami ni Mommy. Akala ko pag uwi mo ay mas magiging ayos ang lahat. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay ng makauwi ka nag away kayo ni Mommy. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kayo nag aaway ni Mommy gusto ko sana magtanong pero natakot ako ng makita kitang galit at sinasaktan si Mommy. Niyakap ko nalang ang aking kapatid at sabay kaming umiyak. Umalis ka at naiwang naiyak si Mommy nilapitan namin sya ng kapatid ko at niyakap. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay naging madalas na kayo mag away ni Mommy bihira ka na rin umuwi samin.
Pagkalipas ng ilang buwan ay hindi kana umuuwi. Nagstay kami nila Mommy kila Lolo at Lola. Hindi ko parin alam ang nangyayari sa inyong dalawa. Kapag nagtatanong naman ako ay hindi ako sinasagot nila Lola sa halip ay binabago nila ang topic, para bagang iniiwasan nila ang aking tanong.
Isang beses habang naglalaro ako ay umuwi ka natutuwa ako nun kaya naman umuwi din agad ako. Ngunit hindi ka pa manlang nakakaisang oras sa loob ng bahay ay lumabas ka rin agad. Si Mommy lang ang naiwan sa bahay kaya lumabas nalang ulit ako para maglaro. Pagkauwi ko ulit ay kinausap ako ni Lola sinabi nya sakin ang nagyayari at doon ko lang naintindihan ang lahat.
Kinabukasan ng maiwan ako mag isa sa bahay ay kinausap mo ko. Tinanong mo kung kanino ako sasama kung sayo ba o kay Mommy. Hindi kita sinagot nun sa halip ay tinanong kita "Hindi mo na ba mahal si Mommy?" nagulat sya sakin pero hindi nya ko sinagot at dahil doon napaiyak ako. Agad akong lumabas ng bahay pumunta sa lugar kung saan palagi kami nakatambay ng mga kalaro ko.
Lumayo ang loob ko sa Daddy ko gayundin sa lahat ng nakapaligid sakin. Naging cold ang pakikitungo ko sa kanila, kung dati ayoko ng mag isa ngayon mas gusto ko na nag iisa ako. Naging masungit at tahimik ako, si Daddy naman ay hindi na muling umuwi sa bahay. Hanggang sa dumating ang araw ng graduation ko. Sya ang sumibay sakin akala ko ay nakalimutan na nya ako pero andun sya at sinuportahan ako.
Akala ko okay na subalit nagkamali ako. Nang tumungtong ako ng Junior High bigla syang bumalik samin. Kung kelan okay na ako tsaka sya bumalik samin, kung kelan nasanay na ko na wala sya. Habang tumatagal na kasama ko sya doon ko nakita na malaki ang pinagbago nya. At hindi nya tinupad yung promise nya sakin.
Palagi na nya kong napapagalitan kahit na wala akong ginagawang masama. Pinaramdam mo sakin kung gaano mo kapaborito ang aking kapatid. Nanliit ang tingin ko sa sarili ko kasabay naman nun ay nagpursige ako sa pag aaral para maging proud ka sakin.
Noong grade 8 ako naging Top 9 ako tuwang tuwa kong sinabi iyon sa iyo ngunit parang wala lang iyon sayo. Nasaktan ako sa pinakita mong yon sakin. Pero isinantabi ko yung sakit na yun. Nang grade 9 at grade 10 na ako ay doon ko lalong nakita na laki ng iyong ipinagbago sa pakikitungo sakin. Isang beses ay nalate ako ng uwi dahil may groupings kami pinagalitan mo ko nun at ipinahiya sa ninang ng kapatid ko. Sinabi mo sa harap ng ninang ng kapatid ko na wala akong mararating, at magiging pokpok nalang ako sa kalsada. Sinabi mo rin na mag asawa na ako at magtrabaho dahil pabigat na ko senyo. Ngumiti lang ako sayo nun at sinabing "Ang taas ng pangarap ko para sa sarili ko at para sa inyo" hindi mo nagustuhan yung sagot ko kaya sinampiga at sinabunutan mo ko nun. Napaluha nalang ako dahil sa sakit at ng binitawan mo ko ay lumabas ako papunta sa mga Lolo ko.
Doon ako naglagi at doon na rin ako tumira. Hindi ko sinabi sa mga Lolo at Lola ang ginawa mong pagpapahiya sakin. Sinarili ko yon kaya palagi akong iyak ng iyak sa gabi ng hindi nalalaman ng mga Lola. Pero isang gabi nakita ako ni Lola na umiiyak tinanong nya ko kung bakit, at sinabi ko yun sa kanya. At dahil doon gumaan ang pakiramdam ko, sinabi sakin ni Lola na wag akong makikinig sayo kundi sa kanya lang. Si Lola na ang nagpaaral sakin.
Ngayong grade 11 na ko ganun parin ang pakikitungo mo sakin. Walang kwentang anak, pabigat, at walang mararating sa buhay. Gusto ko ng sumuko dahil pagod na pagod na kong ipakita sayo na mali ka sa tingin mo sakin. Pero naisip ko na isa kalang challenge sakin ni God at kaya kong ipakita sayo na kaya kong makapagtapos ng pag aaral at hinding hindi ako magiging pokpok sa kalsada. Kahit na ang sakit sakit na magiging matatag lang ako. Gusto kong maging proud ka sakin pagdating ng tamang panahon. Kahit na may galit ako sayo ama parin kita at anak mo parin ako.
Noong nakaraang Father's Day inggit na inggit ako sa mga nagge greet sa mga Tatay nila. Kasi sila may Tatay na may pake sa kanila. Ikaw anjan ka nga bilang Tatay ko pero parang wala din, kasi hindi mo pinaparamdam na anjan ka bilang ama ko. Mas naging ama ko pa ang Lolo kesa sayo. Sana dumating na yung panahon na magkaroon kana ng pake sakin. Dahil ang kabigtaran ng pagmamahal ang walang pake.