I had a dream

12 0 1
                                    

I Had a Dream

By: LeeAnne02

I had a dream, ako at s'ya, masayang magkasama.

Magkayakap habang pinapakiramdaman ang tibok ng puso. Magkasamang pinapanood ang papalubog na araw habang magkahawak ang mga kamay. Walang bumibitaw. Pero lahat ng iyun ay naglaho..

Sana hindi nalang ako nagising.

"Pare, tama na lasing kana." Pigil sakin ni Luke ng pilit kong itungga ang isang bote ng beer.

"Last na 'to pre." Pagkasabi ko agad naman niyang binitawan kaya malaya na akong nakainum. Bahagya akong napapikit ng maramdaman ko ang pagdaloy nito sa aking lalamunan.

Pagmulat ng mga mata, agad nakita ang nag-aala nyang tingin sa akin. Kahit hindi ko sabihin alam kong alam na nya ang problema ko. We're been friends for years kaya lahat ng sekreto, problema ko alam nya.

"Napanaginipan mo nanaman ba sya?" Nakatitig lang ako sa hawak kong bote, ayaw kong tumingin sa kanya, ayokong makita na kinaaawaan ako. Dahil para sa akin hindi ko yun deserve.

"Pagkatapos kong ubusin 'to aalis na ako, pasensya sa abala." Lumagok akong muli sa boteng hawak.

"Dito kana matulog pare, umuulan delikado nang bumayahe. Wag mong isipin na nakakaabala ka, kaibigan kita.."

Kahit sabihin nyang hindi ako nakakaabala, alam kong masyado ko na sya nadadamay sa problema ko, sila ng asawa nya.

"Wag na pre, hindi naman kalakasan, titigil din yan mamaya. Nahihiya na rin ako sainyo ng asawa mo, nadadamay pa kayo sa problema ko."

Sa tuwing napapanaginipan ko sya, dito ako sa kanila pumupunta. Kahit gabing gabi na willing at bukas ang bahay nila para sa akin. Nandyan sila para damayan ako.

Limang buwan na rin ang nakalipas nang mangyari ang trahedyang yun. Isang pagkakamaling pinagsisisihan ko hanggang ngayon, isang bangungot na babaunin ko hanggang sa huling hininga ko.

Kung pwede lang bumalik sa oras na yun, kung may time machine lang na makakapagpabalik sa akin upang maitama, kahit kapalit pa ang buhay ko gagawin ko.

"Hindi ka ba talaga mapipigilan Miyo? Gabing gabi na kahit sabihin mong tumila na ang ulan delikado parin, madulas ang daan nakainom kapa. Dito ka na matulog madami naman kaming guest room."

"Hindi na Abby, salamat nalang may dadaanan pa kasi ako."

Bumaling ang tingin ko sa asawa nya.

"Luke, alis na ko. Patulugin mo na tong asawa mo, masamang magpuyat ang buntis. Naku kawawa naman ang inaanak ko napupuyat dahil sa nanay. Sige, alis na ko.. salamat." Ngumiti ako sa kanila at pinaandar na ang kotse ko.

Kahit nakasimangot kita ko ang pagkaway bilang pagpaalam ni Abby habang ang asawa nakayakap sa bewang nya.

Habang papalayo unti-unting nawawala ang ngiti ko at bumakas ang lungkot sa mukha.

Bumalik sa alaala ko ang nakaraan, nang kami ay college pa.

Magkaibigan kaming tatlo, noon pa man ay mahal na sya ni Luke pero dahil kaibigan namin naduwag siya. Lagi ko syang tinutukso na torpe dahil hindi nya magawang umamin dito. Hindi ko noon maunawaan ang mga dahilan nya kahit pilit nya sakin ipaintindi. Pinagtatawanan ko sya, sa inis nya nasabi nya sakin na dadating din daw ang panahon na maiintindihan ko sya.

Nangyari nga ang sinabi nya. 2nd year kami no'n ng may isang tranfer student, dahil bago wala pa syang kaibigan. Nagulat nalang kami isang araw pinakilala sya samin ni Abby bilang bago naming kaibigan. Hindi kami tumutol, mabait sya at tahimik no'ng una pero nang nagtagal naging madaldal, kalog at pasaway. Madali syang naging komportable sa amin at kami din sa kanya.

Hanggang sa unti-unti, hindi ko namalayan mahal ko na pala sya. Lagi ko syang inaalala, mula umaga hanggang sa pagtulog sya ang nasa isip ko, ang bilis ng tibok ng puso ko tuwing nagkakalapit kami. Hindi ko kayang hindi sya makita, ang kanyang maamong mukha, mga ngiting nakakahawa at mga matang misteryoso at puno ng emosyon. Sa kanya ko naranasan ang mga bagong emosyong naramdaman.

Naunawaan ko na ang nararamdaman ni Luke. Ang takot na sumugal. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin. Ayokong umiwas at lumayo sya sakin, mawawala sya kung sakaling magkamali ako. Masaya naman eh. Masaya kaming magkakaibigan. Okey lang. Masaya ako kahit isang kaibigan lang.

Nakita ko kung paano nadurog ang puso ni Luke ng malaman na may boyfriend na si Abby, he tried to kill himself. My heartbeats almost stop. Paano kung sya naman, kakayanin ko kaya? Kailangan ko iligtas ang sarili ko habang maaga pa.

I courted one of prettiest girl in our campus to deprive my feelings. To my suprise she said yes. My friend congrats me, masaya sila lalo na sya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat masaya ako diba?

God knows how much I tried but I failed. We broke up easily, no hard feeling. Dapat malungkot ako diba? Pero hindi.

Fourth year na kami, minabuti ko nalang mag-aral ng mabuti. Wala paring nagbago sa friendship naming apat, pero kami mismo hindi mapagkakaila ang pagbabago. Si Luke naging sakit sa ulo namin dahil sa pagiging pasaway sa mga babae, Abby broke up her boyfriend hindi namin alam ang dahilan pero bakas parin ang sakit sa kanya, Si.. Fiey naman may manliligaw at nagbabalak na syang sagutin ito. Habang ako naging manhid na magfocus nalang sa pag-aaral. I'm running cum laude by the way.

One day habang nasa kalagitnaan kami ng klase, I recieved one call, my father was in coma. Habang nasa Canada sya para ayusin ang negosyo namin dun nangyari ang hindi inaasahang putok ng baril, nabaril si papa sa ulo. Nasa business meeting sya no'n, hindi daw dapat sya, hindi sya ang puntirya pero sya ang natamaan. Agad kaming lumuwas, hindi ko na magawang magpaalam sa mga kaibigan ko. Hindi ko na din nakuhang kontakin sila dahil sa sunod-sunod na nangyari. My father died and my mother die after a month because of depression. She killed herself.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, sobra akong nagulantang sa mga nangyari, bakit nangyari sa akin sa amin ito? Bakit kami pa? Ano nang gagawin ko? Paano na ako?

Dumating sa punto na naisip ko na ding magpakamatay pero hindi ko magawa, ayokong gayahin si mama. Dalawang taon akong nagluksa sa pagkawala nila. Buti nalang nandun ang mga kamag-anak ko. Si tito muna ang nangalaga sa negosyo na naiwan ni papa. Kasi hindi ko pa kaya. Isang araw nagising nalang ako hindi pa tapos ang buhay, babagon ako para sa sarili ko, para sa mga nagmamahal sa akin at sa negosyong pinaghirapan ni papa. Para sa pamilya ko.. sa mga kaibigan ko... bigla ko silang naalala..

Pinagpatuloy ko ang pag-aaral. Nakaraduate ako, unti unti kong inayos muli ang sarli ko, ako na ang namahala sa negosyo namin.

Hinanda ko ang sarili ko sa muli kong pagbabalik sa Pinas.

Pagbalik ko ang dami ng nagbago...

Paglapag ng eroplano sa NAIA binalot na agad ako nang kaba. Kaba na baka galit ang mga kaibigan ko dahil hindi ko manlang nagawang magpaalam sa kanila, kaba dahil baka mahirapan na akong makapasok sa mga pagbabago.

Alam kong madami nang pagbabago ang nangyari simula ng mawala ako pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa na sana bigyan ako pagkakataon na maging totoo na sa nararamdaman ko, sa dami ng pinagdaan ko, madami na akong natutunan. Na pahalagahan ang mga bagay na meron dahil nasa huli ang pagsisisi.

I Had A Dream [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon