ImTheRocketeer Short Story**
Strictly Prohibited
by ImTheRocketeer
This is how my story goes...
Sa una, di ko aakalain na mai-inlove ako sa gaya niya. Pero sa totoo lang, hindi naman ito ang unang pagkakataon. Hindi naman masamang magkaroon ng pag-hanga sa tulad niya, di ba? Kaso, ang tingin ng iba sa nararamdaman ko ay "bawal". In other words, "Forbidden Love" ika nga. Sabi naman ng ilan, kapag tinamaan ka na ng "pag-ibig" wala ka nang magagawa. Parang sa sitwasyon ko ngayon, inlove ako sa professor ko.
"Saludes, Mary Joyce"
"Present po!"
"Socho, Rosevie"
"Nandito po!"
"Sebastiano, Zoey Corazon"
Matapos matawag ang pangalan ko, mga tatlong segundo muna ang dumaan bago ako bumalik sa ulirat no'ng kinakalabit na ako ng katabi ko.
"Huy Zoey!Tinatawag ka na! Huy!" sabay kurot niya sa tagiliran ko.
"Sebas--"
"Ay Sir! Present po." sa sobrang taranta, napatayo at napataas ako ng kamay. Napatingin sa akin ang buong klase kaya naman dahan-dahan akong umupo na nakayuko dala ng sobrang kahihiyan. Bakit ko pa kasi siya tinititigan? Sabagay, hanggang tingin lang naman ako sa kanya..
Nagpatuloy na si Sir Fred Ancuevas sa paga-attendance sa buong section..
"Pinagnanasaan mo si Sir no? Iba ang mga tingin mo sa kanya habang nagtuturo siya. Bakit sa dinami daming lalake dito sa mundo, professor pa natin?" pangungulit sa akin ng best friend ko.
"Alam mo Joey, kapag tinamaan ka ng pag-ibig talagang sapul na sapul ka. Wala ka nang magagawa kundi sundin ito!" sabay turo sa kaliwang dibdib ko.
"Alam ko na yan Best pero ang CORNY MO EH! At hello!? Ilang taon na si Sir kumpara sa'yo no." napaka-hopeless ng best friend ko.
"C'mon! 4 na taon lang naman no! Tsaka age dosen't matter. Pag-ibig nga e!" pagkontra ko sa kanya.
"Okay fine. Inlove na kung inlove ka. Pero sa tingin mo tama yang nararamdaman mo? Best, alam mong "BAWAL" *with hand gestures* ang love affair sa mga instructors sa stundents, di ba? So, don't make asa because the more you nga-nga." sabay kagat niya ng sandwich at binigyan ako ng masamang tingin.
Wala e. Kapag ganitong usapan, (same topic) lagi na lang ako natatameme. Best friend ko na nagsalita. At the first place, alam ko namang mali 'to pero mapipigilan ko ba? Ang hirap rin namang biglain kasi ako rin yung masasaktan. Halos araw araw ko siyang nakikita kaya ang hirap na hindi siya gustuhin. Kayo kaya na makita ang crush mo araw araw, hindi ka kaya mamatay sa sobrang kilig non?
I logged on to my facebook account.
/"Pwede ba ang student-teacher affair!?"/ kahit alam ko naman ang sagot sa tanong ko, ini-status ko pa rin siya. E sa wala talagang napasok sa isip ko e. Naiinis ako kung bakit naging teacher ko pa kasi siya. Sana kasi stranger na lang siya..
*POP UP*
May nag-like at nagcomment back sa pinost ko.
/"Ano ba yan? Tag-landi na naman, girl?"/ walang sense.
/"Hindi pwede!"/ napaka-KJ na comment na nabasa ko sa buong buhay ko. Azar!
/"Hmmm. Sino yan? Nakakaintriga."/
Hanggang sa napatulala na lang ako sa huling comment. Di ko akalaing papansinin ni Sir Fred ang status ko. Di ko maiwasang mapangiti at sa tingin ko namumula na ko.
/"Haha! Wala po Sir. Joke joke lang. Hehe"/ nagcomment back ako pero deep inside ang gusto kong sabihin "Sir, ang totoo niyan kayo po ang nasa status ko." pero HINDI PWEDE! Hindi niya pwedeng malaman yung feelings ko. Ano na lang sasabihin niya no?! Nakakahiya.
Ilang buwan na rin ang lumipas noon. Sa pagtagal ng panahon mas lalong lumala ang paghanga ko sa kanya. Tipong konti na lang, stalker na ang tawag sa akin, halos lahat kasi ng gusto at ayaw niya inaalam ko. Parang kaya ko nang fill up-an ang biodata niya *exaggeration*. Buti na lang may nabasa ako sa twitter na "kapag pangit, stalker. Kapag maganda/pogi, admirer" kaya I consider myself as an admirer niya. Haha! #Medyobadgirl
Nagkaroon ako ng masasayang araw. Ewan ko ba, in some cases and situations kasi parang may gusto na rin siya sa akin *assuming* at nasesense na rin ng mga classmates ko yun pero syempre feelingera ako kaya ganun ang nafi-feel ko. Kaya ko rin naman nafeel yun kasi may mga actions siyang ginagawa na nami-misunderstood ko kaya eto, ASSUMERA na. Masakit, pero yon ang totoo.
Pero netong huling mga linggo parang hindi niya na ako pinapansin kahit sa facebook (actually, sa facebook lang kami nakakapagusap like school stuffs). Ngayon yung mga pinopost niya e parang masaya siya kasi may crush/special someone daw siya. Yung moment na nababasa ko yon, nalulungkot ako. At habang nagsesenti ako no'n, naalala ko yung sinabi ng best friend ko sa akin na "don't make asa because the more you nga-nga" at eto na nga yun, NGA-NGA ang peg ko.
Ngayong matatapos na ang semester. Pwede na rin siguro matapos 'to no? Grabe rin naman kasi ang ginawa niya sa buhay ko e. Pinasaya at pinalungkot niya ako. Kumbaga, binigyan niya ng tag-araw at tag-ulan ang ilang buwan na pagkakaroon ko ng pagtingin sa kanya at sa kabila naman ng lahat nagpapasalamat pa rin naman ako kasi siya yung naging motivation at inspiration ko sa pagaaral. Nakakagana kayang magaral at magreview kapag siya ang instructor mo no!
Sa muli namin sigurong pagkikita o simpleng magkasalubong sa hallway, sana wala na akong maramdaman at sana kaya ko nang tumingin sa kanya ng diretso na hindi ko nagawa. :)
-Fin-