Luhang pinipilit kumawala sa mga mga matang libo libong emosyon ang humuhulma sa sariling katauhang binuo na ng panahon.Binabalot ng kadiliman ang utak na binigyang liwanag, na nagsilbing magulang sa mga araw na hayok sa gatas at pagmamahal ng isang musmos na bata sa musmos ring pagkakataon.
Naghasik, nagliyab ng kakaibang apoy sa kanyang damdamin, hindi na nga sang ayon ang puso sa ginugusto ng kanyang sariling pagkatao,
wari ay naglalaban ito na animo'y kagalakan ng isa ang kanyang tagumpay. Umiikot na ang kanyang mundo sa mga matataas na tao, matataas na hindi maabot na kahit sino man, matataas na hindi na yuyuko para sa kahit na sino man.
Respeto sa kapwa ay hindi na mahalaga, pag ibig sa kapwa ay pinaglaho na, nilamon ang mga salitang kailanman ay hindi na ang "pag ibig na walang hanggan" kundi "pag ibig ay pinagtibay ngunit para lamang sa kahapon".Sinisikap burahin ng maskara ang sakit at kirot ng habang sa agos nitong luha ay pag ibig hindi na nga madarama talaga.
BINABASA MO ANG
Tibok Ng Damdamin
AcakWag kang mag expect, mabibigo ka lang tsk tsk Alam ko namang sa una lang masaya pero basahin nyo naman hanggang huli hahaha Oo. Sa una lang sya magaling wala tayo magagawa pafall ang loko eh. Random lang ito mga bibeh