READ THE AUTHOR'S NOTE SA DULO PARA MALAMAN ANG SPOILERS SA NEXT CHAPTER. ^^
****
MKS - ♫Daseot♫
CHAPTER 05
CHARM'S POV
Hindi naman kami agad agad umalis kinabukasan, kasi kailangan ko pa siyempre hintayin ang Monday para makapag-drop sa school since mag-mimigrate nga ko sa Seoul.
Bumalik sa hotel kagabi si Unnie, since baka dumugin daw siya ng media pag dito siya natulog. Kaya kaninang umaga, nasa kalagitnaan pa ko ng pagtulog ko ay sumugod sa pamamahay ko ang dalawang lokaret kong kaibigan na kpopper.
“Cereals lang akin, fresh milk ha! Hindi powdered.”Sabi ni Macy habang nakaupo siya sa table naming at ako naman ay nasa kitchen.
“Sakin sandwich, nutella ang palaman ha!”Sugo naman ni Anne. Wow ha, kelan pa ko naging waitress at utusan nila? Nakakahiya naman. Pasalamat sila kaibigan ko sila naku, kung hindi, baka nasipa ko na sila palabas ng bahay.
“Ay nako, kung gagawin niyo lang naman akong utusan dito pwes bumalik na kayo sa pinanggalingan niyo at wag na wag babalik dito!”Sabi ko sa kanila pero imbis na matakot ay ngumiti pa sila at nag-peace sign. Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko.
Paano ko nga ba sila naging kaibigan ulit?
Matapos ang kainan session ay next na sinugod naman nila ay ang kwarto ko. Aba’t nagbaon pa sila ng chips kasi manonood daw sila ng movie. Anong akala nila sa bahay ko, movie theatre? =___=
“Penge nga ko!”Sabi ko sabay hablot ng piattos kay Macy na wagas kung makanguya.
“Kumuha ka ng iyo, akin ‘to!”Sabi niya.
“Ah so ganon?”Tumayo ako. “Sa ibang bahay kayo mag-movie marathon ha?”Huhugutin ko na sana ang saksakan ng TV ng bigla nila akong hinila palayo dun. “Haha, joke lang naman! Eto naman di mabiro!”Sabi ni Macy. Kailangan pa talaga tinatakot bago mamigay. -______-
~Fast Forward:Monday~
“Rumors about IU having a sister is now widely spread around the world. Though according from her manager, it is yet to confirm by the singer actress until she returns in Seoul.”Malakas na pagbabasa ni Anne habang nakatingin siya dun sa laptop niya. Nandito kami ngayon sa loob ng cafeteria, nakiki-wifi.
“Hey, popular ka na girl!”Bigla bigla nalang akong hinampas ni Macy sa balikat habang kumakain siya dun ng pocky.
“May pangalan ko ba diyan? Bulag lang? Bulag? Gaga ka talaga, paano ako magiging sikat eh si Unnie yun sikat. DUH.”Sabi ko sa kanya.
Kasi naman, pagkatapak na pagkatapak ko palang sa school, binungad na agad ako nina Anne at Macy at kiladkad papunta dito para lang i-share sa akin ang news nito. Psh.
“Samahan niyo nalang ako mamaya sa, admin okay? Ipapasa ko lang itong drop letter.”Patayo na sana ako nung bigla naman nila akong hilahin. “Ano na naman ba, ha?!”Napasigaw tuloy ako, ayan kase, ang kukulit!
“D-DROP?!”Aba’t ang taray at sabay pa sila?
“Hindi baka, mag-eenroll ulit ako. Bingi lang? Bulag na nga, bingi pa. Ung totoo, persons with disabilities ba ang drama niyo?”
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha nila. Parang... nalungkot? Teka, alam ko na ‘to. Nagdadrama nga sila.
“Aish, ano ba naman yan, kokonsensyahin niyo ba ko?”
Huminga akong malalim. Fine. Serious time na talaga ito.
“Okay, alam kong biglaan so I’m sorry.”Tiningnan nila ako. “Hindi naman sa kinakalimutan ko kaya pero I’ve decided to give Ate IU a chance, diba?”
Actually, nalulungkot din ako kasi magkakahiwa-hiwalay kaming tatlo. Silang dalawa ang pinaka-trusted kong tao aside from my family. Nabansagan pa nga kaming ‘Charlie’s Angels’ nung first year naming dito eh dahil kami ang tagapagligtas ng mga nabubully ng lower years nun. Tapos nung one time, nag-acquaintance party kami, dapat formal attire ang susuotin nun pero dahil nga binansagan kaming ‘Charlie’s Angels’, ang suot namin ay mala-spy ang drama.
Pero napalayas kami ng isang teacher dahil sa suot namin, paano ba naman kasi si Macy, lakas ng loob mag-backless. Ayan, naperwisyo ang isa, damay ang lahat.
Madami na kaming pinag-daanan na tatlo. Napagdaanan na naming ang bagyo, ipo-ipo, landslide, lindol, pagsabog ng bulkan, putok ng kaklase namin, ang mabangong hininga ng teacher namin sa pehm, etc. Pero tingnan mo kung nasaan na kami ngayon, nasa canteen lang at kumakain.
This is another obstacle... to test our friendship. Magiging miles ang layo namin sa isa’t isa, so will that friendship stay? I wish.
“Basta walang kalimutan ah!”Naiiyak na sabi ni Macy na parang aalis na ko ngayon. Nagulat ako nung bigla itong naglabas ng isang sketchpad. “Tapos wag mo ding kalimutan na diyan ka magpapa-autograph ng mga kpop idols dun ha? Pagkatapos ipa-deliver mo sakin through LBC---- OUCH!”
Ayan, sige, nasapak ko tuloy siya. Baliw kasi. Seryosong seryoso tapos bigla gaganun.
“Joke lang naman eh. T^T”Sabi nito habang hinihimas himas ang ulo niyang nasapak ko ng bongga. Hindi pa man din ako mahina manapak.
“Tss. Kala ko naman... Aish. Halika na nga! Magsisimula na klase eh, tara pasok na!”
***
AUTHOR'S NOTE:
Hello readers(kung meron man), thank you sa tyaga mo sa pagbabasa ng kwentong ito! Ma-fefeature sa next chapter ang.... SHINEE! :) Comment nalang sa baba ang mga gusto niyo pang i-feature ko sa future chapters! ^^
Kung kelan ang next update? Maglalagay ako ng quota, 10 VOTES and 5 COMMENTS for this chapter perhaps? I desperately need your feedbacks kung itutuloy ko pa ba. ^^ Thank you!
HAPPY SEMBREAK STUDENTS! WHOO~~
BINABASA MO ANG
My Kpop Story - Ongoing [My Korean World]
Teen FictionNO SOFTCOPIES || Kung adik ka sa kpop at koreanovelas, paniguradong makakarelate ka sa story na toh. Let's follow the journey of Charm, as she climbs her way into the world of Korean Idols. My Kpop Story, My Korean World SUMMARY: Spell walang alam...