Eto nanaman ako, napapatingin sayo. Kinikilig sa bawat reply mo.
Eto nanamam ako, napapatitig sayo. “Ang cute mo talaga athan.” sabi ko sa isip ko.
Gusto kitang kausapin ng todo, pero hindi ko magawa. Gusto kong sabihin sayo ‘tong nararamdaman ko.
Tinatago ko ito sa gilid ng puso ko. Naka zipper ang bibig ko, sa pag sabi ng “Mahal kita athan hindi mo ba alam?”
Hays, masaklap! Napakasakit. Gusto ko sakin lang sya. Gusto ko AKIN KALANG. AKIN LANG.
Pero tanong, Akin ba talaga SIYA?
AKIN BA TALAGA SYA?
Isang MALAKING
HINDI.
--
Yeah! Umaga na! At makikita na ulit kita Athan. Alam mo bang ikaw ang inspirasyon ko, para pumasok ng paaralan? Para mag aral ng mabuti. Para kahit sa gantong paraan mapansin mo naman ako?
“Lysa!” Sigaw mo, at ang lakas ng kabog ng puso ko.
“A—ano?” Sabi ko na sobrang kaba. Napuputol putol.
“Penge nga kong pulbos.” Sabi mo pa ‘yan. At konting pag uusap natin, ang saya saya na ‘nun.
Inabot ko sa‘yo yung pulbos at ngumiti ka na lang bigla. Parang natulala ako bigla. Ang sarap mong pag masdan, titigan. Para bang isang napaka gandang paraiso.
Hay, Dahil sa pulbos nato, naging masaya na ang araw ko. Simula ngayon, heaven powder na ang tatawagin ko dito.
“Oh, Salamat!” Sabay abot ng pulbos at ngiti.
Gusto kong sumigaw! Gusto kong tumalon! Gusto kong mag isplit! Sa kakiligan! Gusto kong humiyaw! Pero syempre, tinatago ko ang kakiligan ko. Sanay nanaman akong magtago ng feelings.
Eto na, aasa na! Aasa na may gusto karin sakin.
~×~
Habang nakatingin ako, sa inyong dalawa. Hindi mo ba alam na, sobra kong nasasaktan?
Habang nakatingin ka sa kaniya at nakangiti. Sobrang nasasaktan ako, ang sakit naman ng torture mo!
Napakagat nalang ako sa labi. Syempre, kailangan ko ding itago na nasasaktan ako, katulad ng pagtago ko sa feelings ko para sa‘yo.
~×~
BINABASA MO ANG
Hiding Feelings (Short Story)
NouvellesSa panahon ngayon, marami na ang nag tatago ng feelings.