July 03, 2016

11 0 2
                                    

--
July 03, 2016 linggo sa pilipinas :)
isang maulan na araw...
ito ang na napagdesisyunan naming magkakaibigan na puntahan sa bahay yung bestfriend ko.. halos tatlong buwan nadin pala nakalipas nung huli ko siyang nakita. miss na miss ko na siya sobra.

so eto na nga nauna kaming iba sa bahay nung isa kong kaibigan na kapitbahay lang bestfriend ko.  halos dalawang oras kaming naghintay dahil nagpapatigil padaw ng ulan yung iba. habang nandun ako sa loob ng bahay nung isa kong kaibigan. pinipilit kong maging chill, yung wala lang yung hindi kakabahan pero sa loob loob ko wala na ngunguna padin yung kaba ko. iniisip ko..

paano ko ba siya haharapin?
ano ba una kong sasabihin?
paano ba kumilos sa harapan niya.

andaming tanong sa isip ko na di ko talaga masagot sagot ..

then dumating na yung oras na... kumpleto na kami at oras na para pumunta sa bahay nila.

yung puso ko lakas ng tibok, namamawis yung kamay ko, ewan para akong natatae na ewan. kinakabahan talaga ako sobra.

nung palapit na kami ng palapit putek gusto ko na umatras kasi ewan parang nahihiya ako na parang may kasalanan ako sa kanya..

at eto na nga nakarating na kami sa bahay niya. pagkabukas ng pinto nila nakita ko siya... di sinasadyang sa mata niya ako unang napatingin (hindi sa suot niyang boxer HAHAHAH)

Nung napatingin ako sa mata niya may kakaiba akong nakita.. na first time ko atang nakita sa mga mata niya..

hmm, nung eto na nakaharap na siya samin.. may nagsalita na at umiyak pero ako nakatingin lang sa kanya di ko alam bat di ako makalapit hanggang sa...

"ikaw diba miss mo na siya lapit kana dali" - sabay tulak sa akin

wala akong magawa kundi lumapit sa akin.. at hindi ko din napigilan na yakapin siya..

pero tbh wala akong balak umiyak nung araw na yun.. nagfi-feeling strong ako eh..

pero nung sandaling yakap ko na siya at sinasabi ko na yung salitang "be miss na miss na kita" bigla nalang ako umiyak.. idk why? feeling ko kasi strong nako feelingera parin pala ako.

habang yakap ko siya umiiyak ako... at akala ko yayakapin niya din ako pabalik, pero hindi para siyang bato.. bato na walang pakeelam sa feelings ng iba..

nung medyo nagtagal na kami dun isa isa silang nagsalita eh.

at sa mga sagot sa tanong nato ako pinakanasaktan.

"Hindi mo ba kami namimiss be?"
-Hindi eh.

"Hindi mo naba kami mahal be?"
-Hindi na.
"Ilang percent?"
-wala na.

at nagpasya nakong umalis kasi ayoko ng lalong masaktan bago ako umalis muli akong yumakap sa kanya.. nagpaalam... na sana'y hindi ito ang huli...

nung ako'y nakauwi na... nagtanong ako sa gc (group chat) kung tama ba nakita kong suot niya pa yung singsing..

at ang sagot eh... binabalik na daw niya yung singsing..

💔💔💔

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon