Para Lamang Sa Iyo

72 0 0
                                    

“Life is full of surprises, so does love.”

Naaalala ko pa noon, masaya tayong dalawa. Kahit simpleng bagay lang na pagkain ng isaw, dirty ice cream, pagtambay sa gutter, pagssound trip hanggang gumabi at kahit pagtingala lang sa langit nakakapag pasaya na sa atin. Simula noong naging tayo, NO, simula noong naging kaibigan kita I never experienced any dull moment with you. Ikaw yung tipo ng kasama na hindi mo hinahayaang malungkot ang kasama mo, kasi para sa’yo akala mo ikaw ang dahilan ng kalungkutan nila. Kaya simula noon, kahit na may problema ako, kahit sukang suka na ako sa buhay na mayroon ako nandyan ka, pinapatawa ako at ginagawang positive ang outlook ko.

Hanggang sa naramdaman kong unti unti na akong nahuhulog sa'yo. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kahit na nagkaroon na ako ng past relationships. Iba yung hulog ko sa'yo, nakakapanindig balahibo. Everytime na nakikita kita, lahat ng balahibo ko sa batok, nagtataasan. Ganon ako kiligin sa'yo. Hindi ako makatawa. Hindi ako makasigaw. Napapangiti na lang din ako. Kahit na sinasabihan mo pa akong “Oy, ngiting aso ka na naman jan ah.” Hindi mo alam, na ikaw ang dahilan ng mga ngiti kong yun.

Dumating yung panahong nakapag desisyon na akong magtapat. Alam kong delikado dahil baka masira ang pagkakaibigan natin. Pero isinugal ko yun kasi ayokong habambuhay kong dalhin ang nararamdan ko mag-isa. Halong kaba, takot at excitement ang naramadaman ko nung nasabi ko na ang nararamdaman ko. Dalawa kasi ang pwedeng kahantungan nitong gagawin ko; ang mailang ka sakin at iwasan mo ako o ang tanggapin mo ang nararamdaman ko. Buong puso akong umaasang ang pangalawang bagay ang mangyayari. At hinding, hindi ko makakalimutan yung sinabi mo nung araw na yon..

"Mahal din kita Pardz, matagal na."

Noong araw din na iyon, naging tayo. Walang ligawang naganap. Nagkaintindihan lang tayo ng mga nararamdaman natin at alam nating sapat na iyon. Sobrang saya ko. Wala akong nasabi kundi ang yakapin ka dahil mahal mo rin pala ako. “Salamat”, isang salitang binitawan ko sa’yo. Isang salitang nagpa-umpisa ng ating kwento.

 Ilang buwan ang lumipas. Ilang monthsary ang nagdaan. Mas lalo kitang nakilala. Mabilis kang magtampo pero mabilis ka ring umamo. Selosa ka pala, sa professor nating nagtanong lang sa akin kung anong oras na ay nagawa mo pang pagselosan. Sa mga ugali mong iyon, mas lalo kitang minamahal. Mas lalo kong napatunayang mahal mo nga ako. Walang away na hindi natin naaayos. Alam kong hindi perpekto ang relasyon natin, pero alam nating dalawa na masaya tayo sa relasyong ito.

Nadala na kita sa maraming lugar. Natatandaan ko pa noong pumunta tayo sa Enchanted Kingdom na halos iyakan mo ako sa sobrang saya mo, dahil sa wakas nakatungtong ka na doon. Lumipas ang mga araw, dumating na ang isa sa mga pinaka importanteng araw sa atin. Ang ating anniversary. Pero imbis na lumabas tayo noon, kumain o maggala, nanatili lang tayo sa bahay niyo kasi may sakit ka. Sobra kang humingi ng tawad sakin nun at nakailang sabi rin ako ng "Okay lang, ang mahalaga magkasama tayo." Kaya ang ginawa nalang natin, nanood ng mga gusto mong pelikula. Halos mapunit na nga yung polo ko nun sa kakahatak mo tuwing natatakot ka.

Sa mga ganoong bagay masaya na tayo. Hindi ikaw yung tipo ng babaeng mahilig sa kung anu anong bagay. Simple ka lang. Pero sapat na yung kasimplehang yun para mapatibok mo ang puso ko ng sobrang bilis sa tuwing sa tuwing hinahalikan kita sa ilong, sa tuwing kinukurot ko ang malalambot mong pisngi at sa tuwing yinayakap kita na para bang iyon na ang pinaka masarap na bagay na mayroon ang mundong ito.

Pero bakit ganon? Bigla kang nanlamig sa akin? Hindi ko alam kung ano ang dahilan at kapag tinatanong kita kung may problema ka, sinasabi mong wala. Iniisip ko nalang na baka medyo nagiging busy ka lang, dahil graduating na tayo that time. Dumadalang ang sweet texts mo sa akin. Hindi ka na madalas na tumatawag na dati ay halos buong araw nalang tayo nakababad sa cellphone sa tuwing hindi tayo nagkikita. Hindi ka na rin tumatawa sa mga jokes ko, na noo'y kahit anong corny ay tinatawanan mo kasi sabi mo, "Oo na, nakakatawa na. Pampalubag loob man lang." Madalas ka nang nagiging iritable sa akin. Dumidistansya.

Kahit na ganoon, nilawakan ko ang pag intindi ko. Ayaw kitang masakal. Takot ko lang na iwan mo ako. Hindi ako nagpabaya sa relasyon natin, kahit na nakakaramdam na ako ng hindi tama. Inalis ko ang isiping iyon dahil may tiwala ako sa’yo at sapat na sa akin na alam kong mahal mo ako. Pinanghahawakan ko ang pangako mo saking tayo lang dalawa.

Isang araw hinawakan ko ang kamay mo dahil sobrang namimiss na kita. Araw araw nga kitang nakikita pero parang ang layo mo sa akin. Pero ang ikinagulat ko ay nung ibinalya mo sa akin ang kamay ko. Hindi ko na kinaya noon, sumabog na rin ako. Kahit mayroong pagdududa sa akin, isa lang ang naisatinig kong salita, "Bakit?"

Wala akong nakuhang sagot sa'yo, kundi tinalikuran mo lang ako. Hinabol kita dahil ayokong mag away tayo ng hindi ko alam ang dahilan. Kung may mali sa akin, handa kong itama. Ganoon kita kamahal. Kung ano mang makapagpapasaya sa iyo ay handa kong gawin. Huwag mo lang hilinging iwan kita. Tinanong ulit kita patungkol sa problema mo, kung may problema ka sa akin o kung may anuman ba akong maitutulong. Matagal akong nag intay ng kasagutan mo. Tinititigan ko lang ang mga mata mo at may nakita ako. Lungkot. Hindi ko alam pero, may naramdaman akong sakit sa dibdib ko noong makita ko iyon. Parang may hindi magandang mangyayari. At tama nga...

"Wala na tayo Carlo."

Nabingi ako. Nakatitig lang ako sa'yo, nakabuka ang bibig. Ang dami kong gustong itanong. May nagawa ba akong mali? Sawa ka na ba sa akin? Kulang pa ba? May problema ba tayo? Nasaktan ba kita? Hindi ka na ba masaya? Lahat ng yan gusto kong itanong sa'yo iyo. Pero bago ko pa maisatinig lahat iyon, nagsalita ka na ulit. Ang dami mong sinabi. Mga bagay na hindi ko maintindihan dahil namamayani ang sakit na nararamdaman ko sa puso ko. Wala akong naunawaan sa mga dahilang ibinigay mo sa akin.

"Sorry at pasensya ka na."

Wala akong nagawa. Iniwan mo ako doon. Nakatayo. Nakatulala. Hindi ko namalayang basang basa na ng luha ang mga mata ko. Gusto kitang habulin, pero nanghihina ang mga tuhod ko hanggang sa napaluhod nalang ako habang umiiyak. Ang sakit. Sobrang sakit. Pagkatapos ng lahat, nawala nalang ang lahat ng hindi ko alam. Pinipilit kong kumbinsihin ang sarili kong panaginip lang ang lahat o babalik ka at yayakapin ako at sasabihing huwag na akong umiyak at mahal na mahal mo ako. Pero imposible, dahil totoong totoo tong sakit na nararamdaman ko.

Kinabukasan, pinuntahan kita sa bahay niyo at susubukan kong ayusin pa ang relasyon natin. Pero wala akong nadatnan. Sarado ang lahat. Naghintay ako. Isa, dalawa, apat, anim na oras sa labas ng bahay niyo, iniisip na umalis ka lang saglit. Pero inabot na ako ng hatinggabi, ni anino mo hindi ko nakita. May nagsabi sa aking nag ibang bansa na kayo at kahapon lang kayo umalis. Galit at lungkot ang naramdaman ko. Nagagalit ako sa sarili ko na wala akong nagawa, na hindi kita naingatan. At lungkot dahil wala na tayo, na sumuko ka na, na umalis kang wala akong alam. Kahit nakakahiya, nakita ako ng mga tao sa subdivision ninyong umiiyak sa tapat ng gate niyo, patuloy na tinatawag ang pangalan mo. Sa mga oras na iyon, wala na akong pakialam kahit magmukha akong tanga kakasigaw at kahit masabihan pa akong baliw ng mga taong nadadaanan akong umiiyak. Wala akong pakialam dahil masakit, sobrang sakit. Nararamdaman kong parang literal na pinipiga ang puso ko. Nagbabakasakali akong lalabas ka at yayakapin ako, dahil naririnig mo ang puso ko. Pero wala pa rin, siguro nga iniwan mo na akong tuluyan.

"Nasaan ka na kaya?" Iyan ang parati kong tanong sa sarili ko dalawang taon mula noong umalis ka. Nakatapos na ako ng pag-aaral. Malungkot, dahil hindi kita kasamang nagmartsa. Kinaya ko ang dalawang malulungkot na taon na iyon dahil ni minsan hindi ka nawala sa isip ko at ang puso ko, tumitibok pa rin PARA LAMANG SA IYO. Umaasa pa ring balang araw, babalik ka pa sa akin at para atin.

 -----------------------------------

UWAAA! Hello! Hello! Kaway kaway (~^0^)~ Pers one shot story ko po.  Well, almost 5 months na siyang nakabaon sa folders ko, ngayon lang ako nagkalakas ng loob i-publish to. I was inspired by my friend's original song. Kaya yun. :"> 

Pasensya na ha. Hope you laykit. :]

Para Lamang Sa IyoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon