Chapter 6: Turn of Events

47 6 3
                                    

“Naaalala ko na ang lahat, hindi mo na kailangan pang magpanggap dahil alam ko na na ako ang dahilan kung bakit namatay ang papa mo” sabi ni Sophie habang naiiyak

“Shhhs. Wag ka nang umiyak. Kung totoong naaalala mo ang lahat ay di mo dapat sinasabi na ikaw ang may kasalanan” pigil ni Raine

“Pag patuloy mong sisisihin ang sarili mo ay mas lalo akong malulungkot dahil sa hindi ikaw ang may kasalanan kundi ako. Kaya please Sophie wag mong sisisihin ang sarili mo” sabi ni Raine

Sandaling natahimik ang dalawa…..

“Siya nga pala, eto na ang kwintas na ibinigay mo sa akin noon. Ibinabalik ko na ito sayo” sabi ni Sophie sabay abot kay Raine sa kwintas

“Naaalala mo rin ba ang dahilan kung bakit ko ibinigay sayo yan?” tanong ni Raine

“Oo, alam ko na ang dahilan kung bakit ko suot yan. Ang sabi mo ay kung sa pagbalik mo rito at suot ko pa rin ang kwintas na yan ay ibig sabihin na may gusto pa rin ako sa iyo” sabi ni Sophie

“Kung ganoon ay ibabalik mo pa rin ba sa akin yang kwintas?” tanong ni Raine

Ayaw mang ibigay ni Sophie kay Raine ang kwintas dahil kasabay ng pagbabalik ng ala-ala niya ay ang pagbabalik ng pagtibok ng puso niya para kay Raine. Ngunit ang nasa isip niya ay hindi siya karapat dapat kay Raine dahil sa isip niya ay siya ang naging dahilan ng pagpanaw ng ama ni Raine…

“Oo, ibinabalik ko na ito sayo. Ibigay mo na lang ito sa babaeng mas karapat dapat para rito” naiiyak na sabi ni Sophie

“Pero paano naman yun. E ikaw lang ang nararapat na mag suot niyan at wala ng iba pa” sabi ni Raine

Alam ni Sophie na hindi tatanggapin ni Raine ang pagbalik niya sa kwintas kaya bigla na lang niyang nasabing….

“H-Hindi na ako ang batang babaeng pinangakuan mo noon. Ang totoo niyan ay nagbago na ako at may iba na akong minamahal at yun ay si Gino. Kaya sana kung sakaling totoong minahal mo ako ay pabayaan mo na lang ako” sabi ni Sophie

“Nagbibiro ka lang di ba? Hehe. Wag mo naman akong biruin ng ganyan. Di ba nga nangako tayo sa isa’t isa na babalikan kita kahit na ano pang mangyari.” Nakangiting sabi ni Raine habang nagngingilid ang kanyang luha

“Tama na Raine. Wag mo na akong pahirapan pa please….kunin mo na ang kwintas na ito at kalimutan mo na lang ako” naiiyak na sabi ni Sophie

Kinuha ni Raine ang kwintas at sinabi niya…

“Sige, kukunin ko ang kwintas na ito ngunit hindi para bawiin kundi para hawakan lamang dahil sisiguraduhin ko na maibabalik ko sa iyo to” sabi ni Raine at siya’y umalis na at bumalik sa taas

Hindi naman sinasadyang marinig ni Gino ang kanilang pag-uusap dahil tulad ni Raine ay gusto rin niyang puntahan si Sophie upang kanyang kamustahin dahil ito’y nag-aalala para rito. Laking gulat niya ng marinig niya na mahal siya ni Sophie ngunit alam niya na ginawa lamang niya ito upang tumigil si Raine. Matapos umalis ni Raine ay nilapitan niya si Sophie at sinabi niya na nanggaling siya sa kusina nang makita niya ito kaya niya siya nilapitan.

Pag-akyat nina Gino at Sophie ay aakalain mong walang nangyari kina Sophie at Raine dahil tulad ng dati ay ganoon pa rin itong si Raine. Masaya,tumatawa at nakikipaglokohan pa nga kay Shin. Kung hindi lang narinig ni Gino ang naging pag-uusap nina Sophie at Raine ay hindi niya malalaman na nagkaroon ng tensyon sa dalawa. Hindi naman nagtagal ay nag si alisan na ang lahat maliban kay Shin na nag-paiwan at di nagtagal ay umuwi rin ng tawagan siya ng kanyang mama.

Love BeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon