When Love Fails
(The Ups and Downs of a College Love Story)
EPILOGUE:
Ngayon ko napapatunayan na iba ang value ng isang bagay pag wala na ito sa'yo, compared 'nung hawak mo pa. Nakakairitang katotohanan.
“Diba Kuya?” tanong ni April habang nagbubunot siya ng split ends at nakatitig sa akin.
Oo nga pala, magkausap kami ng pinsan ko. At katulad sa mga nakaraang araw, bigla na naman akong nag-hang at natulala.
“Ha?!”
“Hala si Kuya. Sabi ko sino kaya ang mananalo dyan?”
Nanunuod nga pala kami ng pambansang kerengkeng show ng Pilipinas ngayon: Got to Believe, habang nakababad sa Downy ‘yung nilabhan kong shop shirt. Ang tinutukoy niya eh kung sino daw kaya ang mananalo sa election between Joaquin, Chichay tsaka ‘yung isang malditang bata. Ngayon lang ulit kasi kami nakapagusap ni April after several days. Finals week na kasi sa dakilang TUP at sangkatutak din naman ang project niya sa school.
“Si Chichay.” Sagot ko, habang unti-unting bumabalik sa realidad at nakakarecover sa pagkakatulala.
“Kase…” sabi naman niya. Kilala ako ng batang ‘to, alam niyang mahilig akong mag-elaborate ng mga bagay na walang kwenta.
“Kung typical na Pinoy mentality ang papairalin ng writer nyan, si Chichay talaga: mahirap, mabait na anak pero palaban. Pero kung gusto niya na paboran ‘yung mga jologs ni DP tsaka magbigay ng konting conflict, eh di si Joaquin. Ngayon kung gusto nya ng mas magandang buwelo para sa isang malupit na twist na magtetrending sa Twitter, panalunin nya ‘yung batang maldita. Basta galingan nya lang sa pagbi-build up ng mga next possible scenarios lige dayaan chuva, false counts chenes, snap election eklabu. Mga ganun.”
“Oo nga.” sagot niya. Kita mo na, ang haba ng sinabi ko pero naka-focus lang naman talaga siya sa mga mina-massacre niyang buhok na may split ends kesa makinig sakin. Hindi lang talaga siya sanay na hindi ako madaldal kahit kalalaki kong tao.
Ang tumal ng pakiramdam ko. Occasionally pinipilit kong magpaka-okay para hindi nila mahalata ‘yung dinadala ko. Ayokong nakikita ng pamilya ko na mahina ako- kahit sa totoo lang, ang sakit sakit, ang hirap hirap, ang bigat bigat na ng nararamdaman ko. Katatapos lang naming alipustahin ‘yung bagong produkto ng Procter and Gamble: Joy Dishwashing Liquid with Olay. Tama, Olay as in beauty soap na gamit ng tiyahin mong tumandang dalaga. Naknangteteng naman. Laughtrip kami, at kahit papano napasaya ako sa lima o anim na segundong tawanan. Ang masakit nga lang, ‘matic na na kapag masaya ako, naaalala ko siya. Siya dapat ‘yung kaaway ko sa pagki-criticize sa Got to Believe. Siya dapat ‘yung kasabwat ko sa panlalait sa mga korning produktong pinapatalastas sa TV. Siya dapat ‘yung kasama ko sa mga ganitong simpleng saya na nararanasan ko. Namimiss ko na siya.
“Hala!” sigaw ni April. Ay tae. Na-underestimate ko ang koya mong writer. Nanalo si Editha, ‘yung batang maldita. Mukhang interesante ‘yung susunod na pangyayari.
Pero mabalik tayo sa ine-emote ko.
Tatlong araw na ang lumipas pero wala pang nakakaalam sa side ko na break na kami. Wala akong mapagsabihan- ayaw ko sa pamilya ko at nabanggit ko na ang rason. Wala naman ding kwentang kausap sa mga ganitong bagay ‘yung mga kaklase ko sa Mechanical. ‘Yung mga kaibigan ko, natatakot akong magsabi sa kanila kasi ayoko na naaawa sila sakin, tsaka siguradong yayayain lang ako ng inuman ni Kulot. Kay Labo kaya? Pagagalitan lang ako nun, baka itakwil pa ‘kong kaibigan pag nagkataon. Kay LA? Aynako, busy ‘yun at finals nga. Kikimkimin ko na lang, isusulat ko na lang sa suicide note ko ang lahat ng hinanakit ko. Pasensyahan na nga lang kasi pangit talaga sulat ko.
Kanina, nakita ko siyang may kasamang iba. Ang sakit. Oo pramis, makita ko lang siya na masaya sa iba, napupuno na agad ng lungkot at pagsisisi ‘yung puso at utak ko. Nawawala ako sa sarili. Para akong bumagsak sa lahat ng subjects ko with dying colors, para akong tinutuli the traditional way, para akong hinahampas ng wrecking ball sa magkabilang sentido. Hindi ko na kaya.
(Itutuloy)