Chapter 3: Encounter with Mr. GGSS

280 6 3
                                    

"Wow huh! Lakas mo makaYolanda! If I were you, hindi ako magsasalita ng tapos dahil sabi nga bilog ang bola pwedeng nasa ibabaw ka for now at bukas makalawa baka nasa ilalim ka na at nagluluksa." Napakayabang talaga ng lalaki nato!

" Yan ang gusto ko sayo eh, yung mga wisdom of words mo. But I will make sure that this year we will win it again. Ako pa ba!? Lalo na kung naandyan ka para panuorin ako." At kumindat pa talaga tsaka ngumiti ng wagas ang walanghiya! Feelingerong palaka talaga!

"Baka nakakalimutan mo Mr. Dominguez,hindi lang ikaw ang naglalaro may mga team mates ka na tumulong sayo to win the championship. And besides malay mo this year merong pumasok na mas magaling pa sayo."

" Better than me? Sino naman kaya sa tingin mo ang papantay or hihigit pa sakin dito? Freshmen or bagong mga magtatry outs this year? I don't think so my sweety Aeries." Bigla syang yumuko sa table namin at inilapit ang muka nya sa mukha ko! As in very close. Nakatingin sya sakin eye to eye talaga. For a moment medyo na black out ako dun,nagulat naman talaga ako sa ginawa nya.

" Wow ang sweet naman nila Aeries at Kian! Ayeeee! Team AerKian na talaga ko.super bagay talaga sila" Narinig ko na lang sa kabilang table,tsaka ko lang naalala that we are staring to each other at that very moment.

" Kita mo na,lahat sila nagsasabing bagay tayo.so be my girl." Nakatitig pa rin nyang sabi. Para kong nabuhusan ng isang timbang tubig na may sandamukal na yelo.

" Sorry Mr. Dominguez,pero sa tingin ko hindi tayo bagay because I am not a toy.... I'm human. So if I were you hahanap na lang ako ng ibang babaeng mapaglalaruan! ALIS! NAUUBOS NA ANG PASENSYA AT ORAS KO SA MGA WALNG KWENTA MONG PINAGSASASABI! ALIS KAKAIN NA AKO! "Sumigaw na talaga ako sa galit at gutom. Mukha namang tinablan sila pero itong si Mr. GGSS nakatingin pa rin at mukhang.... Seryoso ang tingin nya.... Sobrang seryoso.

" Kayang kaya kong humanap ng toy na sinasabi mo para paglaruan,pero hindi ko na kayang humanap ng ibang human para seryosohin dahil alam kong nakita ko na ang hinahanap ko at Ikaw yon." Seryosong seryoso syang nakatingin sakin while he's uttering those words. It makes me have a goosebumps inside me. Hindi ko maexplain pero di pa rin ako nagpahalata.

" Whatever! Alis! " Pagbugaw ko sa kanila. Tumingin lang siya ulit sakin with a blank expression at sabay sabay na silang umalis ng mga kateammates nya.

" Ibang klase yung hugot mo don dude ah! " Narinig kong sabi ni Drake kay Kian habang nakaakbay sa kanya.

" I am fucking serious man! " Malayo na sila pero narinig ko pa rin ang sagot nya. I couldn't imagine his face basta ang alam ko lang sa tono ng salita nya imbyerna siya.

" Whoooh! That was intense.... Really intense." Sabi ni Nikka na umaarteng nagpupunas ng pawis. Hindi ko na lang siya pinansin at kinuha ko na yung burger na pinabili ko at kinagatan ito.

" Noon pa naman talaga seryoso si Kian kay Aeries ewan ko ba dyan bakit ayaw maniwala." Si Gladys nagsalita na. Basta siya ang nagsalita,matakot ka na dahil for sure sesermonan k nyan o bibigyan ng advice. Seryosong tao yan but sometimes jolly din lalo na kung kaming apat ang magkakasama.

Noon pa talaga ko gustong ligawan ni Kian,freshmen pa lang ako at second year siya, nagsabi na siya ako lang ang hindi pumapayag. Ayoko ng aura nya,ayoko ng ugali nya even his background. Playboy siya. And once a playboy will always be a playboy kahit pa mukhang seryoso sila. Sa una akala mo totoo na talga silang seryoso sayo,mabibilog naman ang utak mo at iisipin mong napabago mo nga sila pero in the end iiwanan ka lang din sa ere at ipagpapalit sa bagong nakapukaw ng attention nila. I know that tactics, I even passed that before and I know how it hurts.

" Hey Aeries! " Andrei snap his fingers at my face. " Lutang ka nanaman."

" Huh?Bakit?Ano ba yon? " Gulat kong sabi. They are all staring at me. Wondering.

" Tinatanong ka kasi nitong si Nikka if bakit ayaw mo kay Kian. E kaso para naman kaming tanga sa kakahintay ng sagot yun pala nag di daydreaming ka dyan! " Paliwanag ni Wendy bago sumipsip sa softdrinks nya.

" Why sissy? Is there something bothering you?" Nag aalalang tanong ni Nikka. Naguilty naman ako dahil nagpromise ako noon kay Sisy na hindi ko na iisipin yun ulit.

" Nothing sissy. Eh kasi naman ayokong isipin pa yung mga bagay na yun kasi nga focus ako sa studies ko now so wala na kong time para alamin kung totoo ba yun o hindi. Cause the result will just be the same,busted lang siya." Mahaba kong explain sa kanila. Mukha namang naniwala sila dahil pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Kian's P.O.V

Ako si Kian Jasper Dominguez,nag iisang anak ng Presidente ng Sacred Heart University. Captain Ball ako ng basketball team namin dahil sa pagiging shooter ko. Mabibilang mo sa daliri ang sablay ko sa ring mapa inside o outside shooting man. Sa isang bagay lang talaga ko hindi makashoot,sa puso ng babaeng mahal ko.

"Dude ano billiards na lang tayo,sa billiard balls mo na lang idaan ang pagka bad trip mo." Aya sakin ni Joshua,ka teammate ko din sa basketball at siyang pinakaclose ko sa lahat. Kababata ko siya at hindi pa kami nagkakahiwalay.

" Wala ako sa mood,kung gusto nyo kayo na lang papanoorin ko na lang kayo." Walang gana kong sagot.

" Bilib din naman ako sa Aeries na yan ano? Siya lang ang bukod tanging nakakapag pawala sayo ng gana sa mga ball games." Puna sakin ni Drake,ang hugot king namin. Mahilig talaga ko sa iba't ibang klaseng ball games. Basketball,billiards,football or soccer, table tennis name it at halos lahat yun kaya kong laruin.

"Babae lang yan dude. Ang daming gustong makadate ka dyan bakit hindi mu subukan." Comment naman ni Pocholo na pinakaplay boy samin.

" Ulol! Wag mo kong itulad sayo! "

" Para namang hindi ka sanay."

" Hindi talaga siya sanay ng hindi nya nakukuha gusto niya. Tingnan mo pag bumigay si Aeries mangangaliwa na ulit yan! " Sabat naman ni Erick ang pinakamakulit at makalokohan mapababae at pag aaral.

"Mga sira ulo! Ibahin nyo si Aeries.Hindi siya basta bastang babae lng,siya yung tipong Pangmatagalan." Sagot ko sa kanila

" Hindi kaya nacha challenge ka lang kay Aeries kaya ka ganyan? Hindi ka naman kasi sanay ng tinatanggihan."

Tama si Pocholo, hindi uso sakin ang sagot na "no" ng mga babae mas madalas pa ngang ako ang inaaya sa date. Pero si Aeries,simula ng makita ko syang nag iisang umiiyak sa court iba na agad ang naramdaman ko sa kanya. After that di na siya mawala sa isip ko. Hindi ako tumigil ng di ko nalalaman ang pangalan niya at di nya ko napapansin.

" Kung sabagay.... Yung ginawa mo lang nung SSC election ibang klaseng effort na un." Komento ni Drake bago tumira ng billiard ball.

"Haha! Oo nga pala. Akalain mung free hugs and kisses basta iboboto si Aeries. Lakas nga talaga ng tama mo dude." Humahalakhak pa si Pocholo bago kumuha ng tisa saka tumira.

Naalala ko nong School Students Council election nilibot ko ang University at kinausap palihim ang mga babaeng tagahanga ko. Nag offer ako ng free hugs and kisses basta si Aeries ang ibobotong President. Pinakuhanan ko pa ng pics mga ballot papers nila to make sure na hindi nila ko iniisahan. Isa yun sa mga efforts o katangahang maituturing na ginawa ko for her. Fortunately nanalo siya.

"Tigilan nyo na nga si Kian. Maglaro na lang kayo." Saway sa kanila ni Joshua.

After the game we decided to have some shootings for preparation sa practice ng basketball and pampapawis na rin.

You're free to type your comments.. Tnx po..
Sorry for some wrong grammars...

Loving You Unexpectedly Where stories live. Discover now